GC 40

27.7K 1.2K 1K
                                    

"Huh? Ano na nga ulit iyon?" tanong ko sa sarili habang inaalala iyong mga ni-review ko kagabi.

Maaga akong pumasok sa university dahil ayokong ma-late, pero bakit parang nagkaroon ako ng amnesia at hindi maalala iyong mga ni-review ko kagabi?

Aaminin kong mas nasa utak ko ang GC ngayon dahil na rin kay Aeron. At hindi ko pa rin maiwasang isipin kung paano nasama roon ang pinsan ko.

Speaking of Stacey, matagal ko na siyang hindi nakakausap. Iyong last message ko sa kanya hindi pa rin niya nababasa.

Ano na kaya ang nangyari sa kaniya?

Hinanap ko agad ang pangalan niya sa Messenger ko, ngunit agad akong napakunot ng noo nang makitang hindi na ako makapagsend ng message sa kanya.

Napatigil ako sa paglalakad nang ma-untog ang ulo ko sa dibdib ng isang lalaking matangkad. Hindi ko na napansin ang mukha niya lalo na ang paghingi ng tawad dahil sa pagmamadali.

Ibinalik ko ang tingin ko sa phone na hawak ko. Binlock ba ako ni Stacey o nag deactivate siya? Natigil ako sa pagtingin ng conversation naming dalawa nang may biglang kumalabit sa akin.

"Ate! Ate! May nagpapa-abot po sa iyo nito," pagtawag ng isang babaeng nakasalamin at mukhang highschool student dahil sa suot niyang uniform.

"Salamat.. kanino galing 'to?" tanong ko sabay tingin sa kulay puting envelope.

Ano kaya 'to? Love letter?

"Hindi ko po alam, inabot lang sa 'kin at ibigay ko raw po sa inyo. Sige.. mauuna na ako may klase pa po ako," aniya sabay takbo. Sinubukan ko pa siyang tawaging muli, pero hindi na siya lumingon.

Hawak ko pa rin ang envelope hanggang sa makarating ako sa department namin. Wala pa ang professor kaya nasa labas pa 'yong mga ibang kaklase ko at ang iba naman ay nagre-review.

Inayos ko muna ang dala kong project at umupo. Wala pa rin dito si Devon kaya muli akong nagchat sa kaniya. Mabuti na lang at maaga akong pumasok kaya nagawa ko pa ring magreview ng notes kahit kaunti.

Limang minuto na lang ang natitira bago mag-umpisa ang exam. Nasaan na kaya si Devon?

Checking my inbox, someone caught my attention. Hindi pa rin talaga sine-seen ni 3rd 'yong reply ko sa kaniya. Tss!

Napagdesisyunan kong buksan na lang 'yong puting envelope upang makita ang laman nito. Isang puting papel ang laman sa loob at may nakasulat na numero gamit ang pulang tinta.

7 15 15 4 12 21 3 11

-

Matagal kong tinitigan ang nakasulat, pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong iyon. Sagot ba iyon sa exam namin mamaya o baka naman lucky numbers sa lotto?

Tinitigan kong mabuti ang ginamit na panulat, kung hindi ko pa inamoy 'yong papel baka mapagkamalan ko pang dugo dahil sa pulang tintang ginamit. Hanggang sa magulat ako nang may biglang tumabi sa akin, si Devon pala.

Mukhang napagod sa pag-akyat hanggang 5th floor. Umupo siya tabi ko at nakakunot ang noong tumingin sa sobreng hawak ko.

"Pft! Ano 'yan, Zhavie? Love letter?"

"O, buti naman nandito ka na. Hindi ko rin alam kung ano 'yan, e. Tignan mo 'yong nakasulat, hehe. Oo nga pala, nakapagreview ka ba?"

Hindi niya ako sinagot, binasa lang niya 'yong nakasulat sa papel at ibinalik ang tingin sa akin.

"Zhavie, anong ibig sabihin nito?"

"Hindi ko nga alam, e. Alam mo ba.. feeling ko nilagang itlog nanaman ang score ko," I whispered as I scratched my chin.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon