Chapter 13

932K 16.3K 3.2K
                                    


Chapter 13
Wavered

"Look what I bought." masayang sabi ni Sean at pinakita ang kaniyang mga hawak na paper bags.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong sala at nakitang mas marami pang nakakalat doon na iba't-ibang paper bags. Gingersnaps, Moose Gear, Oshkosh at iba pang mga tatak ng mga branded stores na pang bata.

"Sean, one month palang akong buntis. Hindi pa nga natin alam kung anong gender ni baby eh." sabi ko habang iniisip kung paano liligpitin ang sandamakmak na gamit pambata na kaniyang binili.

Ilang araw na rin akong nakatanga lang dito sa bahay. Hindi ako masiyadong pinapalabas ni Sean ng bahay at pinapapasok sa opisina dahil ang paniniwala niya'y maselan daw ang simula ng pagbubuntis.

"It's okay." nakangiting sabi niya at lumapit sakin para alalayan akong pa-upo sa sofa. "Unisex naman lahat ng binili ko eh." katwiran niya.

"Pero, Sean..." I looked at him but he just smiled at me and looked away.

Napatingin naman ako sa lalaking kakapasok lang ng bahay at may dala-dala pang tatlong paper bags.

Binalik ko naman ang tingin ko kay Sean. "Meron pang natitira sa labas?" I unbelievably asked him.

He chuckled and pinched my cheeks. "That's the last batch of paper bags." sagot naman niya.

Bigla naman siyang naglinga-linga ng tingin na para bang mayroon siyang hinahanap.

"Manang!" he called out loud at lumayo sa aking tabi upang sumilip sa may kitchen.

Lumabas naman si Manang doon habang nagpupunas ng kamay sa kaniyang apron.

"Paki-turo naman po sa kaniya kung nasaan yung storage room." magalang na pakiusap ni Sean kay Manang bago nilingon ang lalaki. "Pakilagay sa storage room lahat ng mga 'to. Sundan mo lang si Manang. Make sure na malinis doon, okay? Ayokong madumihan ang mga gamit ng anak ko." paalala sa kaniya ni Sean.

"Yes po, Sir." tango niya kay Sean at mas naghakot pa ng ilan pang paper bags.

"Halika. Sundan mo lang ako." sabi naman ni Manang dito nang matapos siya sa pagkukuha pa ng ilang paper bags na ilalagay sa storage room.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Niyakap niya ako at sumandal naman ako sa dibdib niya upang maging komportable sa posisyon naming dalawa.

"Pupunta tayo kila mommy bukas. We will tell them about our baby." he informed me of his plan.

Nilingon ko naman siya. "Nandoon din ba si Daddy?"

Tumango siya at ngumiti sa akin. "Sakto nga dahil kakauwi lang ng Daddy mo noong isang araw. Hindi ba kayo nakakapag-usap? Next week pa ulit ang balik niya sa San Francisco. He's just going to personally check your company."

Napanguso naman ako't umiling. "Hindi na masiyado." sabi ko. "I don't know if he's busy. I often sent him messages through Skype pero minsan lang siyang makapagreply sa akin."

"I think that this family meeting tomorrow will be a good time for you to catch up with your father." sabi niya naman.

"I know. Thank you for setting this one up. Kung 'di pa dahil dito ay mukhang 'di ko pa malalaman na nakauwi na pala si Daddy." I smiled at him.

"No worries, Sandra." ngiti niya sa akin at saka inabot ang aking kamay.

May inilagay siya sa aking palad at sinara ito bago binitawan.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon