So sorry na ngayon lang naka-update. Super busy with homeworks and stuffs. Alam niyo na, kailangan magaral sa college! Haha.

Hi to my readers here on wattpad and my followers on twitter and tumblr. Hahaha.

Xoxo, Irel.

------------------------


Chapter 34


Kathryn's POV


Hanggang uwian, di ko na nakita si Daniel. Grabe naman siya magalit. Bakit naman siya magagalit kung binato ko siya ng tissue? Siya naman talaga yung nangtrip sakin eh.


Syempre wala na kong ibang iisipin kundi siya. Si Khalil naman kasi, kahit kailan hindi ako pinagtripan.


Baka naman etchos lang ni DJ lahat ito. Kunwari galit siya tapos hindi naman talaga. Alam niyo na...minsan kasi papansin yan. Hahaha.


Pero kung nagpapapansin siya, hindi siya magdi-ditch ng classes namin. Grabe, FOUR subjects ang na-miss niya. Sabagay, siguro gawain niya ito dati pero ngayon ko lang naman naranasan na ginawa niya yun.


Parang iniisip ko na tuloy na totoo yung galit ni Daniel.

>_<


Bakit ba ako affected na affected? Parang hindi ako makaisip ng maayos hangga't hindi kami nagkakausap. 

Pano ba naman kasi, kakabati lang namin kagabi...as in super okay na kami tapos nagaway na naman kami ngayon. Halos ilang beses na.


T_T

Kakausapin ko ba siya? Paano? Kailan? Bakit?

Nasaan na ba yun?

Hayaan ko na lang ba siya? Palamigin ko muna kaya ulo niya?

Ano ba ang dapat kong gawin? Nasakit na ulo ko!!!


"Problemado ka yata" Biglang tumabi sakin si Diego.


Malayo-layo kasi ako sa kanila...

Yung barkada, nakaupo lang sa bench dito sa may parking lot.


Syempre yung varsity ng PU nandito na rin.

Lahat kami naghihintay kay Daniel.

Lahat sila nagte-text kay Daniel. Maliban sakin...


"Halata ba?"

"Oo. Nakatulala ka kaya, buti nga narinig mo pa ko. Kasi yung mga nasa TV, kapag nakatulala...hindi rin nakakarinig" Sabay tumawa siya.


Tinitigan ko lang naman siya kasi wala ako sa mood para makitawa.

Tumigil din siya sa kakatawa, siguro nakahalata.


"Si DJ ba yan?" Tumingin lang ulit ako sa kanya. Kilalang-kilala na nga nila ako.