Chapter 57 : Let Me Be Your Man

2K 44 1
                                    

Chapter 57

Nicco's POV

Ang lakas ng kutob ko na kaelangan ako ni Evo ngayon.Hindi na nga ako pumasok sa mga subjects ko para lang hanapin sya..Tinawagan kasi ako ni Lex at nag-usap kami kagabi. Sinabi nya lahat-lahat sa akin at nakiusap sya na kung pwede ako munang bahala sa kaibigan nila

Hayaan mo Evo hindi naman kita pababayaan.

"Ok kana ba?" tumingin ako sa kanya pero umiwas lang sya sa akin

"Oo naman"nauutal nyang sagot

"Alam mo wala talaga akong tiwala sa Enzo na yun eh," pinatong ni Evo ang kamay nya sa kamay kung nakapatong noon sa manubela

"Ayoko na sana syang pag-usapan pa" pinisil ko ang kamay nya at hininto ko ang sasakyan

"Naiintindihan kita" nagkasalubong ang mga mata namin

"Ang saya-saya talaga" tumatawa sya pero halatang naiiyak naman.

"Sabihin mo sa akin, Hindi ka siguro nagkagusto sa kanya noh?!" hinawakan nya ang mukha ko at bahagyang hinaplos, saka sya ngumiti

"Hindi na mahalaga yun sa ngayon" kita-kita ko sa mga mata nya ang madinting lungkot, ngayon lang sya naging ganito.tahimik at seryosong-seryoso

"At syaka imposible naman na magustuhan mo yung taong yun noh" pagbabasag ko ng katahimikan, paano wala akong ibang masabi eh

"Mag-celebrate tayo!"

"Ha?!" taka kung tanong

"Trait kita"unti-unti ko syang naintindihan...gusto nya sigurong makalimot muna

"Oh sige ba, may alam akong lugar"

ENGINE STARTS

____________________

(Niccolo's  RESTOBAR...)

Dinala ko sya sa isa sa mga paborito kung lugar.  At yun ay sa Restobar ko. Medyo tahimik diti ngayon dahil halos wala pang tayo .Balak ko lang sanang kumain kami eh, wala sa plano ang painumin sya at hayaang syang uminom pero ang kulit nya eh

"Pagagalitan ako ni Lex nito eh, kung alam ko lang na ganito pala sya kalakas uminom,Hindi na lang sana kita dinala dito"

"Ayaw mong uminom?" tanong nya habang nilalaklak nya ang isang bote ng Red Wine

"Ihahated pa kita kaya ayokong uminom!" Ngayon ko lang napansin nakailang baso na sya ng Gin Tonic ah at Beer. Grabe halu-halo na ang iniinom nya ah

"Kung alam ko lang na ganya___" pinatong nya ang kamay nya sa bibig ko

"Please hwag mo akong sermunan ngayon, hwag muna ngayon!" hinila ko ang kamay nya at bahagyang napangiti ako

" Lasing kana, Nag-alala na ako sayo ng husto!"

"Buong buhay ko ngayon lang ako napahiya ng ganoon, at pakiramdam ko talunan ako " hinawakan ko.ang kamay nya ng mahigpit " Pinagtatawanan nila akong lahat, grabe hindi ko maipaliwanag pero nanliliit ako sa sarili ko " salitang lasing at namimikit na rin ang mga mata nya

"Baliw lang ang nag-iisip nyan,  kaya hwag kang magsalita ng ganyan,!" sapilitan kung kinuha ang alak sa mga kamay nya

"Bakit kapag ibang tao ang nagsabi sayo parang wala lang pero pag galing sa kanya ang sakit-sakit, para akong mamatay sa sakit. "hinila ko sya at niyakap ng mahigpit na mahigpit

"Tahana oh, pag ganyan ka nasasaktan lalo ako," bahagya syang natawa habang umiiyak tapos hinahampas nya pa ang likod ko ng kamay nya

" Alam mo pareho lang tayo ok, talunan at nasasaktan"  Inangat ko ang mukha nya at nagkasalubong ang mga mata namin

"Mahal kita, ayokong nagkakaganyan ka oh nakikita kang nasasaktan Evo!" naramdaman kung bahagya syang nagising sa sinabi ko

"Ayan ka na naman eh ang hilig mong magbiro no!" nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at halos mahalikan ko na sya sa sobrang lapit namin sa isa't-isa

"Seryoso ako sayo, Please let me be your man Evo!" Hinila nya ang mukha ko at dinampian nya ako ng halik sa pisngi

"NICCO!" niyakap ko sya at natawa ako ng bahagya sa ginawa nya, oo naramdaman kung may iba, pero hindi ko sya susukuan

" Enough...Ihahated na kita" hinawakan ko ang mukha nya syaka ko na sya binuhat

___________________

Nakatulog sya kotse ko habang binabaybay namin ang daan papunta sa bahay nya. Kanina ko pa sya gustong-gustong hawakan, yakapin at hadkan pero alam kung hindi tama kaya hindi ko ginawa. Ayokong mag take advantage sa kanya. Dahil ganito pala sa pakiramdam kapag mahal at importante sya sayo, rerespetohin mo sya, aalagaan at iingatan mo sya. Hindi ko akalaing magiging ganito ako kamanhid sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Nakakalimutan ko ang sarili ko kapag sya na ang pinaguusapan. Sa tingin ko hindi ko lang sya basta mahal, kundi sobrang mahal na mahal...

___________________

Akay-akay kung bumaba ng sasakyan si Evo. Nang mapansin kung bigla na lang lumitaw sa harap namin si Enzo at nagaapoy ang mga mata nitong nakatitig sa akin

"Ako nang bahala sa kanya Nicco" hinila nya si Evo sa akin pero hindi ako bumitaw dahil ayokong paggising ni Evo ay mukha ni Enzo ang makita nya at  hindi ako

"Tama na Enzo, Hayaan mo sya!" nanlilisik ang mga mata nyang tumingin sa akin

"Umalis kana Nicco, sabing ako na ang bahala sa kanya eh" sa sobrang inis ko pareho naming nabitawan si Evo.

Sinuntok ko sya kaya sinuntok nya din ako.

"Alam ko nang nagpanggap lang kayo, kaya pwede ba tigilan mo na sya dahil wala ka nang karapatan kay Evo!" kinuwelyuhan nya ako kaya naman halos hindi ako makahinga

"Sa tingin mo ba hahayaan na lang kita, Pwes hindi Nicco!" nagkaroon ako ng pagkakataong masuntok sya ulit, kaya pinuruhan ko agad ang sikmura nya

"Nasisiraan kana ng ulo. Matapos mo syang pahiyain at saktan sa harap ng maraming " hindi ki namalayang nakalapit sya sa akin, kaya nasuntok nya ulit ako

Suntok dito, suntok doon.

Natigilan lang kami nang biglang may huminto sa harap naming sports car na black, halos ibangga nya sa amin yung sasakyan nya

"Nababaliw na talaga kayo no?! Sige magpatayan kayo!" bumaba si Lex at kinuha nya si Evo at sinakay sa sasakyan nya

"LEX!" sabay naming sabi ni Enzo

"Nakakatuwa kayo SOBRA!" inalis ni Enzo ang kamay nya sa damit ko at unti-unting lumapit kay Lex

"Lex,.Sorry, hindi ko gusto yung nangyari!"

"Tama na rin yung ginawa mo Enzo, Matatauhan ng mas maaga tong kaibigan ko. Sa katunayan nga dapat pasalamatan pa kita eh, dahil sayo matatahimik na ang buhay nya" kitang-kita ko sa mata ni Lex ang galit habang si Enzo naman at halos lumuhod sa pagmamakaawa kay Lex

"Lex hwag mong gawin to!" punasok na noon si Lex sa sasakyan kaya wala nang nagawa si Enzo, ako din mas pinili ko na ring umalis at baka kung anu pang magawa ko sa Enzo na to

________________

Iniisip ko pa rin yung kanina. Sana wala lang yun kay Evo...Sana nagkakamali lang ako sa nararamdaman ko...Pagapapanggap lang yun kaya wala dapat akung ipag-alala.

"Ayan ang napapala mo dyan sa kakahabol mo kay Evo"sermon ni Xander habang ginagamot nya ang mga sugat ko

"Dahan-dahan naman" 

"Anu bang pumasok sa utak mo't nakipagaway ka pa kay Enzo?" tumayo ako at umiwas

"Nanggigil ako sa kanya, kaya di ako nakapagpigil at sinuntok ko sya!"

"Tumigil kana kasi, alam mo kung ako sayo susuko na ako"

"Hindi, hindi Xander, ngayon pa kung kelan wala na sila!"

"Hay bahala ka,  umasa ka sa wala"


Chapter 58  Nxt...    

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon