Chapter 6: A Memory

4.4K 147 15
                                    

CHAPTER 6: A Memory

T H I R D P E R S O N

"Anong meron kay Layla, Sir Chase? What do you mean? Medyo magulo eh." Sinabi ni Collin to lighten up the mood sa usapan nila. Pero syempre being Collin, mabalis niyang naiintindihan ang sinasabi sakanya.

"I know you know what I mean. Si Layla Song ang nanay ng spy mula sa Nocturnals na ngayon ay dalawa ang mission." Sabi ni Chase.

"Dalawa ang mission? Possible ba yon?" Tanong ni Collin.

Tumango si Chase at bumuntong hininga. "Main reason bakit siya nasa Academy is upang manmanan ang bawat galaw nating lahat. Kung ano ang mga plano natin kapag may umatake o kung ano pa man. Since nandito na si Kate Forester, siya na ang magiging pangunahing rason bakit siya nandito. Sa tingin ko ay kailangan maging malapit nito kay Kate upang madali niya itong malinlang. Hindi ko alam ang totoong pakay nito sa bata pero alam kong ngayon palang, bubuntutan na niya ito."

"Ang pangalawang rason naman ay si Layla. Base sa records nung estudyante na yon, ang mga magulang niya ay naghiwalay matapos ang isang misyon na kanilang pinagtulungan. Namatay ang ina niya dahil sa pagprotekta sa kanyang ama. Pero hindi nakasulat doon kung saan siya galing at sino itong mga magulang na sinasabi niya. Until the lastest graduation came, bago nawala si Ariela at si Jett. Sumulpot si Layla bigla dahil sa pagkaiwan ni Liam sa gubat dahil sa isang matinding pinsala at sa muntik na matalo na misyon. Buntis noon si Layla at dala niya ang anak nila ni Liam."

"Yun yung misyon na yon kaya natahimik si Layla ng halos labing pitong taon?" Tanong ni Collin.

"Tama. Si Eve ang nagpaanak sa kanya. Hiniling niya na burahin ang kanyang memorya patungkol sa bata dahil hindi niya alam ang sasabihin kung nasan na daw ang kanyang ama. Ngunit, sa halip burahin ni Eve ang memorya nito, nagpatulong ito kay Senior Helga para maglagay lamang ng isang spell kung saan itatago lamang ang masakit na nakaraan na yon. Knowing Layla, malakas ang mind power nito. Pero mas malakas ang spell na nilagay ni Senior Helga at Eve sa kanya. Unti-unting babalik ang memoryang yon, pag nakita na niya ang anak niya." Sabi ni Chase.

"Kaya pala lagi niyang sinasabi na there's a part of me that's missing, but I don't know what it is yan ang laging sinasabi ni Layla noon. Pero miski kami ang alam namin ay patungkol lamang ito kay Liam. So si Lily lang ang nakakuha ng dugo nila na magkaroon ng kambal na anak?" Sagot na tanong ni Collin.

"Tama ka jan. Ngayon ang kailangan lang muna natin malaman ay sino ang batang ito." Sabi ni Chase. Nagkatinginan sila noong may biglang kumatok sa pinto.

Bumukas ang pinto at pumasok si Red, Grey at Snow.

"Sir Chase? It's a pleasure to see you." Bati ni Snow kay Sir Chase. Nang bumaling ang tingin ni Snow sa kabuuhan ng kwarto, hindi niya makita ang kanyang hinahanap. "Have you seen our daughter? I need to talk to her?" Sabi ni Snow.

"Hinatid niya si Kate sa dorm nila upang makapagpahinga. Bakit?" Tanong ni Collin.

"Well, may meeting sila Red kanina. Hindi niya naabutan eh. Nga pala what are the two of you doing here?" Tanong ni Snow.

"May nakapagsabi kasi sa akin na nandito daw si Collin sa may Medic Room. I was suppose to be looking for Eve, pero hindi ko alam kung nasaan siya." Pagpapaliwanag ni Chase.

"She's on her way to Mirandi, kasama niya si Senior Helga. Hindi niyo po ba alam na pinatawag sila ni Headmistress Georgia?" Tanong ni Snow.

"Hays, si mama talaga. Pinapunta niya ako para sunduin si Eve dahil sa gamot na kailangan niya, tapos ngayon nauna na pala sila doon. Well, I think, I should get going." Sabi nito. Naglalakad ito ng nakapamulsa at nakamot sa batok.

"Sir Chase?" Sabi ni Snow bago makalabas si Chase ng Medic Room.

"Why don't you stay for the night? I'll tell the Headmistress later?" Pago-offer ni Snow.

"That's not a bad idea. Sige, I'll stay for the night. Thank you, Snow." Sabi ni Chase.

Inutusan niya si Red na ihatid si Sir Chase sa Headmaster's Chambers para makapagpahinga na. Sinigurado muna ni Snow na wala na sila ni Red saka nagsalita.

"I think I found your spy." Sabi ni Snow.

"W-What?! How did you know about that?" Tanong ni Collin.

"Your daughter. Dumaan siya sa office ng Principal, but we were not aware na kasama niya pala si Kate. Sinabi niya na may nakita siya at may nagmamanman na estudyante dito sa loob ng Academy. She even drew the face of that person." Sabi ni Grey.

"Is that why you came here? Bakit niyo pa pinaalis si Sir Chase?" Tanong ni Collin.

"Wala siyang alam tungkol sa spy." Sabi ni Snow.

"Dear, si Sir Chase ang nagsabi sakin about the spy. His information, I guess is somewhat connected sa nakita ni Aloona. We have to talk about it." Sabi ni Collin.

"Someone's listening." Sabi ni Grey.

"You are really one of a kind Grey Brown. Alam mong may nakikinig sainyo. You know, gustong gusto ko na sanang magpakilala sainyo. Pero hindi ko muna gagawin yon. Masaya pa ako sa buhay ko ngayon. And tama si Sir Chase, mas gugustuhin ko munang makita mula sa malayo ang aking ina. So this is not the right time for you to see me. Until we meet again." Sabi ng boses na nagecho sa loob ng medic room.

"He's a wind type user plus a shape shifter." Sabi ni Grey.

"Pero maraming estudyante dito sa Academy na kasabayan niyo, or even freshman's na may shape shifting ability. Pano natin matutunton yun?" Sabi ni Snow.

"I think Sir Chase knows the name. He's got the information, though. Pero hindi ko sure kung dala niya ito or not." Sabi ni Collin.

"We have to talk to Aloona before she sleeps. There is a probability na magbago pa ang visions niya. We need to track that spy down. We need to see kung sino siya at ano ang pakay niya dito." Sabi ni Snow.

"Sige. Grey, puntahan mo muna si Aloona at Kate sa dorm nila and make sure na makakarating sila sa Office ng Principal ng walang galos. Or else, may dagdag training hours ka bukas. Understood?" Utos ni Collin.

"Tsk. Bakit ako pa? Eh anak niyo naman yon, saka papapuntahin niyo ko sa Girls Dormitory? Hibang na ba kayong mag-asawa?" Tanong nito.

"Here, wear this." Inabot ni Snow ang isang bracelet kay Grey.

"For as long as you are wearing this, no one will notice that you're a boy. Pero pag narating mo na gad yung dorm nila Kate, once na buksan nila ang pinto, instead na girl ang makita nila, ikaw. In short, sila lang ang makakakita ng anyo mo pero for the rest, no." Sabi ni Snow.

"Ano pang tinatayo mo diyan? Lakad na." Dugtong ni Snow.

Sabay silang tatlo na lumabas ng medic room. Diretso ang lakad nila nang biglang lumiko sa kanan si Grey. Ngumiti ang mag-asawa sa kanya bago siya nagpatuloy maglakad papunta sa Girls Dormitory at puntahan sila Kate at Aloona.


Unexpectedly seeing, may unusual bat sa may bintana.

"Good to see you alone, Grey." Sabi ng bat.

"Who are you?" Tanong ni Grey.

"Your worst nightmare. Pero don't worry. I'm not going to do any stupid things now. Nagpakita lang talaga ako sayo. See you around, golden boy." Sabi nito sabay lipad at biglang nawala sa paningin niya.

"Golden boy? Sino yun?" Sambit ni Grey.




——

CHAPTER 6 EDIT DONE

How was it? Comment down!

@charismaticegg

CharmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon