Chapter 9

12 1 0
                                    

'FALLING FOR YOU'

Chapter 9 - Jessica and Maddie

[Maddie's Pov]

Bumalik kami sa classroom, at umupo na sa kanya kanyang upuan namin.

Napatingin naman ako sa pintuan, nang pumasok 'tong Sponge Bob na 'to. Sinamaan niya ako ng tingin, edi sinamaan ko rin siya ng tingin.

Kompleto na lahat ng Conge.

Pumasok si Coach Evans sa classroom.

"Okay, I have an announcement to make." Sabi niya,

Tumahimik ang lahat,

"Classes will be cut due to the power. Mawawalan kasi ng kuryente mamaya kaya magsi-uwi na kayong lahat."

Nagsigawan yung mga tao dito sa sobrang saya.

"Ano ba yan?! First day na First day ng school ehh." Sabi netong si Doug.

"Edi maiwan ka, magaral ka mag-isa mo!" Sabay sabay nilang lahat na sinabi kay Doug.

"Class dismiss everybody," Sabi ni coach, at lumabas na siya ng class room.

Nagsilabasan naman yung mga estudyante, At ang naiwan lang sa room ay ako, si Mitch, si Penny tapos si Car- France pala.

"Maddie, Mitch, gusto niyo sumama sa amin?" Sabi ni Penny,

"Yeah, malapit naman na maglunch time oh 11:47 na. Kaya tara kumain sa labas." Aya naman ni France.

Tinignan ako ni Mitch, "Tara ba?"

"Sure, why not." Tumayo ako sa upuan ko at sumama na sakanila.

"Wow, may sasakyan ka France?" Tanong ni Mitch,

Nandito na kami sa labas ng campus,

"Hindi lang yan may sasakyan, marunong pa yan magdrive." Natatawang sabi ni Penny.

"Talaga ba?" Tanong ulit ni Mitch,

"Of course, just because I'm a gay doesn't mean I can't drive a car."

"Mmh, yeah but it took you three years to master driving." Sabi ni Penny,

Nagsitawanan naman kami,

"Nakikita niyo ba 'tong mga scratches na 'to?" Tinuro ni Penny sa amin. "Pinaggagawa yan ni Carl nung tinuturuan siya magdrive ng daddy niya."

"Hoy!" Sigaw ni France,

"Oh ano kokontra ka? Bakit totoo naman ahh." Patawang sabi ni Penny,

"I said don't call me Carl."

"CARL Francis Smith, just get your key kasi kanina pa tayo nakatayo dito sa labas oh." Sabi ni Penny.

Binuksan ni France yung pintuan at nagsipasok na kami sa sasakyan niya.

Inandar niya na ito tapos nagdrive na,

"M-matanong lang, ganun ba talaga ugali nung sponge bob na yun?" Nagsimula akong magtanong,

"Sinong sponge bob? Ahh si James,"  Sabi ni France habang nagdadrive.

So James pala pangalan nun,

"Ganun talaga yun, mayabang minsan, pero may pagkabait naman yun." Sabi ni Penny,

"P-pano mo naman nasabi," Tanong ko,

"Um well, aaminin ko hindi siya yung pinakabait sa grupo nila pero may kabaitan rin yun, especially kapag kasama niya yung mga mahal niya, like her sister and mother." Paliwanag ni Penny,

Hindi, masama ugali nun!!!

Oo, naniniwala na ako sa part na mabait siya kapag kasama niya pamilya niya pero malay mo nagbabaitbaitan lang para hindi nila malaman na bully pala siya sa school na 'to.

"We're here," hininto na ni France yung sasakyan.

Bumaba na kaming lahat,

Napatingin si France sa likuran niya, kaya napatingin naman din kaming tatlo,

"Bakit?" Tanong ni Mitch

"Feeling ko may sumusunod sa atin," sabi ni France,

"Imagination mo lang yun, wala naman akong nakikitang tao ehh. Tara na sa loob." sabi ni Penny.

Nakapasok na kami sa loob,

"This place is called, INFINITEA, welcome!" Sabi ni France sa amin.

"Upo muna kayo doon oh, gagawa lang kami ng pagkain natin," Sabi ni Penny,

"What do you mean, gagawa lang kayo ng pagkain natin?" Nakangting sabi ko,

"Actually, we work here, France's dad owns this place, pero parang kay France na rin 'to kasi siya yung nagga-guide sa ibang nagtratrabaho dito. At ang best part niyan, kahit day-off namin dito, pwede pa rin kami mangealam ng kahit anong bagay sa kitchen, pwede pa rin kaming magluto kasi pagmamayari naman to ni Carl ehh." Pinaliwanag ni Penny,

"Wow, astig naman." Sabi ni Mitch,

"Mauna na muna garud kami ahh at para mailuto na namin yung pagkain nating lahat," Tanong ni France,

~15 minutes later1









FALLING FOR YOU [The Jerk & Her]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon