ALYANNA'S POV

"Please! Stop" asar na sabi ko dito sa mga lalaking kasama namin ngayon ni Jess
"Pano pag ayaw namin?" pilosopong sagot naman ni Joseph sakin kaya inirapan ko lang sya kaya tumawa nalang sya ulit
"Lumayo na nga kayo samin!" asar na sabi naman ni Jess dito sa mga kasama namin kaso di nila sya sinagot

Pano kasi umagang umaga anlakas na agad ng trip nilang dalawa, hindi tatlo dahil sa nakikitawa lang naman si Ernest sa kanila.

Nakakalapit silang tatlo samin dahil sa wala si Joshua ngayon. Ngayon alam ko na kung bakit di sila lumalapit samin nun! Ang sabi ni Yvan kaya pala sila umiiwas ay dahil sa nahihiya daw sila kay Joshua. Nakakagulat nga dahil sa may hiya rin palang naka tago sa pagkatao nitong tatlong to.

"Pero seryoso nga?" pang asar na tanong sakin ni Joseph kaya inirapan ko lang sya kaya naman natawa na naman silang tatlo

Pano kasi pinagkakalat ni Joseph na ako daw yung bagong girlfriend nitong lalaking katabi ko at si Angelo yun. As if naman na girlfriend nya ako, siguro baka asawa nya ako!

Pero sa totoo lang naiilang pa rin ako pag sinasabi ko or nila na mag asawa na kami! Di pa rin kasi ako sanay na may asawa na ako pero wala rin naman akong magagawa dahil sa ginusto ko rin naman magpakasal sa kanya.

Natatakot lang kasi ako baka mamaya biglang magalit sakin si Spencer pag nalaman nyang mag asawa kami ni Angelo. Ang awkward nga dahil sakin pa talaga sya nagpapatulong si Spencer para maging jowa nya si Angelo. At sakin pa talaga sya nag open up at ako naman ito G na G mag bigay ng love advice sa kanya kahit na asawa ko yung pinag uusapan namin.

"Tara na nga!" asar na sabi ni Jess tsaka nya na ako hinatak paalis dito sa may garden

Habang naglalakad kami napansin ko lang na parang may iba sa kinikilos ni Jessica. Kasi mas mukha pang sya yung affected kaysa sakin eh sa ako naman yung inaasar nila kanina.

"Is there something wrong?" curious na tanong ko sa kanya pero umiling lang sya
"Wait nga lang" sabi ko tsaka ko sya pinigilan sa pag lalakad
"Is there something wrong?" tanong ko ulot sa kanya tapos tinitigan lang nya ako ng sobrang seryoso
"I want you to be honest with me! Are you hiding something?" seryosong tanong naman nya sakin na syang kinagulat ko
"What do you mean?" pagkakailang tanong ko sa kanya kaya tinitigan nya lang ako ng masama, na syang kadahilanan kung bat naman ako kinabahan
"I know your hiding something" seryosong sabi nya sakin na syang kinagulat ko kaya agad ko naman syang hinatak papunta sa may detention room

Wait nga lang!!

Di ko kasi maiwasang hindi kabahan dahil sa inaasta nya ngayon.

Mas mabuti ng dalhin ko sya dito sa detention para makapag usap kami ng maayos.

"Why are we here?" curious na tanong nya sakin kaya tinitigan ko lang sya ng sobrang seryoso dahil sa sinusubukan kung basahin yung facial expression nya
"Why are you acting like this?" seryosong tanong ko sa kanya tapos bigla nya akong tinitigan ng masama tsaka nya hinawakan yung dalawang kamay ko
"Be honest with me" seryosong sabi nya sakin kaya tumango lang ako
"I understand why you keep lying to me! I know you have reasons why you keep hiding it from me but I can't take this anymore. I'm your bestfriend and I want to help you if your having a hard time" malungkot na sabi nya sakin kaya di ako nakapag salita
"I feel so disappointed and at the same time I feel so hurt not because you keep hiding things from me but because palagi mo nalang sinasarili yung mga problema mo. I'm your bestfriend remember, I want to help you if your having a hard time and I want you to open up with me" seryosong sabi nya sakin kaya napa yuko nalang ako dahil sa hindi ko rin naman alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya
"Matagal na kita inaantay na mag open up kaso di ko na kayang tiisin na makita kang sinasarili lahat ng problema mo. I know your having a hard time right now and alam kung nahihirapan ka na dahil sa wala kang makausap" seryosong sabi nya ulit sakin pero di pa rin ako nag sasalita
"My dear friend, ang gusto ko lang naman ay ang kausapin mo ako! Talk to me so I can help you overcome the stress that he's giving to you" seryosong sabi nya ulit sakin na syang kinagulat ko
"Wait! Did you just say HE?" shock na tanong ko sa kanya kaya tumango lang sya
"Yes! You heard me right!" seryosong sabi nya sakin kaya tinitigan ko lang sya waiting for her explanation
"Your the secret wife of the campus prince right?" diretsong tanong nya sakin na syang kadahilanan kaya di na naman ako makapag salita. Yung feeling na parang nalunok ko na yung mismong dila ko dahil sa sinabi nya

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!