Ako nasa punto na ako ng buhay ko kung saan iniisip kong wala na talagang nagmamahal sakin. Nasa punto na ako kung kailan gusto ko nalang tumigil.
Nagsimula to nung bitawan nya ang mga salitang"basta tapos na tayo".
Nasa punto na ako kung saan di na ako makaramdam ng sakit. Pero yung luha ko patuloy na umaagos. Andun na ako sa puntong gusto kong mawala nalang. Wala na akong pakialam kung may nakakakita sa luha kong basta tumutulo ngunit di ko kayang pawiin ng isang hagulhol. Kasi wala eh, wala akong boses para sabihin at iparamdam yung sakit, di ko nga kasi maramdaman. Namanhid na yata ako.
At nung lumabas kami ng 7/11 na sa halip luha nya yung punasan nya, inuna pa nya yung luha kong kahit anong pigil ay umaagos parin. Nang mga sandaling yun, dumating ako sa punto ng buhay ko kung saan kinekwestyon ko kung bakit ako pumayag na tama na, na tapos na kami.
Wala naman talagang naging kami eh. Nanliligaw lang sya. Pero kung umakto kami, parang kami na. Magka-awrahan kumbaga. Naglalandian. Mutual understanding. Pero ng gabing yun sa may 7/11 natapos ang lahat ng bagay na ni minsan ay di namin nasimulan.
Nasa punto na ako ng buhay ko kung saan bigla nalang itong guguho. Sa puntong gusto kong makaramdam kahit konti lang. Alam kong masakit pero di ko na ramdam yung sakit sa sobrang sakit. Gusto kong umiyak at magmakaawa pero hanggang iyak nalang ang kaya kong gawin. Dun na sa puntong nakikita ko yung mga sapatos nya sa mga taong nakakasalamuha ko. Kahit na ang amoy nyang gustong-gusto ko. Nilamon na nya ang sistema ko. Masyado akong kumapit sakanya at sa pag-iisip na baka pwede kami. Na baka kami talaga para sa isa't-isa.
Di naman sya gwapo. Di rin matangkad. Di rin maskulado. He's the typical kind of guy. Pero napasaya nya ako. Na sa bawat ngiting ipapakita ko nandoon yung katotohanang sya ang nagturo sakin ngumiti. Sya ang nagbigay ng kulay sa kulay abo kong buhay. Sya yung nagturo sakin ng salitang commitment. Sya yung nagpawala ng takot ko sa salitang yun na ilang taon kong kinatakutan. Sya lang yung taong nagawan ko ng tula, naging topic ng mga essay ko sa school, nakapagpinta ako na inspired sakanya, at sya lang ang taong pinagaksayahan kong sulatan ng ganito. Sya lang yung taong bumuo sakin.
At sa ngayon nasa punto na ako ng buhay ko kung saan unti-unti nang sumusuko yung paniniwala at paninindigan ko. Sa puntong kung saan nawawala na ang pananampalataya ko sa salitang forever. Sa punto kung saan kahit na paborito ko yung ice-cream na kinakain ko nung gabing yun ay tinapon ko kasi lalong naninigas yung puso ko. Lalong sumasakit at naiipit ng mga sana sa isip ko.
Kaya sana sa susunod dumating naman ako sa punto ng buhay ko kung saan masasabi kong worth it lahat ng sakit, lahat ng paghihirap, at lahat ng maling desisyon na ginawa ko.
Sana...
