sya^ si Mrs?! Jeremae?! Velicaria?! na DP si Wooyoung KO?!(tama ba?XD) thank yow po sa pagread ng PB. ;)) 

and to other readers? Wag na po kayo magalit kay daddy cj kasi.. wala lang! ;3 ehh hindi nyo ba talaga sya gusto? kasi ako, gusto ko sya! Tulad nga nya ang ideal bf ko ehh~ Hihi~ pero kung hindi nyo talaga sya gusto..edi hindi! Aydowntkerr!! CHOS XDD 

Read. Vote. Comment. TENCHUS! v^o~v 

- - - - - 

x34: CHANGE 




[CJ's PoV] 


Kakatapos lang ng huling klase ko for today. Now, I'm going back home to change clothes. 


Next ko kasing pupuntahan ang business office ni Dad to attend a meeting so kailangan kong magsuot ng something formal. 


Pero nang makasakay na ko sa kotse ko, di ako nagdrive agad. 


I lighted up a cigarette instead and smoked for the moment. 


Alam ko pagagalitan ako ni Rachel dahil dito pero kailangan ko toh ngayon eh. Through smoking ko lang nari-release 'tong stress ko. 


It's been two weeks already simula nang maging ganito ka-stressful ang buhay ko. Ang dami ko na kasing ginagawa sa school tapos dumagdag pa yung family business namin. 


And do you know whose fault was it? 


It was my mom's. 


She only wants to lessen the attention that I'm giving to Rachel kaya ayun, pinilit nya ko na asikasuhin ang negosyo namin. 


Mom should be happy by now. Dahil sa ngayon, talagang nabawasan na ang atensyon ko kina Rachel.. 


Tinitigan ko ang cellphone ko. Plano kong tawagan si Rachel kaso passed 3PM pa lang. May klase sya ng ganitong oras eh. 


I sighed and tinapon ko na palabas ng bintana yung yosi ko. 


It's just passed 3PM.. Naalala ko tuloy si Andy.. 4PM ang uwian nya sa school.. 


Pumikit muna ko at nag-isip. 


After a few minutes, I decided to call Rachel's dad. I told him na ako na lang ang susundo kay Andy. 


Right. Susunduin ko na lang sya kaysa umaten ng meeting na ayaw ko naman talaga atenan. 


I went straight to Andy's school kaso medyo napaaga ako. I had to wait outside the school premises while smoking. Again. 


Tsaka ko lang tinigil magyosi nang nakita kong lumabas na ang ibang estudyante. Uwian na nila. 


Pumasok na ko sa loob ng school. Agad akong nakita ni Andy na mukhang handang handa na umuwi. 


"DADDYYY!" tumatakbo syang lumapit sakin. "SI PAPA PO?!" 


Tch. 


I'm the one who's here but he's looking for that jerk. 


I can't blame this kid though. Tatay nya pa rin ang lalaking yun kahit anong klaseng baligtad ang gawin ko sa mundo. 


"Di ko alam eh.." sagot ko kay Andy. Kinuha ko ang schoolbag nya at inakay sya palabas. "Did you do good in school huh, baby?" 


"YES DADDY! NI-SING KO PO YUNG TWINKLE STAR PO!" Twinkle star daw? Hahaha. 


While I'm driving our way home, I requested Andy to sing that 'TWINKLE STAR'. Para nga lang syang naging iPod na naka-repeat mode. Paulit-ulit sya tapos yung ibang lyrics parang kinakain nya pa. Tawa tuloy ako nang tawa sakanya. 


Naisip ko na bigyan sya ng reward kaya dumaan kami sa drive-thru ng McDo at binilhan sya ng pagkain. 


And when we arrived home.. 


"WAH! PAPA'S CAR!!" mabilis na napansin ni Andy ang kotse ni Adrian na naka-park sa tapat ng bahay nila. 


But why is he here? Di naman sya pumupunta dito nang ganito kaaga dati ah? 


Pagpasok naman namin ni Andy sa gate, kinabahan ako sa nakita ko sa may doorstep. 


May sneakers dun which I guess is Adrian's, and a pair of doll shoes na alam kong kay Rachel. 


Ibig sabihin, MAGKASAMA SILANG DALAWA DITO NGAYON?? 


Damn. 


Pumasok na kami ng bahay pero wala sina Rachel sa sala. Wala rin sila sa dining, maging sa kitchen. 


DAMN IT. Don't tell me na nasa kwarto sila?? 


Damn it. Damn it. THEY CAN'T BE THERE.. NO.. 


Iniwan kong kumakain si Andy sa sala para umakyat sa taas. 


Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat paghakbang ko dito sa hagdanan. 


What if they really are together in her room? And they're...argh! God damn it! Di yun magagawa sakin ni Rachel! Just NO!


Huminto ako sa tapat ng kwarto nya. 


There I took a couple of deep breaths first before I tightly put my grip on the doorknob. 


Di ko mapigilang manggigil sa pagbukas ng pinto. 


Lalo akong nanggigil nang makita kong magkasama nga sila roon. 


Rachel's lying on her bed, covered with a blanket while Adrian's sitting next to her, naglalaptop at hinahaplos ang ulo nya. 


I'd like to analyse this scene first pero di ko makontrol tong galit ko. I can't stand seeing them together and that close here in Rachel's room-- ON RACHEL'S BED TO BE EXACT. 


Si Adrian, tinignan lang ako. Yung tingin nya, parang nagtatanong pa kung bakit nandito na ko. 


NANDITO NA NGA KO PERO WALA PA SYANG BALAK NA UMALIS SA TABI NG GIRLFRIEND KO? 


Mukhang wala nga. Well then, ako na lang ang hahatak sakanya paalis sa pwesto nya! 


"PAPAAA!!" naunahan ako ni Andy na pumasok ng kwarto. Di ko napansing sinundan nya pala ko dito. 


"SSHH!" napatayo na si Adrian para salubungin si Andy. "Wag ka maingay anak.. May sakit at natutulog si Mommy mo.." 


Napatakip ng bibig si Andy sabay tango sa tatay nya. 


Even I was surprised. May sakit pala si Rachel? 


"Good.. Tara muna sa baba.." pinatong ni Adrian ang laptop sa may bedside table tsaka binuhat si Andy. 


Pagkaalis nila, napahinga ulit ako nang malalim. 


Buti na lang sinundan ako ni Andy. Kung hindi, baka nagkagulo na dito. May sakit pa man din si Rachel.. 


I went to Rachel and checked her forehead. 


Hindi sya ganun kainit but her temperature is still higher than normal. 


Nakaramdam ako ng pagsisisi. I felt like I'm starting to become an irresponsible boyfriend to her. 


Dapat inasahan ko nang magkakasakit sya ngayon eh. Kagabi kasi nang magkausap kami sa phone, napansin ko nang masama ang pakiramdam nya pero wala man lang akong ginawa.. 


If only I didn't ignore it, edi sana ako ang nakapag-alaga sakanya, not that Adrian.. 


My hand was still on Rachel's forehead when she suddenly moved a little and moaned in discomfort. 


"Adrian..." she uncosciously whispered, making me stiffen. 


Tinawag nya ang lalaking yun sa pagtulog nya.. 


AND I DIDN'T LIKE IT. 


Bigla na lang pumasok sa utak ko na konprontahin si Adrian kaya agad kong sinundan silang mag-ama sa baba. 


Nasa sala sila. Kandong ni Adrian si Andy na kinakanta ulit ang natutunan nya kanina. 


"VERY GOOD!" ginulo ni Adrian ang buhok ng anak nya nang matapos yun na kumanta. "AT TWINKLE STAR NA PALA TITLE NUN?! HAHAHAHA!" 


Habang nagtatawanan sila, sadya kong binato ang susi ng kotse ko sa ibabaw nitong low cabinet. 


Napatingin sila sakin dahil sa ingay na nagawa ko. 


"UMALIS KA NA." I told Adrian through gritted teeth. Galit ako, obvious yun sa tingin at sa boses ko pero pinipilit ko pa ring maging kalmado. "A..AKO NANG BAHALA KINA RACHEL.." 


Tinitigan nya lang ako. I saw his lips formed a smirk. 


Inupo nya muna si Andy sa sofa bago sya tumayo. 


"Hmm.." nakangisi pa rin sya nang harapin nya ko and he's slightly nodding. "OKAY.. AALIS NA KO.." 


Nagpaalam na sya kay Andy tsaka umalis. 


Napaupo na lang ako sa sofa nang makaalis na sya. 


I was relieved and guilty at the same time. 


Relieved ako dahil umalis na ang taong pinagseselosan ko pero guilty rin ako kasi alam kong mali ako. 


Nagselos ako at pinaalis ang lalaking yun when in fact, tinulungan nya lang ang girlfriend ko. 


Pero kasi, I don't trust that guy. Call me paranoid or what pero malakas lang talaga itong pakiramdam ko na may hidden agenda sya sa bawat bagay na ginagawa nya kina Rachel. 


Tch.. Di ko na alam. Isinantabi ko na muna ang isipin na yun para asikasuhin sina Rachel. 


While Andy was busy eating and watching TV in the living room, I took the chance para magluto. 


When I was done cooking, binalikan ko si Rachel sa kwarto nya. Tulog pa rin sya. 


Umupo ako sa tabi nya at hinaplos ang ulo nya. 


Ramdam kong sumiksik sya sa gilid ko at niyakap ang hita ko. I just smiled as I witnessed how cute she was. Para lang syang batang may sakit.. 


Nilipat ko ang paghaplos ko sa may likod nya nang mag-ring naman 'tong cellphone ko. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!