Kathleen there...

II 

 

Kathleen’s POV

Practice ng graduation namin ngayon, nakakalungkot isiping gra-graduate na pala kami. Magkaklase kami ni Clarence, we belong in a pilot section. Magaling ako sa Math mahina lang talaga ako sa English, kaya pag pinaggagawa kami ng essay, lagi kong pinapagawa kay bessy yung akin. Okay lang naman sakanya eh. Hihihi.

 Ayy! I’ve forgot to tell you, si bessy ko. Salut. Salut ng lipunan hohohoho! Joke lang salutatorian siya ng batch namin, matalino talaga kasi si besh :)

Ako? Hmm. 3rd honorable mention. Okay na yun, iyun kinaya ko eh :D

“Ampogi naman ng salutatorian natin.”

“Oo nga eh, kaso balita ko bakla raw yan.”

“Edi dirty yan?”

“Malamang, baka nagbo-booking yan sa mga lalake. Alam niyo na gays are always gays. Mga pervert sila lalo na sa kapwa lalake.”

Mga PAKERS! Nagbulungan pa kayo dinig ko naman, nakakabwisit lang PAKERS!

Bigla akong tumayo.

“Uy Kath, alam ko nasa isip mo. Be quiet na lang, alam mo namang ganyan talaga sila. Wag mo na lang pansinin.” Hinawakan ako ni Camille kaibigan din namin ni Clarence.

“F*ck! Bes, isa lang. ngayon lang ako lalaban para sa kaibigan natin yaan mo na.” hinila ko yung kamay ko.

Lumapit ako dito sa mga babae.

“Owwww? Bakit ka naman napunta dito, Miss PAFAMOUS SA FACEBOOK?”-girl1. ngumiti ako sakanila.

“PAKERS, iba na talaga mga tao ngayon no? basta may maikwento lang, kahit ‘di totoo! FYI, or kung hindi niyo gets, FOR YOUR INFORMATION, si Clarence… Yes he’s a gay tama kayo, pero sabihin niyong dirty siya? Di ko matanggap.”-ako.

Woman to WomanizerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!