[16] ♕ EXplanation.

1.9K 53 0

Hana's POV

"Ano ka ba?! Alam mo naman yung nangyari dba? Sinaktan ka niya! Tapos ngayon isang sorry lang wala na. Magpapakasal ka uli. " sigaw ko kay Alexa.

"Alam mo naman kung gaano ko kamahal yun. Mahal ko siya. Mga bata pa kami noon ganito na talaga ang nararamdaman ko. "

"Parang Ate na rin kita. Ikaw ang laging nandiyan para gabayan ako. At noong ipapakasal ako na ayaw ko talaga, ikaw yung nandyan. Concern lang naman ako. "

"Basta ito na to. Nandito, nakapagdesisyon na ako. At paninindigan ko ito. Salamat."

Ibinaba ko na yung telepono. Hays kainis talaga siya! Akala mo kung sino. Papatayin ko talaga yung mapapangasawa ng babaeng yun. That Russel Sandoval!

"Hana?! " bakit ba sigaw ng sigaw itong magaling kong asawa? Hays.

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw dyan? "

"Pakialam mo ba? May kausap lang naman ako! " sigaw ko pabalik. Nandito kasi ako sa kwarto at nasa baba siya. Nanonood ng tv.

Bumaba muna ako. Gusto kong pumunta kina Tita. Gusto kong makausap sila!!!!.

Nakita ko siya walang damit pang-itaas. Ehem. Asawa ko naman siya kaya walang malisya kong tititigan ko yung 6 pack abs niya! Grrrrr. Langya joke lang yun.

Tumabi ako sakanya. Kailangan mabait ako para pumayag.

"May kailangan ka? "

"Kailangan talaga? Di ba pwedeng nalulungkot lang ako. Ang boring dito. Tayong dalawa lang. " paliwanag ko. At naka-pout syempre para may affect.

"May gusto ka bang gawin na natin? Dito ba mismo gusto mong gawin natin yun? "

"Ang maniac mo! " sigaw ko sakanya at pinaghahampas ko siya. Ang bad niya! Langya siya mag-isip ng ganyan.

"Sabihin mo na kasi, alam ko naman na may gusto kang sabihin. Paligoy-ligoy ka pa. " sabi nito.

"Gusto ko lasing puntahan si Alexa at Russel. "

"Oh dba wala na yung dalawang yun? Kwento mo sakin dati. " tanong nito.

"Yun na nga nagpropose na ai Russel. Kaya ayun ikakasal na yung dalawa. Gusto ko silang kausapin. Puntahan na natin. Sige na, please? " pagmamaka-awa ko sakanya.

"Oh sige. Hintayin mo ko dito. Kukuha lang ako ng damit. " sabi nito at pumunta na sa taas. Pinatay ko muna yung tv. Nakita ko na siyang lumabas sa kwarto. Kinuha ko yung pabango kong at inis-spray ko yun sa damit ko.

"Wag ka ngang magpabango. " singhal nito.

"Bakit ba?" tanong ko sakanya.

"Para kasing makikipagkita ka sa boyfriend mo. " paliwanag niya.

"Ano bang masama sa pabango? Ayaw mo ba nun mabango yung kasama mo? "

"Syempre masaya ako na kasama ang asawa ko. Tara na?"

Medyo na speechless ako doon. Joke.

Nakapang-bahay siya ganoon din ako. Pero ang gwapo parin niya. Siguro nga ang swerte ko at napangasawa ko ang katulad niya. Sabi ko noon sa sarili ko na mag-aasawa ako sa tamang edad, sa tamang panahon at sa tamang lalaki. Pero ginulo ng tadhana lahat ng yun. At dumating sa buhay ko ang lalaking ito. Dahil sa pagmumuni-muni di ko namanlayan na kanina pa ako binuksan ni Hanniel. Ang gentleman naman ng asawa ko ngayon. Nginitian ko siya at lumabas na sa kotse. Kinabahan ako ng akbayan niya ako. Pero hinayaan ko na siya. Malayo palang natanaw ko na si Russel na magka-usap si Alexa.

"Hana Fernandez, right?" sabi niya at inilahad niya yung kamay niya saakin.

"She's married. And I'm her husband so don't call her Fernandez especially when I'm with her. Btw, I'm Hanniel Curtis. My wife, Hana Curtis. " speechless ako don. Pati yata si Alexa nagulat sa sinabi ni Hanniel. Tumango nalang si Russel kay Hanniel. Mukhang napapadalas ang pagiging speechless ko.

Umupo ako katabi ang asawa ko. Hahahaha. Kaharap namin sila. Di sila makapagsalita. Guilty.

"Ano ito? Bakit? Naalala mo ba noong umiiyak ka sa bar na halos bumaha na don? Muntik pa nga tayo mapahamak eh. " sabi ko sakanya. Di naako nakapagpigil. Naramdaman kong hinawakan ni Hanniel ang kamay ko. Napakalma naman ako.

"I'm so sorry Hana. We love each other. I love your bestfriend. " sabat naman ni Russel.

"Kung mahal mo siya dapat sa umpisa pala di mo na siya iniwan. Hindi biro ang pagpakasal.

"Eh bakit Hana? Noong nagpakasal kayong dalawa kilala niyo ba ang isa't-isa? Mahal niyo ba ang isa't-isa?
Mahal namin ang isa't-isa. " sabi nito. Ang sama niya. Di manlang niya inisip kong bakit nito iniwan.

"Ikaw." turo ko kay Russel.

"Ako? "

"Hindi ako. Walang hiya tinuro na nga kita magtatanong ka pa kung ikaw. " sabi ko at tinarayan ko siya. Alam ko di mabuti amg sinabi ko. Pero gusto ko talaga sabihin yon para marealize niya na di ko siya tanggap.

"Hana, wag ka ngang ganyan sakanya. "

"So... Kinakampihan mo siya? Alexa naman! Wala ka bang matandaan? Yung iniyak mo? Yung galos ibuwis ko yung buhay ko dahil sa pagkampi sayo noong nasa bar tayo. Wala na yun? Ano ba! " sigaw ko. Wala akong pakialam kong marinig yon ni Tita. Wala akong pakialam.

"Alexa I'm sorry. Uuwi na kami. "

Hinila ako ni Hanniel. Di na ako umangal baka magalit siya. Pero alam ko galit siya. Aish. Ang gulo ko. Nakarating kami sa may kotse niya. Ipinasok niya ako at pumasok na rin siya.

"Okay ka lang? " tanong niya.

"Huh? " di ako makapaniwala na tinatanong niya ako ng ganyan.

"Tch. Uuwi na tayo may paaok bukas. "

"May practice kayo bukas? "

"Oo. Dapat maaga kaming pumasok at late kaming uuwi. Problema ko nga kung paano ka uuwi. "

"Magta-taxi nalang ako, ano ka ba! "

"Di pwede. May kotse ka kaya yun gamitin mo. Sayang pamasahe. "

Okay. Kalma. Inahale Exhale. Akala ko naman concern siya. Hays. Wala talaga akong aasahan sa mokong to.

"One week. Sa Monday yung laban namin. Dapat andon ka."

"Ano naman gagawin ko doon? Ayoko ng basketball."

Anong akala niya sakanya na iche-cheer ko siya. Ayoko nga.

"Walang kasama si Angel. Kaya dapat samahan mo siya."

What?! Mas concern siya kay Angel kaysa saakin.

"Lumabas kana diyan. Nandito na tayo."

Ang bad talaga niya kahit kailan. Uminon siya ng tubig ako naman pumunta na agad ako sa kwarto. Maghihilamos muna ako.

Paglabas ko sa CR nakita ko siyang kaharap niya yung laptop niya. Nahiga ako at ipinikit ko yung dalawang magaganda kong mata. Napanggap aking tulog. Alam niyo na Best Actress ako. Hahaha.

"Ang sama mo, di mo gustong puntahan yung game ko..."

~~~~~~~

Casanova's  WifeRead this story for FREE!