Chapter 10

3.1K 62 0
                                    

Gabbie's POV

Alam kong may alitan kaming dalawa ni Erick pero, kailangan ko pading maging professional. Hindi porque magkaaway kami hindi ko na siya tuturuan, kailangan ko tong trabahong to.

Lalo na at malapit na ang exam, hindi pwedeng bumagsak si Erick, kasi kapag bumagsak siya malamang mawawala tong trabahong to sakin kasi iisipin nila na hindi ako magaling na tutor.

Kahit na ayaw na ayaw kong maging malapit kay Erick, titiisin ko para kay papa. Mas pamahal ng pamahal pa kasi yung nga babayaran namin para sa medication niya.

***

Tahimik lang kaming dalawa, tanging mga paghinga lamang namin ang maririnig mo.

Oo, kinakausap ko siya pero tungkol lang sa tinuturo ko.

"Kailangan mong magreview, ito yung reviewer babalik ako dito bukas para tanungin ka ng mga ilang tanong"

"By the way Erick, please ipasa mo tong exam nato. I need this job, so please wag mong ibagsak to"

"I will try my best para mapasa tong exam nato, and i will try my best para makuha yang trust mo ulit"sabi sakin ni Erick.

Trust,

Kapag nasira mo na, mahirap ng ibalik.

Noong sinaktan ako ni Erick, nagkaroon ako ng trust issues.

Feeling ko lahat ng tao sa buong mundo sasaktan ako, na lahat ng tao hindi ko pwedeng pagkatiwalaan kasi pareparehas lang silang may kakayahang saktan ako.

Naging loner ako, ginusto kong maging magisa, hindi ko nadin masiyadong kinakausap family ko at si Erica.

Kinimkim ko lahat ng galit ko, wala akong pinagsabihan o hindi man ako nanghingi ng tulong. Ayoko kasing may madamy pang tao dahil sa kalungkutan ko.

Tinago ko lang lahat ng hate sa puso ko, until nalaman ko na hindi to maganda.

Flashback: 1 year ago

I cried everyday and night, hindi tumitigil yung sakit, napakabigat sa pakiramdam and dun ko lang naisip na kailangan ko ng ilabas to, na kailangan ko ng ishare to for me to truly moveon.

Kung gusto kong maging maganda yung pakiramdam ko, kailangan kong ilabas lahat ng galit ko.

"Ma" tumingin si mama at ngumiti lang sakin.

Hindi nako nagsalita at niyakap ko nalang siya, iniyak ko lang lahat ng nararamdaman ko.

"Matagal ko ng hinihintay tong pagkakataon nato, matagal kong hinintay na isahre mo sakin yang nararamdaman mo. Kasi alam ko na kailangan mo pa ng oras so hinintay kita"

"Ma, mahal ko siya e. Pero hindi ko padin mahanap yung sagit sa mga tanong ko kung, saan bako nagkulang? Bakit niya nagawa yun?"

"Anak! Never kang nagkulang, alam ko na sinisisi mo padin yung sarili mo dahil sa mga nangyari pero wala kang kasalanan, choice niyang saktan ka. Ginawa niya yun sa sarili niya, wala kang kinalaman sa lahat ng mga yon"

"Alam ko na madami ka pang bakit, and hindi ako yung tamang tao na makakasagot dun. Kung gusto mo talaga ng mga kasagutan sa lahat ng bakit mo, kausapin mo siya pareho niyong kailangan ng closure"

"Ma, i cant! Hindi ko pa siya kayang kausapin kasi kapag kinakausap ko siya bumabalik lang yung alaala e"

"Oo, alam ko na mahirap anak! Hindi din kita minamadali, take your time. Pero kung gusto mo talagang makamove on kailangan mo siyang kausapin, okay lang kung hindi ngayon mo siya kausapin"

"Kailangan mo din siyang patawarin, para makalimutan mo siya"

End of flashback

Hanggang ngayon wala padin kaming closure, magdadalawang taon nayung break up namin pero hanggang ngayon hindi ko padin siya kayang patawarin.

Its not easy to forgive someone, lalo na siya yung dahilan ng minsan mong pagkamatay.

Dahil sa mga panloloko niya sakin, para niya din akong pinatay.

Hindi ako diyos para hindi siya patawarin, pero maybe not now.

Maybe someday mapapatawad ko din siya, and makakamove on nadin ako.

Tutoring My Ex Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon