Chapter 2: Call Dilemmas

14K 285 15

Chapter 2
Call Dilemmas 

Wala akong magawa ngayong araw. It's still vacation. Tss. At hindi pa rin ako maka-move on dun sa narinig kong balita kagabi. Ganun na ba talaga ka-secretive si Kenneth? Ay nako ewan na.

Kanina tumatawag siya kaya lang hindi ko nasagot kasi nasa bathroom ako. And now I'm waiting...

Kaso wala eh. Wala talaga. Ano bang meron kasi? Nakakainis na. Ang hirap kaya sa pakiramdam. Wala na akong ibang magawa kundi magpagulong-gulong sa kama, magbasa kahit wala na akong naiintindihan, maginternet kahit palog-in logout lang ako. Ang boring!

Kenneth kasi! Kelan ka ba tatawag? Nakakaparanoid na talaga eh!

*♪ Eonjengan I nunmuri meomchugil. Eonjengan I eodum-- ♪*

Napahablot naman ako agad agad sa phone ko. Sana si Kenneth!

"Yes?"

"Kath!" aw, si... "Punta ka rito samin. Let's parteeey?" Yna lang pala. Hindi ko na natingnan ang caller's ID sa excitement and this is what I got. Yehey lang.

"Ngayon na? Tanghaling tapat party agad?"

"Oo, bakit ayaw mo? Ang KJ mo naman. Psh."

"Sige na. Pupunta ako mga mamayang hapon dyan. Matutulog muna ako."

"Para kang manang. Pero oo na teh, gora lang sa pagtulog. Babayush. See yah latuh!"

"Oo na. Dami pang satsat eh." tumawa lang si Yna at nai-end ko na rin ang call.

Sobrang nakakaantok ang ambiance kasi nga tanghali. Ang init init tapos kapag titingin ka sa labas, mas effective pa yung view sa sleeping pills eh.

Pero ewan ko ba sa sarili ko't hindi ko pa rin makuhang matulog kahit sobra na ang antok ko.

Gusto ko kasi siyang makausap. Please lang naman tumawag ka na. Tss. Ang pangit lang kasi kung ako yung mauuna tapos tatanungin ko lang siya about dun sa movie thingee na yun. Ang awkward kaya. Tsaka baka kung ano pang isipin nun, kaya gusto kong siya mismo magpaliwanag.

Magt-two-thirty na yata at ngayon lang ako natauhan sa pagkaantok ko kaya napapikit na ako talaga. Good thing!

14 Missed Calls

From the same number. Guess whose?

Luuhh! Kay Kenneth! Bakit napaka-wrong timing naman yata ng call niya? Nakakainis lang ha. Oh yung pagkaantok ko ang mali sa oras? Tsk.

At dahil may reason na ako para tawagan siya eh eto na nga. Kaso lang, bago ko pa siya ma-call eh biglang tumawag si Linds naman. Lahat nalaaang!

Cupid CrisisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon