Random Story

751 2 2
                                    

Iseshare ko lang po itong experience ko at kung may ganitong experience din po kayo ay pa-share naman po :)

Lahat ng nangyayari ay parang sa pelikula lamang

Ang simula ng panaginip. . .

Kasalukuyan kaming naghahanap ng masasakyan ng aking mga kaibigan dahil gabing-gabi na ngunit wala kaming mahanap. May isang lalaki na lumapit sa amin upang i-offer ang kanyang tren, ang sabi pa niya ay mas madali kaming makakarating sa pupuntahan namin kapag sumakay kami. Gabi na ng mga panahon na yun kaya lahat kami ay na-tempt na sumakay. Ngunit tiningnan ko ang tren at nag-alangan ako, sa tingin ko ay mahigit isandaang taon na ang tren kaya sa tingin ko ay delikado na ang sumakay doon.

"Halika na sumakay na tayo" sabi ng kaibigan ko na nakasakay na noon sa tren

Back to reality. . . (kasalukuyan na itong nangyayari sa kwarto ko)

Napapamulat na ang mata ko ngunit ayaw kong magising, parang may humihila sa aking mata at ayaw ipakita ang liwanag at patuloy uli akong napapikit

Balik sa Panaginip. . .

Nagtuloy ang aking panaginip at nakasakay na kami sa tren, masayang-masaya ang aking mga kaibigan dahil makakauwi na kami ngunit ako ba ay parang may masamang kutob sa mga nangyayari

"Kuya, mga anong oras po kaya tayo makakarating sa destinasyon natin?"

Tiningnan ako ng lalaki at nginitian ng pagkalaki-laki.

"Matagal ng nabaon ang tren na ito at mababaon na rin kayo ng buhay dito"

At narinig ko ang sigawan nilang lahat

Back to reality. .

Sigurado ako na nasa kwarto ko na ako dahil nakikita ko na ang kumot ko ngunit naririnig ko parin ang kanilang mga sigawan at ang makapanindig balahibo na tawa ng lalaki. Gising ako sigurado ako pero hindi ako makasigaw at hindi ko maigalaw ang katawan ko kaya nagdasal ako ng Our Father pero ang nangyari lang ay bumagal ang pagbagsak ng tren pero patuloy parin itong nalalaglag kaya patuloy pa akong nagdasal hanggang sa magising na ako. Naiigalaw ko na ang katawan ko at pagkabangon ko ay nahihirapan akong huminga sa kadahilanan na parang may dumadagan sa akin noong mga oras na nanaginip ako.

Bagong lipat lang kami sa bahay namin at hindi pa ito nabebendisyunan at wala din akong kahit anong religous material (bible, saint, etc.,) sa kwarto ko. Ishenare ko lang ang experience ko dahil baka meron na din kayong naranasan na ganyan.

Random StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon