Chapter 15

[Aerith's Heart]

Monday na, simula nung araw na yun, hindi man lang ako nakatanggap ng tawag o text kay Darren. Galit kaya siya sa kin?

Nakarating ako sa school, dumaan muna ako sa classroom nila Darren pero mukhang wala pa siya.

Nakita ko si Jake kaya naisipan kong tanungin siya, "Jake, nandito na ba si Renren?"

"Hmmm.... wala pa eh, baka na-late lang yun ng gising. Weird, ngayon lang ulit siya late, hindi ba usually tinatawagan mo yun pag umaga?"

"Sinubukan kong tawagan pero hindi niya sinasagot eh."

"Darating din yun, pagbigyan na natin, ngayon lang." tapos ay tinapik niya ang balikat ko, "Don't worry too much, Aerith. Osige, dun muna ako sa bandang 2nd year classrooms. See ya~"

Medyo nakalayo na siya pero sinigawan ko, "Hoy! Don't flirt around with too many girls! Sinabihan na kita ah!"

Hindi niya ko sinagot pero tinaas lang niya yung left hand niya.

"Tch, that guy never learns."

Babalik na sana ako sa classroom ko pero nakita ko si Darren, babatiin ko sana nung malapit siya sa kin pero hindi man lang niya ko tinignan.

"Valenzuela!" tawag ko sa kanya at buti naman ay nilingon niya ko.

Iritado niya kong hinarap, galit siya sa kin?

"Kung wala kang sasabihin, bumalik ka na sa classroom mo." tapos ay umupo na siya sa seat niya.

Anong problema nun? Hindi man lang ako binati ng 'Good morning'??

"Darr---"

*KRIIIIIIIINGGGG*

Gusto ko sana siyang kausapin kaso nagring na yung school bell so I had no choice but to retreat for now.

"Baka masama lang pakiramdam niya." sabi ko sa sarili ko.

-------

I tried not to be bothered, pero masama talaga kutob ko.

Recess na at nagmadali akong pumunta sa classroom nila Darren. Pero pagkarating ko dun, wala nang tao. Wala na rin sila Jake, nauna na sila sa canteen.

Dumiretso na ko sa canteen at doon ko nga nakita sila Jake pero wala si Darren.

"Hi Aerith!" bati sa kin ni Gabriella.

"Hi Gabbie, hi Harold." bati ko sa kanila tapos liningon ko si Jake, "Jake, si Renren?" tanong ko.

He shrugged his shoulders, "Pagkaring nung bell for recess, MIA(Missing in Action) na siya eh. Di rin namin alam kung san nagpunta, akala nga namin kasama mo eh."

"Ehhhh.... san naman nagpunta yun?" bulalas ko.

"LQ?" tanong bigla ni Harold na ikinagulat ko.

Hinampas agad siya ni Gabriella, "Che! Wag mo ngang asarin si Aerith! Masyado siyang bata para lumandi!"

"Parang nanay ka niya ah. Pfft~" side comment ni Jake.

"Tch, nanay mo mukha mo!" tas hinampas rin siya ni Gabriella.

"Ha-ha... Oh s-sige na, hanapin ko muna si Renren, balik na lang ako pag nahanap ko siya." paalam ko tas umalis na agad ako.

I was aimlessly walking around the campus, then naisip ko ang lugar kung san ko siya pwedeng makita, sa rooftop.

Dahan-dahan akong tumungo sa rooftop, at pagkabukas ko, nakita ko siya na nakatingin sa school grounds.

"Renren!" sigaw ko habang papalapit ako sa kanya, lumingon siya at kumunot ang noo niya.

"The hell are you doing here?" nagulat ako sa reaction niya. Galit ba talaga siya sa kin?

"Darren... Did I do something wrong?" tanong ko.

"Wrong? Wala naman." he answered with a serious face.

"Eh ba't parang galit ka sa kin?"

"No, I'm not angry."

"Yes you are."

"No."

"Yes definitely!" pagpupumilit ko.

"I said I'm not! Can you f*cking leave me alone?"

Napaurong ako dahil nagulat ako sa pagtaas ng boses niya, "Pero...."

"Natauhan lang ako Aerith, I've been acting like a fool these past few months na kasama kita. Smiling, laughing, that's not me Aerith. So kung pwede, I would like to stop this stupid act."

Parang nabingi ako sa sinabi niya. Act?

"So basically, you're saying that you were just caught up in the moment when I asked you to be my friend? You just pretended to be my friend?" I said while clenching my fist.

"Yes Aerith, I'm sorry. I only became your friend because of your condition---"

There, I slapped him.

"Thank you for everything Darren. I understand now." naramdaman kong may tumutulo nang luha sa mga mata ko, "Thank you for giving me happiness, even if it was a false one." I said and then I just ran back inside.

Pagkasara ko ng pintuan sa rooftop, sumandal ako doon at umiyak, I just can't stop crying, kahit alam kong masama 'to sa kin.

Then there I realized, I fell in love with the wrong person.

---------

Votes and comments are highly appreciated! ♥

My MiracleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!