sya^ si Hazel! na MAS Lokaret pa! kay Ate Hazel! Lol. Thank you! Ah?! sa pagread! ng PB! at sa nakakalokang! msgs! ILABYOU! TOO! ULIT! XDD 

- - - - - 

x33: Tending Mommy Chelle~ 




[RACHELLYN's PoV] 


"Rachellyn.." 


"Ui Rachellyn.." 


Pilit akong dumilat sa mga naririnig kong pagtawag sakin. 


Unti-unti, naaninag ko ang isang babae at isang lalaki na nasa gilid ko. Kilala ko sila. Mga kaklase ko sila, si Rhea tsaka..Karlo yata name nung lalaki. 


Napansin ko ring nakahiga na ko sa isang kama na nasa loob nitong puting kwarto. Clinic siguro toh. 


"Sa wakas.. Dumilat ka din!" napaluhod si Rhea. 


"Ano Rachellyn? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Karlo. 


Pinakiramdaman ko ang katawan ko. 


Bukod sa bigat ng ulo ko, may nararamdaman akong sakit sa isang braso ko. Dahil siguro toh sa pagkakabagsak ko kanina nang mawalan ako ng malay? 


Ay.. Hinimatay nga pala ko sa harapan ng buong klase kanina.. O///o 


Nakakahiya.. >///< 


"Rachellyn??" sabay na tawag nila sakin. 


"Rhea kasi! Hanapin mo na yung nurse!" - Karlo 


"Ehh saan ko ba yun unang hahanapin?!" >3< - Rhea 


"Ah ano.. Wag na kayo mag-abala.." pag-awat ko sakanila habang dahan-dahan akong bumabangon. "Wa--" 


Di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi may biglang nagbukas padabog nung pinto. 


Si Adrian yun na naka-kunot noo at medyo hinihingal. 


"Oh.." bumulong si Karlo kay Rhea. "Diba sya yung playboy na taga-Arki department?" 


"Shh!" pasimple syang tinapik ni Rhea sa braso. "Si Adrian yan! Boyfriend ni Rachellyn!" 


B-B-BOYFRIEND?! O___o 


"Tara iwan na natin sila.." tinulak nya si Karlo with a grin! 


"Teka Rhea.." pagpigil ko sakanila. Gusto kong linawin yung sinabi nya na boyfriend ko si Adrian eh. "Hin--" 


"Okay lang Rachellyn!" pagputol ni Rhea sa sasabihin ko. "Mas maaalagaan ka ng boyfriend mo kaysa namin! Hihi. Bye!" 


Wala na. Mabilis at tuluyan na silang umalis. T3T 


Si Adrian, umupo sa isang silya sa tabi ng hinihigaan ko. Naka-kunot noo pa rin sya. Ehh ano bang ikinaka-badtrip nito? At bakit sya nandito? 


"Bakit ka nandito Adrian?" mahina kong tanong sakanya. Medyo natatakot kasi ako sa pagkaseryoso nya. 


"Kasi nabalitaan ko ang nangyari sayo.. Ano na bang nararamdaman mo ngayon?" In fairness ah. Kahit seryoso sya, nasa tono pa rin nya ang pag-aalala.. 


"M-Masakit na lang ang ulo ko.. Alam mo yung feeling na gusto mo lang matulog? Parang ganun.." 


"Tsk.." napatakip sya ng mukha sabay buntung-hininga. "Nag..Nagpacheck-up ka na ba?" 


"Check-up? Ang OA naman nun? Parang tina-trangkaso lang ako eh mag--" 


"TRANGKASO??" tinanggal ni Adrian ang mga kamay nyang nasa mukha nya at tinignan ako nang nakataas ang isang kilay. 


"Oo? Trangkaso?" 


"Oo nga.. Trangkaso.." para naman syang may inisip na malalim saglit tapos binalik nya ang tingin nya sakin. "Ibig sabihin, nahimatay ka kasi may sakit ka??" 


"Ganun na nga.. Kahapon pa kasi ko may sakit tapos di ko man lang nagawang magpahinga. Nagpuyat pa kamo ako.." 


"Ahh.. May sakit ka lang talaga ah? At hindi ka nahimatay dahil buntis ka.." 


O___o B-BUNTIS?? AKO?! 


"H-HINDI AKO BUNTIS NOH! Ano yun? Porket hinimatay, buntis na ko agad?" >///< 


"Di lang yun Chelle. Last week kaya ang takaw mo sa mangga.." malungkot nyang sabi. Teka, bakit malungkot toh? "Diba, strong sign ng pregnancy ang paglilihi?" 


Gusto ko sya tawanan sa pinagsasabi nya. Pero napangiti lang ako sabay balik ng higa dito sa kama. Bumibigat na naman kasi ang ulo ko. 


"Oo, pero hindi ako naglilihi non.." sagot ko sakanya. "Nagkataon lang na naging kaibigan ko yung tindera nung mangga kaya madalas ako kung kumain nun tsaka ang sarap lang talaga ng bagoong nya." 


Nakatitig lang sya sakin nang seryoso! Parang ayaw nya maniwala sa sinabi ko! Psh. 


"Basta Adrian, hindi ako buntis.." sabi ko then I closed my eyes to take a rest. 


"Sure ka ah..??" mahina nyang tanong. 


Tumango ako. "Oo naman.. Minsan ko nang naranasan yun kaya mabilis kong malalaman if ever na mabuntis ako ulit.. Pero imposible naman yun.. Wala namang nangyayari samin ni CJ noh.. CJ knows how to control himself, unlike you.." 


Oops.. 


For a moment there, I felt like I said something a little offensive. 


Di ko sya dapat pinagkumpara kay CJ eh and also, yung nangyari samin non, it wasn't like he was the only one who wanted it to happen. Parehas kaming ginusto yun.. 


Dahan-dahan kong dinilat muli ang mga mata ko, only to find him staring at me with a big smile. 


Naka-ngiti pa sya kahit sinabihan ko sya ng something na nakaka-offend? 


"A-Adrian.. Uhm, balik ka na sa klase mo.." nahihiya kong sabi sakanya. 


Umiling sya nang nakangiti pa rin. "Di na. Uwi na lang tayo para makapagpahinga ka nang mas maayos sa bahay mo.." 


Tumayo sya mula sa kinauupuan nya at inalalayan akong bumangon. 


"Pero Adrian? Pano na yung klase mo.." T3T 


"Tss. Wag mo na isipin yun." kinuha nya yung shoulder bag kong nasa kabilang kama. "Mas mahalaga ka kaysa dun." 


*budum*budum* 


"Halika na.." inalalayan nya ulit ako para tumayo. 


Di na ko tumanggi. Wala akong energy para makipagtalo pa sakanya tsaka..gusto ko na nga ring umuwi. 


Mula clinic, nasa tabi ko lang sya habang naglalakad kami. Di sya nahihiya o nako-conscious man lang na magbitbit ng dalawang bag oh? Yung shoulder bag ko nga eh talagang suot-suot nya pa sa balikat nya. 


Akala ko rin magkocommute lang kami pero dala nya pala ang kotse nya. Yun ang sinakyan namin and on the way, umidlip lang ako. Though aware naman ako pag humihinto kami o kung nasaan na kami. Alam ko nga na tumigil kami sa isang botika at binalhan ako ng gamot ni Adrian. 


Hay.. Bigla ko namang naisip si CJ.. Sana pag-uwi ko, nandun sya.. Pero for sure, wala sya. Busy na talaga sya masyado para makadalaw sakin ng ganitong oras.. 


Nang makarating na kami ng bahay, naka-full assist pa rin sakin si Adrian. Halatang-halata siguro na napakasama ng pakiramdam ko? Sobrang bigat nga talaga ng ulo ko eh and feeling ko lumulutang ako at umiikot ang paligid ko..

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!