Chapter 7: Jealous?

8K 168 4
                                    

Chapter 7: Jealous?

Alyssa's POV

2 weeks na simula nung naging kami ni Denden.

Ang nakakaasar, pagpasok namin kinabukasan sa school alam na ng buong campus na kami!

Bakit ang bilis kumalat ng balita?

Pinagkalat kaya ni Myco? Hindi naman siguro.

Friday nanaman.. makakasama ko nanaman ang maldita kong girlfriend. EW!

Hindi ko pa rin maisip na kami na! Na nagkagirlfriend ako at girlfriend niya ko.

Well, palabas lang naman yun eh... pero syempre iba pa rin labas sa lahat ng tao no.

Amg iisipin nila gusto ko talaga si Denden at gusto niya talaga ako. Which is not true.

And ngayon, marami na rin akong nakuhang information tungkol kay Denden.

I checked my facebook account last night. May nagjoin sakin sa Beshies and Friends na group.

At habang nagtitingin-tingin ako. May nakita akong page na Team Denden.. Gretchenatics.. at Bang Pineda Lovers.

Sikat talaga sila.

Kinclick ko yung page ni Denden.

20,213 likes?! Seryoso ba silang fan sila ni Denden?! Grabe. Ang dami.

*Flashback!*

Ini-stalk ko yung page at marami akong nabasa at nalaman tungkol sa kanya.

Nalaman ko na may kapatid siyang mas bata pa sa kanya pero mas matured mag-isip.

Birthday niya ay January 21, 1992...

Kaibigan niya na sila Bang at Gretch mula bata palang...

Isa palang nagiging karelasyon niya...

Mahilig uminom...

Mahilig makipag-away..

Isa lang ang mahal at wala ng iba kundi si Myco Antonio.

Ewan ko kung bakit naasar ako nung nalaman ko to.

I mean, wala akong karapatan right? Ang weird.

Pinagpatuloy ko pa ang pagbabasa at may nabasa akong "After the break up" na post.

After the break up..

1. Hindi na ulit siya naglugay ng buhok. Palaging nakaipit o nakatali.

2.Hindi na nagpapagupit o nagpapabawas ng buhok gaya ng ginagawa niya dati. (Sign daw yun na willing siyang antayin si Myco.)

3.No one sat beside Denden, walang naglalakas loob tabihan siya.

4.Palagi siyang late. Pwera nalang pag may practice sila ng Volleyball.

Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa...

*End of Flashback!*

Feeling ko after ko mabasa yung mga yun kilalang kilala ko na siya...

Feeling ko ang tagal ko na siyang kilala.

Pero syempre, 3 weeks palang.

Saktong 25 days pa lang kami magkakilala. And sa 25 days na yun hindi pa rin kami magkasundo!

Tuwing nakikita ko tuloy ngayong araw si Denden hindi ko mapigilang hindi maasar!

Nung umaga, as usual, late siya!

Naisip ko kaya siya late kasi wala si Myco sa tabi niya.

Nakakaasar talaga!

"Aly, okay ka lang?"

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon