Chapter 14

823K 17.6K 6.6K
                                    


Chapter 14
Still

"Kinakabahan ako, Manang." kabado kong sabi habang nakatingin sa salamin ng aking tukador.

Huminga ako ng malalim at saka binaba ang brush na kakagamit ko lang.

Lumapit naman si manang sa akin at ngumiti. "Hindi ka dapat kabahan, Sandra." sabi niya. "Dapat nga ay matuwa ka at ipapakilala ka na niya sa lahat bilang asawa niya."

"Pero, Manang, para kasing ang daming magbabago kapag ipinakilala niya ko." sabi ko nalang.

Hindi ko masabi kay Manang ang tunay na hinanaing ko kung bakit ako kinakabahan ng todo ngayon.

"Talagang marami. Kikilalanin ka na bilang isang Sarmiento." she said. "Oh sige! Bumaba ka na at baka nandiyan na ang sundo mo."

Nauna nang lumabas si Manang sa kwarto namin ni Sean para siguro tignan kung nandiyan na ang aking sundo. Ang sabi ni Sean ay huwag na daw akong magdrive ng sarili kong sasakyan dahil magpapadala naman daw siya ng sundo ko.

Hindi na rin ako nagtagal pa sa pagtatapos ng aking ayos para ngayong gabi dahil muli na akong tinawag ni Manang na naghihintay na ang driver sa akin.

Hindi mabilis at hindi rin mabagal ang biyahe patungo sa hotel. May mga dinaanan kaming may kaunting traffic, at mayroon din namang maluluwang ang daan.

Nang makapasok ako sa loob ng hall ay walang tigil sa paglilibot ng aking mga mata. I'm looking for where my colleagues are seated when I saw Nikki walking towards me.

Nikki's wearing an off-shoulder red fitted dress. Kung tatabi siya sa akin ay para akong inosente nang dahil sa suot kong white laced cocktail dress. Napaka-fierce ng kaniyang dating, samantalang ako ay parang may kailangang amuin.

"Sandra!" ngiting-ngiti siya habang binabanggit ang aking pangalan.

Niyakap niya naman ako at bineso nang makalapit siya sa akin.

"Akala ko, joke mo lang yung sinabi mong pupunta ka." sabi niya. "Na-miss kita! Lagi kang missing-in-action, nowadays. Hindi ka na rin pumapasok sa opisina."

I smiled because of the affection that she's showing for me. "I'm sorry. Tungkol lang sa pamilya ko." dahilan ko nalang sa kaniya.

Kahit na i-aanunsyo na ni Sean ngayon sa lahat ang tungkol sa aming dalawa ay ayoko pa rin siyang pangunahan. Gusto ko ay sa kaniya muna manggagaling bago ko 'yon gatungan.

Tinanggap naman ni Nikki ang aking eksplanasyon at hindi na muling nagtanong pa. Inaya niya rin ako sa table kung saan ako uupo kasama siya, sina Mae, Kacey, Briana at pati na rin dalawa pa naming colleagues na hindi ko masiyadong close.

They all greeted me a warm welcome at nagkwentuhan patungkol sa mga nangyari sa office ng mga araw na wala ako.

"Well anyway, since this is your first time in Sarto's annual party, gagawin aming memorable ang gabing 'to para sa'yo." sabi naman ni Kacey.

"We've decided na mag-after party tayo sa Valkyrie. Nakapagpareserve na kami ni Briana ng table kanina." excited na sabi ni Nikki.

"Hmm... I don't think that I can come with you, guys." I told them, slightly hesistating dahil ayokong magtampo sila sa akin.

"Ha? Bakit naman?" nakakunot-noong tanong ni Mae.

"You will know later." sabi ko nalang at tipid na ngumiti sa kaniya.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon