Ten

1.5K 38 4

WTKWLI — Ten

Pag labas ko ng kwarto niya, umupo ako sa harap niya. I mean, sa baba ng couch. Ayaw ko naman na tumabi sa kanya. Baka magalit siya sa'kin.

"What the...." napatingin ako sa kanya na naka-frown.

Pinatay ba naman yung T.V. Problema neto?

Hinampas niya ng bahagya yung couch like saying dun ako umupo. So, umupo ako dun. Without looking at her. Super iwas ako sa kanya.

"So wala kang klase ngayon?" She asked.

I nodded. Umupo ako ng ayos. Para todo iwas ako sa kanya. Siya naman nakaharap sa'kin. At alam kong tinitingnan niya ako.

"So, what makes you interested in me?"

*lub dub lub dub lub dub*

Ano nga ba? I shrugged. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya eh.

"Ayaw mo ba ako kausap?"

Hindi ko maintindihan yung emotion niya nung sabihin niya yun but I faced her. Pero ayoko pa ring tumingin. Di ko talaga kaya. Baka sumabog lang puso ko.

She giggled. A cool giggle. Kaya napatingin ako sa kanya at di ko napigilang ngumiti ng bahagya. Ano ba, Skype. Why you do this to me.

"Gusto mo sumama sa'kin? Sa LGBT University?" She asked while smirking.

"Sure." I said without hesitation.

"Get dressed." She commanded me.

Hindi pa ba ako nakabihis?

"Yung better na suot." Dagdag niya.

Bakit, hindi pa ba 'to okay?

"Let's go kung okay na 'yan sa'yo."

So tumayo na kami and pumunta sa parking lot. 15 minutes lang from her apartment ang LGBT University at HINDI KO INEXPECT NA SOBRANG DAMING MAG AABANG SA KANYA DITO.

ALAM MO YUN. PARA SIYANG ARTISTA NA PAGKAGULUHAN DITO.

"Skype. Bakit ang daming tao?! Ganito ba kinakaharap mo, like everyday?!" Natataranta kong tanong. Kasi, grabe talaga! Halos tabunan na nila 'tong sasakyan ni Skype. Yung parang rush hour sa PNR. Ganun.

"Yes and I'm used to it." She casually said.

"Seryoso ka?! Sa dami niyan, pano ka nakakalusot dyan?!" Di pa rin ako mapakali kasi ano?! Stuck up kami dito?! Pano naaaaaaaa?! *kunyari di ko gusto yung ganung idea. Hihi. Landi.* Send help.

Sandali pa, may alarm na tumunog. And unti unting nag siwalaan ang mga tao sa paligid. Hanggang sa tuluyang mawala na yung tao.

"Wow." I was really amazed.

"Let's go." Nauna na siyang lumabas sa'kin. I was expecting na pag bubuksan niya ako pero hindi. So lumabas ako na sarili ko lang.

Bakit ba ako nag eexpect ng something sa kanya. Hello. Aina to earth. Ikaw ang magpapa-fall sa kanya, okay? Wag ka magpapadala sa kanya. As we walk from the parking lot, may mga tao pa rin pala. Lalo na pag pasok sa mismong LGBTU. Sobrang damig nakatingin sa'min. Almost all eyes are on us.

Hello again, Aina. It's Skype Escarlania. The most famous bisexual in the Philippines.

It was a slow motion when she grabbed my hand and I hear them gasp.

Patuloy lang kami sa pag lalakad. Tumingin ako sa kanya. Slow motion talaga ang lahat. Sobrang ganda niya kahit naka poker face lang siya. Parang wala siyang pake sa mundo. Parang kaming dalawa lang yung naglalakad. Kaming dalawa lang sa———

*dugs*

Sari-saring tawanan ang nangibabaw.

Shet. BAKIT KAILANGANG MANGYARI 'TO NGAYON? BAKIT KAILANGAN KONG MADAPA SA MARAMING TAO. AT NGAYONG KASAMA KO PA SI SKYPE?

"Hey. Are you okay?" Nakaluhod yung isang binti ni Skype while asking me. Ewan ko kung concern talaga siya or eto lang yung kailangan niya i-act.

"Ay aba. Si ate girl oh. Padapa dapa pa para lang mapansin talaga siya ni Skype."
"Lalampa lampa kasi."
"Nakakahiya naman siya. Kapal pangsumama kay Skype di naman maganda."
"Bakit siya pa?! Eh mas maganda naman ako dyan!"
"Sino ba yan?!"

Yan ang naririnig mula sa paligid. Sinubukan kong tumayo habang inaalalayan ni Skype pero parang ang lakas ng impact ng pagkakadapa ko. Masakit talaga siya. Seriously. Pati balakang ko, masakit.

"Arte. Nadapa lang, akala mo nalampa na."
"Kala mo maganda lara mag inarte ng ganyan."

"WILL YOU PLEASE STOP MURMURING? KUNG MAKAKATAYO LANG AKO AT MAKAKALAPIT SA INYO, I'LL SLAP EACH ONE OF YOU. KASO HINDI KO MAGAWA EH. KASI MASAKIT TALAGA." I shouted dahil nakakapikon na.

Napapikit ako ng madiin and look at Skype. She's smirking.

May mga lumapit sa'kin at inalalayan ako papunta sa clinic nila.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang ginagamot kanina.

May sugat ako sa binti. Hindi ko napansin na may malaking bubog ng tiles sa nadapaan ko.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng makita ko si Skype sa tabi ko. Nakaupo at nakayuko ng konti.

Unti unti kong nilapit yung mukha ko sa kanya and try to look at her. Nakaharang kasi yung buhok niya eh. Di ko makita ng ayos.

"Gising ka na pala."

Napa-atras ko sa gulat. I love surprises pero di yung ganito. Jusko.

"Yup. Ngayon ngayon lang."

"Masakit pa ba?" She asked.

"Hindi naman. Malayo sa bituka." I said to assure her that I'm really fine.

"Want some coffee?" She offered.

"Hindi na." Ayoko na lumabas pa siya. Baka pagkaguluhan pa siya eh.

Disclaimer! Di ko siya inaangkin. Concern lang ako lalo na't nakita ko kung gano ka-obsessed sa kanya yung students dito.

"I insist." Then tumayo na siya.

Napailing na lang ako. Ang kulit.

- - - - -

Hope you liked it! Xoxo 💋

Want to Know What Love is? (Bisexual Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!