Part 1

2.9K 184 33
                                    

Richard's POV

Nagmamadali akong pumunta sa opisina ni Dad ng makatanggap ako ng tawag na may emergency meeting daw kami. Mabuti na lang at wala akong masyadong nakaschedule na appointment kaya agad akong nagmaneho papunta sa kanya. Dahil malapit lang ito sa opisina ko sa Kapitolyo, wala pa atang tatlumpung minuto ay narating ko na ang kanyang opisina. Dali-dali akong pumasok sa elevator at agad pinindot ang bilang ng pinakamataas na palapag. Ilang sandali lang ang lumipas at bumukas na rin muli ang elevator. Lumabas ako mula rito at bumungad naman sa akin ang kanyang sekretarya na nagsabing hinihintay na nga niya ko sa kanyang silid kaya dumeretso na ko sa pinakadulong kwarto at marahang kumatok bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Nagitla ako na makita hindi lang si Dad kundi pati si Mommy sa loob ng kanyang opisina. Halos sabay silang napatingin sa akin pero si Mommy ang unang nagsalita.

"Iho, mabuti naman at nandito ka na. Halika, maupo ka dito."

Napakalambing talaga ng boses ng Mommy ko. Napangiti ako habang papalapit sa kanya para bumeso.

"Mom, you're here. Dad called me for an emergency meeting kaya nagmadali ako pumunta dito. Buti na lang konti ang sched ko this morning. What's the matter? May problema ba?"

"Maupo ka muna, Richard. You're mom and I would like to discuss something with you."

"Uy, mukhang seryoso ah. What seems to be the problem? May nangyari ba? Don't tell me magkakaron pa kami ng bagong kapatid?"

Natatawa akong umupo sa silyang katapat ni Mommy. Naisip ko, medyo maharot din naman kasi itong mga magulang ko kaya hindi rin malayong magkatotoo ang sinabi ko.

"Ikaw iho, napakapilyo mo talaga. Puro ka kalokohan. Yan, yan ang paguusapan natin. Ricardo, kindly tell your son na nga."

"Uy! Bakit ako? What did I do? As far as I know I didn't do anything wrong. Okay naman ang palakad ko sa Kapitolyo at tuloy-tuloy pa rin naman ang mga proyekto ko bilang Gobernador ng bayan. Hindi naman ako nanloloko ng mga tao at lalong hindi ako kurakot, Dad."

"We know that, pero that's not the problem, Son. Here! Aren't these proof enough to explain what you've been doing lately?"

Nagulat ako ng ilapag ni Dad sa ibabaw ng mesa ang iba't ibang tabloids at broadsheets. Nakatambad ang mukha at pangalan ko sa mga ito. Natawa na lang ako, hindi naman na kasi bago ito sa akin. Halos araw-araw naman laman ako ng dyaryo.

"Your face is all over the news na naman, Richard. Sabi ni Rizza pati sa social media ang dami mong issues about being a ladies man. Kesyo papalit-palit ka ng babae. Iba-iba daw ang kasama mo sa mga bars..."

"But Dad..."

"Hindi pa ko tapos! Alam ko naman na you're still young. Sa totoo, napagdaanan ko din yang ganyan, but son, not to the extent of dragging our family name naman. With what you're doing right now, sa amin ng mommy mo ang balik. How we raised you. Nahihirapan din itong mommy mo sa tuwing makakabasa siya ng mga negative articles about you. Anak, let me just remind you. You are not just an ordinary person. You are now the Governor of this town, and a popular one if I may add. Kaya bawat kilos mo, konting galaw, lahat yan gagawan ng issue."

"Iho, alam mo naman na hindi kami mahilig makielam ng Daddy mo when it comes to how you run your lives kasi malalaki na kayo. But this is already getting out of hand. Mabuti sana kung iisang babae lang ang nakikita nila sa mga parties with you, eh hindi eh. Iba't iba. Kaya you left us with no choice iho."

"No choice? What do you mean mom? I don't understand."

Kinakabahan ako sa tono ng magulang ko. Parang hindi maganda ang patutunguhan ng usapan ito. Tumayo si Mommy at kinuha ang isang folder sa may table ni Dad. Iniabot niya sa akin ito. Pagbukas ko ng folder, nakita ko ang personal profile ng isang babae at may kalakip na litrato. Mukhang model, pero hindi ako sigurado dahil ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Parang alam ko na ang gusto nilang mangyari, pero sa isip-isip ko, hindi ako makakapayag. Dahil pinakaayaw ko sa lahat, yung dinidiktahan ako.

MistakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon