CHAPTER 35: FINAL BATTLE (PART 2)

Start from the beginning
                                    

Hindi ako nakasagot dahil nakatulala lang ako kila Neon at Krypton. Ayokong may mangyaring masama dahil sa ginagawa nila. Kaibigan ko si Neon at alam ko ang rason kung bakit siya nanggugulo sa Elysium, pero mali ang paraang pinili niya.

Chlorie's POV

"Hindi ba tayo makikisali sa digmaan?" tanong sakin ni Beryl.

"Kaya na ni Neon yon, we have something important to do Beryl" sabi ko habang prenteng naka upo.

"Hindi ba natin kukunin ang taong para satin, hindi nalang dapat tayo nandito at tumunganga na kunin ang lahat ni Argon!" sabi pa nito.

"Relax, I have an idea to do that, for now on, all we need to do is to wait. A perfect timing, at don tayo lulusob" nakangising sabi ko.

Maghintay ka Argon, dahil hindi pa tapos ang pag hihirap mo.

Argon's POV

Hinila ako ni Xenon paalis don ngunit may humarang saming mga Black Dragons.

"Argon, tumakbo ka na paalis dito, pumunta ka sa Students Council room dahil mas ligtas ka don" sabi ni Xenon.

"Patawad Xenon, pero hindi ko maiiwan ng basta basta nalang si Krypton" sabi ko at saka tumakbo pabalik sa kinaoroonan nila Krypton.

Naabutan kong duguan si Krypton sa braso kaya lalo akong naghina.  "Neon tama na please" pag mamakaawa ko. Pero hindi niya ako pinakinggan at pumunta siya sa direksyon ni Krypton na hawak hawak ang braso nitong duguan.

"You're a devil Neon! You will pay for killing those innocent students" galit na sabi ni Krypton at saka tinutukan ng baril si Neon, ganon din ang ginawa ni Neon.

"Well, Welcome to the hell Krypton" sabi ni Neon na parang masaya pa sa nangyayari.

Bago pa man mabaril ni Krypton si Neon ay inunahan na ito sa mga tauhan ni Neon. Dahilan para mabaril ulit si Krypton.

"Krypton! Tama na please... wag ka ng lumaban pa" sigaw ko habang buong lakas na nag pupumiglas sa mga tauhan ni Neon.

"No, I won't ever give you to anyone... never Argon" pilit na sibi niya.

"K—Krypton please, tama na" iyak ko habang nakatingin sa kanya.

Ilan pang putok ng baril ang narinig ko at tuluyan ng napaluhod sa sakit si Krypton. Hindi ko na kayang tingnan ang paghihirap nya kaya buong lakas kong kinagat ang tauhan ni Neon at kinuha ang baril nito at pinaputukan ito sa puso. Lahat sila ay naglaho.

Sunod kong tinutukan ay si Neon. "Ohh, I know you can't Argon" nakangising sabi ni Neon.

Nanginginig man ay itinutok ko parin sa kanya ang baril. "Nagkakamali ka Neon" mahinang sabi ko nag ipon ako ng lakas ng loob at pinaputukan siya sa bandang puso nito.

"P--Pagsisihan mo ito Argon, H--Hindi pa magtatapos ang lahat dito" hirap na sabi niya habang nakaluhod.

"A--Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi lang si Chlorie ang taksil sa inyo. Hahahaha!"

"S--Sino? Sino pa ang nagtaksil sa Student Council? Sabihin mo Neon" sigaw niya.

"Siya ay walang iba kung hindi si----"

Hinid na niya nasabi ang sasabihin niya nang tuluyan na itong nag laho. Agad akong pumunta kay Krypton na ngayon ay duguan na.

"K—Krypton, tapos na, tapos na ang lahat. Magpakatatag ka. Aalis na tayo dito"

"A—Argon...Mabuti naman at ligtas ka, bakit ka pa kasi bumalik dito dapat ay sumama ka kay Xenon" pilit na sabi ni Krypton sakin sabay hawak sa pisngi ko, hinawakan ko naman siya sa kamay.

"Ano ka ba, hindi kita kayang iwan ng ganon nalang, M—Magpakatatag ka hah, maya maya may dadating na dito si Xenon, kaya magagamot ka na" sabi ko habang patuloy pa din ang pagiyak.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay iyon sa bandang puso niya, pansin ko ang sugat na nandon.

"Itong puso na to, ikaw lang ang laman nito. Mahal na mahal kita Argon"

"Mahal na mahal din kita Krypton, kaya wag kang maglalaho hah, konti nalang dadating na sila"

"Hihintayin kita Argon, hihintayin ko ang tamang panahon na magkakasama muli tayo" sabi niya at  saka ako hinalikan sa noo. Agad ko naman siyang hinarap at tumingin sa kanyang mga mata.

"N—No, nandito lang ako Krypton, please... lumaban ka" iyak ko. Pero unti unti na siyang naglaho.

"H—Hinde Krypton! Krypton!" iyak ko habang nakaluhod sa madilim na kagubatan.

Ilang sandal pa ay nahanap na ako ni Xenon. "Argon, tara na delikado dito" sabi niya, ngunit alam kkong alam niya na na wala na si Krypton.

"H—Hinde, dito lang ako... Hihintayin ko siya, sabi niya babalik siya kaya dito lang ako Xenon" sabi ko habang nakatulala.

"Wala na siya Argon, naglaho na din siya tulad ng iba, please sumama ka na sakin" pakiusap ni Xenon.

Unti unti nanamanng bumuhos ang luha ko. Hinawakan ko ang baril ni Krypton. "K—Kung ganon ay, wala na akong rason para manatili dito kaya mabuti pang... mabuti pang wakasan ko na to" sabi ko sabay tutok sa puso ko ang baril.

Napatigil ako ng yakapin ako ni Xenon mula sa likod. "Wag mong hayaan na lamunin ka ng lungkot Argon, may rason kappa para manatli dito, may mga kaibigan ka pang naghihintay sayo... may misyong dapat ka pang dapat tapusin sa tingin mo ba papayag si Krypton na wakasan mo ang buhay mo dahil sa kanya... Argon, nandito pa kami... nandito pa ako para sayo" sabi niya, kaya mas lalo akong napaiyak.

Humarap ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Tama siya, May rason kung bakit nananatili parin ako sa mundong ito. Ang mga kaibigan ko, pati ang nag iisang taong mahal ko ay naglaho na. Nabalot ng pagiyak sa kagubatan, dala ng paghihinagpis ng pagkawala ng mga taong mahahalaga sakin.Kasabay ng pagtatapos ng digmaan sa Elysium Academy.

Ngunit patuloy pa din ang paghihintay ko sataong unang nag patibok ng puso ko.

Elysium Academy (Completed)Where stories live. Discover now