A/N: This is not really a oneshot. It's more of a realistic chorva ko. True to life kasi eto. Parang letter. Kung nabasa niyo na yung oneshot ko na The Bet, Niou there is the guy I'm talking about here. Si Arianne naman yung bestfriend ko. >:D<
Wag kayong umasa ng kilig factor dito kasi WALA. :P
____
New faces. New surroundings. 1st year ng lumipat ako sa school natin ngayon. Pero first day, ikaw na agad nakaagaw ng atensyon ko. Langya. Gwapo mo kasi eh!
Lumipas ang ilang araw, nagkaroon ng group activity kaya grinoup tayo. At...kagroup kita. Lakas nga ng kabog ng dibdib ko nun. Tanda ko pa, tinatanong niyo pangalan ko pero di ako nagsasalita, nahihiya kasi ako (Lul), tapos sabi mo "Gag* pare. ***** pangalan niya". Nagulat man ako na alam mo na agad pangalan ko, di ko na lang pinahalata. Baka sabihan mo pa kong assuming. -____-
Dumaan ang mga araw, medyo naging close tayo. Umaakbay ka pa nga sakin pero dahil nahihiya ako, tinatanggal ko. Tangna kasi! Nakakakuryente yung balat mo.
Isang araw, tinanong ako nung kaibigan ko kung sino daw ba crush ko, at dahil wala naman akong magawa kundi umamin, sinabi ko pangalan mo. Simula nun, tinutukso na niya ko sa'yo.
Buwan naman ang lumipas at may napapansin ako sa'yo. Di naman sa pag-aassume pero palagi kita nahuhuli na nakatitig sakin. Oo, SAKIN. Ewan ko kung totoo yun pero nakakatunaw yung titig mo. Wala naman pinagbago sating dalawa, magkaibigan pa rin. Lul. Akala mo lang yun.
Wala ngang nagbago sating dalawa pero sakin meron. Ano yun?
Nahulog ako sa'yo.
Gago ka kasi eh. Nakakainlove..
Pero di ko sinabi sa iba. Kahit na selos na selos na ko sa mga nalilink sa'yo, di ko parin sinasabi. Magaling naman ako sa pagtatago ng feelings eh. Martyr ba?
Kaya lang, gusto ka nung isang kaibigan ko eh. E di siyempre dahil tanga ako, ang ginawa ko...
Nagparaya.
Kung makaganyan ako parang merong tayo no? Nagpaparaya ako kasi alam kong gusto ka nung kaibigan ko. Ayoko maging selfish sa mga hindi ko pag-aari. Tangina, parang bagay lang eh?
Para makamoveon, tuwing tinatanong ako ng mga kaklase natin kung crush pa kita (mostly kasi alam na, ikaw na lang ang hindi -.-), sasagot ako ng "hindi" kahit masakit sa kalooban ko.
