GC 42

27.8K 1.3K 3.9K
                                    

"Ha? Good luck? Anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong ko kay Devon.

"Halika rito," tawag niya. "7, right? Bilangin mo sa kamay mo, pang 7 ang letter G, and then 'yong letter O pang 15th."

"Ha? Hindi ko gets," patuloy na nakabukas ang bibig ko at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ipaintindi ulit sa akin kung paano niya nakuha iyong 'good luck'. Nagulat na lang ako matapos maintindihan ang ipinaliwanag niya.

"Wow! Oo nga 'no?" napaupo ako sa tabi niya dahil sa gulat.

"Sino kaya 'tong nag goodluck sa iyo? Ang creepy niya ha, baka may stalker ka?"

"Stalker? Wala naman siguro. Ay teka! Noong isang araw pala may nagchat sa akin tapos nagsend ng picture niya, kaso natakpan ibang part.. then sa huling message niya nag-goodluck siya sa akin," sagot ko.

Pumasok din sa isip ko iyong natanggap kong shoe box. Posible kayang iisa lang ang may gawa nun?

"Omg! Sino kaya? Can I see?" Binigay ko sa kanya ang phone ko kaya agad nyang binasa iyong convo.

"Check mo. Ang weirdo niyang kausap," dagdag ko.

"Ay ano 'to? Arabo? Esaelp Eid? Paano ba ipronounce 'yan, Zhavie?"

Nagkibit-balikat ako, "Ewan ko rin e, pero hindi naman siya mukhang arabo. Tignan mo picture."

"Hala! Ang gwapo! Mata pa lang. Pero ba't natakpan? Kilala mo ba 'to?" 

Umiling ako, "Hindi nga, e. Wala nga akong ideya kung sino siya."

"Luh? Teka lang!" utos niya sabay lapag ng phone ko sa lamesa. "E.s.a.e.l.p? Omg! Please die? Please die 'yong name niya kapag binaliktad?"

"Ha? Patingin!" Inagaw ko sa kaniya ang phone ko. "Ay, oo nga! Shit!" napamura kong sabi nang makitang tama siya.

"Zhavie, bakit please die?!" halata kay Devon na kinakabahan rin siya katulad ko, pero hindi ko na pinahalata ang akin dahil walang mangyayari kung magtatakutan lang kaming dalawa.

"Hahaha! Baka nantitrip lang 'yan, pabayaan mo na," I faked a laugh.

"Hindi kaya p-pinagtitripan ka ng mga members sa GC? Sabi mo para silang mga baliw, 'di ba? Hmm.. pwede ring tinatakot ka or may kaaway ka."

"Mga baliw lang ang tama, haha! Wala akong kaaway, saka wala naman akong maling ginawa sa GC para magalit sila, pero ang nakapagtataka lang..."

Napalunok ako bago magpatuloy sa pagsasalita. 

"Alam mo ba.. nang umalis 'yong pang 14th doon na si Aeron ang weird nang nangyari kasi pagkalipas lang ng mga ilang linggo natagpuan siyang patay."

"Y-yong binalita? Si Aeron Villareal? Hala ka! Baka isunod ka na!"

Ewan ko kung seryoso ba siya sa sinabi niya o nakikipaglokohan lang, but one thing for sure, hindi ako natuwa.

"Alam mo kahit isipin ko 'yan lalo lang akong mababaliw. Dahil lang sa umalis siya papatayin siya? Ang babaw naman! Kahit siguro ganon iyong mga members doon hindi nila magagawa 'yon. Baka nga nanti-trip lang sila, e." 

She stared at me, "Zhavie, 'di ba may rules doon?"

"Oo, p-paano mo alam?" gulat na tanong ko.

Bumitaw siya sa paghawak sa kamay ko. "Gaga! 'Di ba sinabi mo sa'kin?"

Something's wrong with her voice, hindi ko matukoy kung ano. Iba ang ipinapahiwatig ng mukha at boses niya.

Napakamot ako sa ulo, "Ha? Sinabi ko ba? Parang wala pa naman akong sinasabi, hehe."

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon