Author's Note:


After blood and fire and f-ing busy days, it's finally updated. Haha. And for those cool people who has got this awesome buckets of patience, super thanks! And thank you, too for the messages I got from wattpad and facebook wherein the only contents was like, 'Hey! Update Now!' Haha. Orayt, so you might want to hear these songs for this chapter:

Not Meant to Be - Theory of a Dead Man

Counting Crows - Untitled Love Song

Thanks! I'll shut up now.

+Siel Alstreim+

************************************************************************************************************


Chapter 13: Damsel in Distress


Ako lang yata sa buong mundo ang nag-iisang seventeen year old girl who has got enough number of death threats to include me in a Guiness World Record list. I would be thankful if those threats were just pranks. But having the worst luck in the world means that those threats were as true as the Earth being round-- or oblate spheroid as they teach us in Science class. And as I said, I was just a freaking teenager! Ano ba'ng kailangan nila sa akin? Para namang ginusto kong maranasan at malaman ang mga bagay na nalalaman ko. At ang isa pang nagpakumplikado ng lahat ay ang pagkaka-alam ni Jin sa pathetic kong sitwasyon.

Simula nang mabasa nya ang note kahapon ay idiniklara niya na ang sarili nya bilang body guard ko upang protektahan ako kung sakaling totoo man ang banta ng kung sinumang nagpadala ng note na yun. Kung kaya naman ramdam na ramdam ko ang awkwardness ng sitwasyon habang nagbi-breakfast kami on Sunday morning. Kahapon pang lunch nakiki-sit-in sa dining table namin nila Jamie, Mirden at Tyler (na bumalik na pala sa speaking terms sa amin matapos ang ilang araw nyang pag-iwas) si Jin. Malamang nga ay susundan ako nito pati sa dorm kung may magagawa lang syang paraan para makapasok sa dorm ng mga babae.

Kasalukuyang nakatingin sa amin sina Mirden at Jamie na sa tingin ko'y gustung-gustong magtanong. Tila mas alanganin naman ang sitwasyon ni Tyler considering na binully sya ng Dark Monarch dati. Masaya namang kumakain si Jin na tila oblivious sa paligid.

"Are you guys dating? Since when? Parang ang bilis naman yata ng pangyayari?" Wika ni Jamie. Mukhang hindi na talaga niya napigilan ang sarili niyang magtanong.

"Sumasang-ayon ako na mabilis ang mga pangyayari, but we're not dating," sagot ko.

"Kung ganun, bakit parang at-home siya dito?" Tanong ni Mirden.

"We're best friends," nakangiting wika ni Jin na ikinanuot ng noo ni Tyler.

Sigh. With Jin's wild imagination, pinaniwala na rin niya ang sarili niya na mag-best friends kami-- just because hindi mutual ang feelings namin sa isa't-isa.

"Summer, you can't trust him," seryosong wika ni Tyler at binigyan ng masamang tingin si Jin.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!