Two: Pagbabalik Tanaw

Start from the beginning
                                    

Habang nakatayo si Anton at nagpaalit ng damit ay ng may nagsalita.

"Pre, ang tindi ng laban. Grabe hindi ako pader para balyahin mo ng ganun"

"Ganun talaga, kung di ko ginawa yun siguro talo kami."
Sabay ngiti ng pagkatamis tamis ni Anton sa kaharap na lalaki.

"Pasensya nga pala sa inasal ko last time. May pinag dadaanan lang. Pati ganoon lang talaga ako, iwas kumbaga sa tao. By the way, I'm Alfred. Alfred Tan to be exact. 4th year premed student" sabay abot ng kaniyang kamay.

"Anton, Anton Rivera.. Third year Nursing Student" ganoon din ang ginawa niya inabot niya ang kaniyang kamay at nag shake hands ang dalawa.

Habang nag uusal ang dalawa ay dumating ang kasintahan ni Anton si Anne.

(nagtataka kayo bakit iba name ng gf nya. Nagbalik tanaw po tayo so meaning College uli sila)

"Mr. Rivera, ihahatid mu pa ba ako sa bahay? Hehhehe ang galing mo talaga. Ang galing galing talaga ng boyfriend ko, the best ka talaga"

"Mahal wait lang may kausap lang ako. By the way, Anne si alfred isa sa kalaban namin."

"Nice meeting you Alfred, I'm Anne girlfriend nitong lalaking ito"

Napakamot na lang s ulo si Anton s sinbi ni Anne, at napangiti na lang si Alfred sa narinig at inasal ng kaharap na lalaki.

"Nice meeting you, Anne oh pano i have to go na. May class pa kasi ako"- sabi ni Alfred

"What!!! Sportfest di ba. May class pa din kayo? Grabe naman baka naman dugo na lumabas diyan sa utak mo"- Anne

(totoong nagyayari to, lahat walang klase pero medical field students may pasok pa din)

"Yap, Meron. Ganoon naman talaga. Sayang ang binabayad namin. And besides i love what im doing, buhay kasi ang nakasalalay kaya wag i take for granted" tumalikod ito at nanakbong umalis.

"Mr. Rivera, hindi mo sa akin na mention na kilala mo ang hearttrob ng Medical Course si Mr. Alfred Tan. Alam mo bang patay na patay lahat ng classmates kong babae at mga gays sa lalaking iyon"

"Ms. Moreno, na mention ko siya sa iyo. Siya yung sinasabi ko last time about the guy na di ko sinasadyang matamaan ng bola"

"Well, siya pala yun! Ang lalaking nagsuplado sayo at hindi pumansin sa paghingi ng dispensa mo. Tsk tsk tsk, No wonder why, gwapo pa naman. Ikaw ha wag kang gagaya sa kaniya, be a good and responsible guy, mahal ha!"

"Opo, tama na. Lumalabas na naman pagkawar freak mo babe este pag ka brainy mu, Halika na nga. Hahatid na kita"

Sabay nag pout ang babae sa sinabi ni Anton.

"Tigilan mo yang pag pout mo hahalikan kita dito sa maraming tao".

"Yan ang wag na wag mong gagawin dapat di tayo PDA, mahal"

"Oo alam ko! I love you Ms. Moreno"

"I love you too, Mr. Rivera"

Totoo naman na war freak si Anne. Nagbago lang siya ng maging magkasintahan sila ng lalaki. Dahil na rin sa kilala ang binata sa buong Campus kaya naman minabuti nyang limitahan ang pagiging war freak.

Habang nasa kotse ang dalawa ay diretso pa rin. Sila pag uusap hanggang makarating sa bahay.

"Mr. Rivera, you know what gwapo si Alfred di nga kayo nagkakalayo nun ehhh pero mas gwapo ka sa kaniya" sabay kindat. Sa kaniya kasi prominent ang pagka mestizo niya than sayo mahal"

"Ikaw talaga nag compare ka na naman, chinito ang boyfriend mo mahal, samantalang yung si Alfred mukhang may lahing mestizo kaya malayo talaga ang itsura ng kagwapuhan namin."

Nang makarating sa bahay ni Anne ay agad na kinausap si Anton ng parents ni Anne.

Nagtataka man ay hinayaan lang ni Anton ang nais ng magulang nito.

Sa tagal ng kanilang pag uusap ay unti unting tumutulo ang luha ng binata ng malaman niya ang tunay na pakay ng pagpunta niya dito.

Nalaman niya na 1 month from now ay mag ma-migrate na ang buong pamilya ni Anne at kasama ito patungo sa New Zealand. Asimple niyang pinunasan ang luhang natulo sa kaniyang mata. Tumingin ng bahagya sa pwesto kung nasaan ang babaeng kaniyang minamahal.

Nang matapos ang pag uusap at mag decide siyang umuwi ay hinatid siya ng babae hanggang sa labas ng kanilang bakuran.

Saglit na nag usap ang dalawa.

"Matagal mo na bang alam ito, Anne?" mahinahon pero punong puno ng emosyon na sabi ni Anton.

Tumango lang si Anne na siyang pagkumpirma sa tanong ng binata.

"Bakit di mo agad sa akin sinabi?" naghintay ng sagot si Anton mula sa babae pero di ito sumagot.

Kaya naman minabuti na lang niyang umalis para mailabas ang sama ng loob sa nangyari. Kahit ganoon ang nangyari di nagbago ng pakikitungo ni Anton sa Kasintahan ganoon din naman si Anne kay Anton.

Natapos ng mabilis ang halos isang buwan. Tatlong araw na lang ay aalis na ang babae. Hindi na mapakali si Anton sa mga araw na dumadaan.

Kaya naman ng dumating ang araw ng paglisan ng kasintahan ay hindi na ito pumasok para lang maihatid at makita ang babae kahit sa huling pagkakataon.

Habang nakatayo sa loob ng Airport ang lahat ay lumapit si Anne kay Anton.

Bumulong ito na siyang kinagulat ni Anton sa narinig.

"Mr. Rivera, Mahal... Ahhh ano, ahmmmmm... Malaya ka na. Im letting you go. Wag mo na ako hintayin alam ko nasa isip mo. Opo, nakikipag break na ako"

Walang kahit na anong salitang lumabas sa bibig ni Anton. Kahit ang dami niyang gustong sabihin. Kahit ang luha ay hindi tumulo. Dahil ang totoo ay binuhos na niya kagabi pa ang lahat ng kaniyang kalungkutan.

Kaya naman ng magpaalam na ang babae ay tumalikod na lang si Anton at itinaas ang kanang kamay at may thumbs up na nakagawian niya sa tuwing nakaka 3-points siya sa Basket Ball Game.

Sign na nagyayabang siya kay Anne. Pero iba ang reason ngayon. Para lang makitang ayos lang siya. Kaya naman hindi niya nakita ang paghagulgol ng dalaga ng siya ay tumalikod.

Dahil sa kalungkutan ay medyo naapektuhan ang kaniyang pag aaral. Pero kahit ganoon ay hindi naman nawala ang kaniyang pangalan sa mga scholar, talagang iningatan niya ang kaniyang grades dahil ayaw niyang mawala sa mga student running with honors.

Kaya ng muling mag simula ang semeater ay doon na niya madalas nakakausap ang binatang si Alfred.

Simula ng maghiwalay si Anton at ang kasintahan ay kinausap na niya ang kaniyang Coach, Dean at parents niya na mag quit na siya sa paglalaro o pagiging Varsity at ifofocus ang sarili s pag aaral.

Dahil isang taon na lang ay ga-graduate na siya. Kaya naman gusto niyang pagbutihin ang pag aaral at ma maintain ang kaniyang grades.

Sa kaniyang desisyon nagbago ang kaniyang buhay.

Pero may mga bagay talaga na di mo alam na maaaring mangyari. Tinadhana ba o talagang nagkataon lang...

-
-
Itutuloy....
JuanDer25

Comments and suggestions are welcome...

Thank you in advance...

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now