Pag labas niya ng kuwarto ay agad kong ikinuwento sa kanya ang nangyari habang nasa banyo siya, nagulat siya at kinuha yung camera ipinakita niya saakin yung kuha niya saakin kanina, tinura niya yung nasa harapan ko isang lalake matandang lalake. sa takot namin ay dinelete niya ang picture ko at napag usapan na wag nalamang pansinin yung nakita namin. 

Napag pasyahan namin na bumalik sa venue ng reunion. 11 ng gabi ng mag balik kame sa lumang bahay kasama na ang mga pinsan at kapatid ng asawa ko. 

Ang mga iba ay may dalang mga baraha at alak mag iinuman daw muna sila dahil hinde pa sila inaantok ang iba naman ay nanonood nalang ng tv. habang ako ay nauna ng umakyat ng kuwarto para matulog na, hinde ako nainom ang asawa ko naman ay nakipag inuman saglit sa mga pinsan niya. ako at ang dalawang kapatid ng asawa ko ay sabay sabay ng umakyat para mag pahinga. 

Pagdating ko sa kuwarto ay nanood muna ako saglit ng tv dahil nagustuhan ko ang palabas, nadatnan ako ng asawa ko na nanonood kaya pati siya ay nanood na din ng matapos ang palabas ay nag sabe ako na maliligo na para makatulog at siya ay nahiga muna sa kama. 

Pag labas ko ng kuwarto ay sanabihan ko yung asawa ko na hinaan yung aircon dahil nagiginaw ako, nagulat yung asawa ko sabay sabe na "nanaman? diba pinahinaan mo na sakin yan kanina nung naliligo ka?" sumagot ako na hinde ngaun ko lang siya inutusan na hinaan yung aircon. 

Tapos bigla siya pumasok ng banyo at dali daling naligo..pag labas niya ng kuwarto ay tinanung niya ulit ako kung totoo ba daw na isang beses ko lang pinahinaan yung aircon at sumagot ako ng oo ng tinanung ko siya kung bakit ay ikinuwento niya sakiin na lumabas daw ako ng banyo na walang damit pumunta daw ako sa tabi ng aircon at tinawag siya sinabi ko din daw na hinaan ng aircon at nag lakad ulit ako pabalik sa banyo pero huminto daw ako sa tapat niya sabay hawak ng noo niya.. 

Nagalit ako dahil naisip ko na baka lasing lang siya kaya ganun. sinabi ko sa kanya na kung nagiginaw ako ay hinde na ako lalabas ng banyo na walang soot kahit tuwalya, dahil malamig bakit pa ako maglalakad at tatapat sa aircon para lang utusan siyang hinaan iyon. sinabi ko din sa asawa ko alam naman niyang may hika ako kaya kapag masyado akong naginaw ay siguradong uubuhin ako at hinde makakahinga. 

Alam kong natakot yung asawa ko pero hinde na kumibo niyakap nalang ako at sinabing baka inaantok lang siya.. 

Naalimpungatan kame ng marinig ang tili ng mga pinsan niya na nasa baba tinignan ko yung relo nakita ko na 10 mins before 3 na pero bumangon kame at bumaba ng asawa ko para tignan kung ano ang nangyayari. 

Nakita ko na yung kapatid ng asawa ko ay umiiyak at may mga tumitili, nilapitan ko agad yung kapatid ng asawa ko.. yumakap siya saakin habang iyak ng iyak, nagagalit ang asawa ko ng tanungin yung mga pinsan niya tapos biglang tunuro ng isa yung pintuan sa may kusina..narinig namin na parang may nahuhulog sa kusina kaya tinawag namin yung caretaker para samahan ksmeng tignan kung ano yung ingay na iyon. 

Nagulat kame ng pag bukas ng pintuan ay may mga basag plato ang naandoon, napatingen ako sa isang aparador lalagyan ng mga babasaging plato, nakita ko doon ang lalake na nakita namin ng asawa ko kanina parang galit ang itchura niya at ang hintuturo ay nasa tapat ng bibig parang nag sasabing huwag kaming maingay. 

Hinde ako kumibo tumulong na lang ako sa pag lilinis sa nabasag na plato. sinabi ng asawa ko na baka hinde lang ayos yung pagkakakalagay nila sa plato kaya nahulog pero ang kapatid niya ay iyak ng iyak. dahil siguro sa lasing na yung iba ay lumakas ang usapan nila mga nag tapang tapangan itinuloy nila ang pag lalaro at inuman ng may narinig kameng sumigaw ng "TAHIMIK!" lahat kame ay napatingen sa isang tomba tomba walang tao doon kahit sa paligid noon pero bigla itong gumalaw na parang may naka upo doon na hinehele ang sarili. 

Nag katinginan kame ng asawa ko ng biglang nag salita ang isa niyang pinsan.."lasing na ata ako sige mga pre tulog na ako" sabay sunod ang iba pa .. 

Naiwan ako ang asawa ko ang dalawa niyang kapatid at ang care taker. Nagpaalam kame at sinabi naming matutulog na ulit pero bago iyon ay huminge kame ng pasenxa dahil siguro sa ingay at gulo ng mga kamag anak namin ay nabulabog ang mga nakatira doon na hinde nakikita ng iba. 

Dahil sa takot magkakaama kame ng asawa ko ay ang dalawa niyang kapatid sa iisang kuwarto. kami ay nag dasal hinde na nakatulog. 

Nang mag umaga na ay naikuwento saamen ng care taker na ang mga orihinal na may ari ng bahay na iyon (lola ng lola ng asawa ko) ay istrikto ayaw ng maingay at magugulo kaya baka daw nagalit ng nag uumpisa ng magkasayahan ang iba naming kamag anak, ang matandang lalake daw ang lageng nagsasaway sa mga maiingay at magugulo para hinde magising ang asawa niya. 

Nabigyan ng linaw ang nangyari ng gabing iyon at isa nalang ang hinde, iyon ang sinasabe ng asawa ko na ako daw ang nag utos sa kanya na hinaan ang aircon. 

Sa ngayon kapag napag uusapan namin iyon ng mga kamaganak namin ay nagkakatawanan nalang kame, napag kakatuwaan ang mga tapang tapangan nila. 

Pero taon taon ay nauwi at natutulog parin kame doon para sa chirstmas party o kaya ay reunion, pero hinde na kame nag iingay natutulog nalang kame doon.. 

..................... 

A/N : Dont forget to vote guysue :'>

HORROR SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon