CHAPTER 57:Let's talk about the past

14.2K 216 22
                                    

NICK POV.

Mataman lang akong nakatingin sa anak ni xander na nag lalaro sa loob ng office ko.Ayos lang naman sakin na nandito ang batang toh.Mas pabor yun sakin para mabawasan naman ang kalungkutan na nararamdaman ko.

"Tito Nick..Look what I've done.."Napatingin naman ako sa tinutukoy ni Dark.Agad akong natawa sa nakita ko.Para itong sinagasaang kabayo na kinorte gamit ang clay.

"Ang galing ko di bah tito Nick?"Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.Ayokong masaktan siya.Tsaka bata pa naman siya,kaya niya pang i-improve yan.

Napatitig naman ako sa anak ni xander.Kusa akong napangiti.Araw araw kong hinihiling na sana may anghel rin ako gaya ni dark.Alam ng diyos ang kagustuhan kong mag kaanak pero gusto kong mangyari yun na kasama si nikki.Malungkot akong napangiti.Ang babaeng mahal ko na hindi ako kayang alalahanin.Talaga bang nakalimutan na niya ako?O nag papanggap lang siya para hindi ko na siya guluhin.

TOK TOK TOK..

Agad naman na nangunot ang noo ko.Wala naman akong inaasahang bisita ngayon.Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang secretary ko.

"Uhm..S-sir?Sorry po kung inistorbo ko po kayo.May nagpupumilit po kase.Gusto raw po kayong makausap."Tumango na lang ako at sumenyas na papasukin kung sino man yun.Siguraduhin lang ng taong yun na imporante ang sasabihin niya.

Agad kong natanaw ang isang balinkinitang babae.Maamo ang mukha at masasabi kong sa loob ng anim na taon.Walang pinagbago ang itsura niya.Nagmukha lang siyang mature.Para naman akong naging tuod sa kinauupuan ko.Nandito ba talaga siya?Seryoso lang din siya nakatingin sakin at animoy nanininbang.

"N-nikki?"Mahinang usal ko.Huminga muna siya ng malalim at pumikit ng mariin.

"Gusto sana kitang makausap.Nang tayong dalawa lang"Seryosong sabi niya.Agad akong napatayo buti na lang at hawak ko si Dark.

"Dark?Dun ka muna kila tita mo.May pag uusapan lang kami"Sabi ko sa kanya.Tumango lang siya at dali daling lumabas ng office.

"Upo ka muna"Alok ko sa kanya.Agad naman siyang tumango at umupo sa sofa na nakaharap sa kin.Napakakurap kurap ako ng hindi ako nakarinig ng anu mang reklamo mula sa kanya.

"A-anong gusto mo?Kape,water,Juice,etc?"Tanong ko sa kanya.Nagkibit balikat lang siya bago huminga ng malalim at nagsalita.

"Water only plss..Anyway kamusta ka na?"Tanong niya.Mas lalo akong nagtaka.Anong dahilan at naparito siya?Tumikhim naman siya kaya natigilan ako.

"Hays.Hindi ko na toh patatagalin.May gusto lang akong itanong.May gusto akong malaman at alam kong ikaw lang ang makakasagot nun"Seryoso niyang sabi.Para naman akong napalunok habang nakatitig sa maganda niyang mukha.Kahit minsan ay hindi ko nakitang seryoso ang mukha niya.Madalas ang mukhang masayahin at madaling maloko dahil sa sobrang kabaitan.

"A-ano naman yun?"Gusto ko ring malaman kung anong pinunta niya rito.Samantalang kahapon,halos ipagtulakan na niya ako.Mahal ko siya pero ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya lalo pa at ako naman ang nakagawa ng kasalanan sa kanya.Wala akong karapatang magreklamo dahil simula pa lang ako ang mali.Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga at halos manigas ako sa kinauupuan ko ng makitang may lungkot sa mata niya.

"Simula ng bumalik kami galing new york.Tahimik pa ang buhay ko.Walang nick na nang gugulo.But nang  makita kita ,hinalikan mo ako na mas nagbigay sa akin ng samut saring tanong na hindi ko alam ang sagot"Para akong natigilan at nakikinig lang sa mga susunod niyang sasabihin.

"Hindi ko maexplain yung naramdaman ko ng mga panahong iyon.Ang bilis ng tibok ng puso ko.At kahit anong pakiusap ko sa sarili ko at kahit anong pilit ko hindi ko magawang maalala kung sino ka nga ba"She stop then look at me.
Ngumiti siya bigla na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko.

SEDUCING MY BOSS [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon