GC 37

23.4K 1.4K 1.8K
                                    

I have no idea why I'm shaking right now. Hindi pa rin maalis sa mga mata ko ang mga messages ni Axiel sa GC.

Ewan ko ba kung natatakot ako sa admin na iyon o nagpa-panic lang talaga ako dahil sa misteryong nangyari kay Aeron. Bakit ba kasi ang kulit ni Axiel?! Nagsend na kaya ako sa 10 pm rule! Ang tanda na siguro niya at makakalimutin na.

Iniisip ko tuloy na isa siyang matandang menopause na nakasalamin at napapanot na ang ulo! Jusko, Axiel! Dapat ipinapahinga mo na 'yan dahil baka lalo pang tumaas blood pressure mo!

Hayy! Ang unfair talaga nila! Bakit kailangang ulitin ko pa? Kasi peke? At least nagsend, 'di ba?

Ayoko mang sundin si 1st sa utos niya kaso natatakot talaga ako. Tamang acting lang na matapang sa GC pero nanginginig talaga ako ngayon, huhu.

Hindi ko alam kung bakit biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa braso. It feels like someone is watching me right now. Idagdag mo pa iyong nangyari kay Aeron dahil hindi siya sumunod sa kanila.

Ngayon alam ko na ang sagot—natatakot ako dahil baka isunod niya ako! Malay ko ba kung siya nga ang gumawa ng bagay na iyon kay Aeron, pero kailangan ko pa ring magpanggap na malakas upang hindi ako matulad sa kaniya.

Fighting Zhavie! Marami ka pang kakaining ensaymada!

-σκοτώνω-

Zhavie: Badtrip siya? Pwes! Badtrip rin ako dahil sa nangyari kay 14th.

11th: Bakit ba pinoproblema mo 'yun? Close ba kayo? Boyfriend mo siya? :D

Zhavie: Luh! Hindi ah.

1st: 20th. Come on, just do it. They're waiting for you.

6th: 'They're waiting for you?' Why? You're not interested?

Zhavie: So ako pa mag-aadjust para sa kanila? Kanina ko pa sinasabing tapos na ako, di ba?

6th: Ang dami mong sinasabi. Bakit kasi fake 'yung sinend mo? Ang daling mahanap sa google, duh. Gawin mo na kasi, saktan mo ang sarili mo o iba ang saktan mo.

Zhavie: Sarili ko nalang ang sasaktan ko. Tutal, sanay naman na ako. :'(

13th: HUGOT PA! HAHAHA!

1st: Dammit! 20th! Do it now!

4th: Oo nga!

Zhavie: Sige! Gagawin ko, pero kapag nagawa ko 'yun aalis na ako dito sa GC ha? Mga baliw kasi kayo eh! Uhaw na uhaw kayo sa mga ganito.

Zhavie: Ginigigil niyo 'ko!!!

1st: Aalis?

1st: Damn, you're pissing me off, huh?

1st: Hindi ka pwedeng umalis dito.

1st: Because you belong to me.

1st: I mean dito sa GC.

1st: So, follow the fcking rules.

1st: Or else i'll follow you...

15th: Follow saan?

Zhavie: Dami mong sinabi! Oo na! Oo na! Ilang minuto na lang ang natitira sa binigay mo?

1st: 5.

Zhavie: Okay. Pa extend ng 3 minutes para maging 8 mins. Ge bye.

1st: Bye? Wtf? You're leaving? Para saan pa yung pag-extend mo? Are you fcking kidding me?

1st: Ako ang ginigigil mo, Zhavie!!!

Zhavie: Shunga! May pinapagawa ka 'di ba? Kaya sabi ko bye, kasi ganito ha, 3 mins para sa pag-iisip nang gagawin ko, 4 mins para gawin 'yun hehe at 1 min para isend dito sa GC. Gets mo?

1st: Okay, whatever! Time starts...

1st: NOW.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon