Dedicated to Jeicel Gangan ^_^

Trey's POV

Kayakap ko ngayon si Clair. Ewan ko kung anong nangyari saken at bigla ko na lang itong hinila papunta saken. Bumilis tibok ng puso ko.

Nang mga 5 minutes na kaming nasa posisyon na yun bigla siyang nagsalita.

"Uhmm, Trey, ma-malelate na tayo" sabi niya

"5 minutes lang Clair. 5 minutes" ewan ko rin kung bakit ko sinabi yun. Pero nagulat ako sa susunod niyang ginawa.

Sumiksik pa sya lalo sa Dibdib ko. At di ko namalayan naka tulog na pala ako.

*Poke*

*Poke*

*Poke*

*Poke*

*Poke*

*Poke*

Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Clair na pinopoke yung pisngi ko. Yung parang nagtatanong siya kung ako ba talaga yun.

"Hi" bati ko sakanya tapos nanlaki yung mata niya. Ang cute lang

Hinila niya yung collar ng polo ko tapos siniksik niya sarili niya sa dibdib ko.

"Hahaha! Bakit mo sinisiksik mo sarili mo jan?" Natatawang tanong ko sakanya

"Eh chazi nyemen eh. Bhethet theyo nhetulhyog hendye thelyuy theyo nhekepethuk" Di ko masyadong naintindihan sinabi nya kaya hinawakan ko yung isang pisngi niya tapos nihimas ito

"Ano? Hindi ko naintindihan yun ah" sabi ko sakanya.

Tinulak niya ako pero yung hindi malakas.

"Sabi ko Bakit tayo natulog hindi tuloy tayo nakapasok." sabi niya tapos nag Blush. Ang cute niya. Hindi ko alam na meron pala etong ganitong Side. Akala ko brutal talaga siya eh.

"Cute" Sabi ko habang pinisil ang magkabilang pisngi niya.

"Away! Machakit! Bwitaw!" Binitawan ko naman yung pisngi niya sabay tumawa.

"Aray! Bakit ka nanghahampas!" sigaw ko sakanya, hinapas nya kasi ako eh

"Bakit kasi natulog ka!" sigaw niya saken.

At dun nagsimula nanaman kaming dalawa hagang sa....

"Trey, Clair, kain na kayo!" Sigaw ng tita niya saamin

Bumaba naman kaming dalawa.

Nang makababa na kami tumingin muna ako sa orasan. 12:16 na. Kaya pala gutom na ako.

"Iho marunong ka namang magluto diba?" tanong saken ng tita ni Clair

"Opo. Marunong po."

"Luto mo na lang yung mga nasa ref. Aalis kasi kami ng Tito ni Clair. Pupunta kami sa Parents namin." at pagkasabi niya nun sakto naman merong nagdoorbell. Malapit lang kami ng Tita ni Clair sa Main Door kaya makikita ko kung sino yung nasa labas

"Oh! Drey bakit nandito ka?" tanong ni Tita sa taong nasa pintuan. Si Drey.

"Kakausapin sana kita about kay Clair" pagkasabi ng pangalan niya nagtago agad ako sa Pinakamalapit na pwedeng taguan

"Alika maupo muna tayo dito."

"Tita, paano ko po sasabihin sakanya?" tanong ni Drey

"Sa tingin ko sa lalong madaling panahon na. Kamusta na kayo ni Euna?" tanong naman ng tita ni Clair

Are you, The One? (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!