For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

TAL. 29 -- Happy Eternity

“Marriage is a mosaic you build with your spouse. Millions of tiny moments that create your love story.”

Today's the day! After few weeks of waiting, finally, I will be walking down the aisle with Papa and baby in my tummy to meet Daryl at the altar. Ilang araw akong hindi makatulog dahil sa anticipation ng big event sa buhay namin ni Daryl.

Sabi ko nga kay Daryl, sakto lang ang pagpapakasal namin ngayon sa simbahan dahil maayos na ang lahat sa buhay ko. I have my twin sister and Papa Leandro with me to witness this day.

Tunay ngang wala na yata akong mahihiling pa. Everything I was hoping and wishing before have finally come true. Tyaga lang talaga. Hindi talaga kailangang madaliin ang bagay-bagay sa buhay upang makuha ang nais mo. There will always be the right time, right moment, for every thing.

If there is only one thing na pinagsisisihan ko sa lahat ng mga desisyon at bagay na nagawa ko noon, 'yun ay ang kamuhian ng todo ang mismong ama ko. Kung hindi ko lang sana pinairal ang pagkamuhi sa kanya, sana noon pa man naranasan ko na ang mga bagay na nararanasan ko kapag kasama sya ngayon.

Nevertheless, I am still thankful na kasama ko sya ngayon. There's still a lot of days and times to catch up for the lost times. This time, hindi ko na hahayaan pang masira kami.

"Cass? nandito na ang makeup artists mo. Nakapag-toothbrush ka na ba?" sumungaw ang ulo ni Chanel mula sa pinto.

Tumango ako at nginitian sya. "Pasok ka muna." pag-aaya ko pa.

Tila nagtaka man si Chanel ngunit pumasok na din sya at lumapit sa akin. "Bakit?"

Hinawakan ko ang magkabila nyang kamay at nginitian sya. "Thank you for everything, Chanel."

Napanguso naman si Chanel at niyakap ako. "Kapatid kita. Kakambal kita. Sino pa ba naman ang magkakasama kundi tayong pamilya. Kahit pa madalas mo akong kainisan ngayon, okay lang. I know its just because of the hormones."

Lalong lumawak ang ngiti ko. Lately, palagi akong nagtatampo kay Chanel dahil sa iisang bagay. She keeps on teasing me about my weight. Minsan maghapon ko syang hindi kikibuin ngunit pagkarating naman ng gabi, magkakabati na din naman kami. Pareho kami na ayaw patagalin ang alitan at hayaan pang lumala. Ilang taon kaming hindi nagkasama, hahayaan pa ba naman namin na magkaroon pa ng away sa pagitan namin dahil sa simpleng asaran?

"Nakakainis ka lang naman kasi talaga minsan dahil palagi mo akong inaasar." I rolled my eyes. "As if naman ginusto ko na madagdagan ng timbang."

Natatawang kumalas ng yakap si Chanel sa akin. "Ano ka ba naman, sis! Syempre asar lang 'yon. Nilalambing lang kita but the truth is, I am happy kasi okay tayong lahat. I am happy for you kasi sa wakas totoong masaya ka na. May asawa kang mahal na mahal ka and soon may pamangkin na ako na paniguradong maganda ang lahi."

Napangiti ako lalo. "And of course meron tayong tatay na mahal na mahal tayo. At meron akong kapatid na mapang-asar but still I the way she is."

Lumabi pa si Chanel bago ako niyakap ulit. Ilang sandali pa, naghiwalay na rin kami. "Papapasukin ko na ang make up artists mo ha."

Tumango ako at lumakad palapit sa may vanity mirror kung saan ko naiwan ang iPhone ko. May text message sa akin si Daryl na nakapag-pangiti sa akin. Kagabi pa kami huling nagkita bago kami nagpunta sa kanya-kanyang party. May inihandang bridal shower sa akin kagabi sina Chanel at kahit binabae si Gino, sumama pa rin sya. A bridal shower na walang stripper or macho dancer na mage-entertain sa amin. They know I'll hate it and surely I will leave the party they prepared.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!