Chapter 9: "You're Bleeding"

6 0 0

MH Chapter 9: "You're Bleeding"

Alizah's POV

*11:27 ng gabi*

Gising na ang diwa ko pero nakapikit pa din ang mga mata ko alam kong hindi pa umaga. Ang lambot ng kama, kinapa ko kung saan ang paborito kong unan. Hindi parin nakabukas ang mga mata ko. Hanggang sa mahawakan ko na ito at yinakap ng mahigpit at natulog ako ulit.

.
.
.
.
.
.
.

*5:04 A.M.*

Nagising ang diwa ko dahil sa ingay. Nakapikit parin din ako. " Huwag kang maingay Carl!" Boses yun ni babaita.

"Eto na nga oh, hinahanap ko lang ang perfect angle" boses din yun ni Carl

" Perfect angle mo mukha mo, kapag nagising sila it's the end of our lifeline" boses naman ni Vaughn ang naririnig ko.

*Click* flash*

Uggghh, ano ba yun? Langhiya. Binuka ko ang mata ko, at dun nakita ko sa harap sina Vaugh, Carl at babaita. Habang si Carl naman dala dala niya ang phone ko. Si babaita naman, pinalo si Carl sa likod. " Ayan ingay mo kasi!" Tugon ni babaita kay Carl.

" Anong kababalaghan ang ginagawa niyo habang natutulog ako?" Shooting them daggers, cold tone.

"Let me rephrase it, ' anong kababalaghan ang ginagawa niyo habang natutulog KAMI NI IAN?' yan dapat ang tinanong mo friend, natutulog din kaya si Ian" tugon ni babaita dahilan sa napalingun ako sa katabi ko. At dun naabutan kung mahibing natutulog si Ian habang nakaspread ang isa niyang arm, hinagaan ko siguro ito.

Naka sando siya, tapos naka shorts na pambahay, ang messy ng buhok niya. Langhiya, pogi talaga ng bestfriend ko. "Anyway, as i was saying walang ng malisya ito kaya, anong ginagawa niyo dito habang natutulog kami?" Walang sumagot sakanila, nag kibit balikat lang.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at lumuwa dito si Claire." They're like ignorant people, while taking pictures of you two"  kalmang sabi ni Claire.

"Aray! Sakit naman nun Ms. Claire!" Sabi ni Carl habang hinahawakan ang puso niya.

"Anyway, can you please, lumabas na kayo dito?" Sunod sunod naman silang tatlo na lumabas. Habang si Claire naman, nagpahuli.

"May kailangan ka ba Alizah?" Tanong niya sakin. Kapag kami lang dalawa ni Claire ang nag uusap first name base ang tawag niya sakin, habang kapag madaming tao Ms. Alizah.

" Padalhan mo nalang kami ni Ian ng breakfast in bed, yun lang" tugon ko. Umalis na sya. Parang giniginaw ako, phew. Ganito ba talaga kalakas aircon dito? Humiga ako ulit at nagtaklob ng kumot.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang may yumakap sakin mula sa likod.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Haharapin ko sana siya ng pinigilan niya ako.
" Huwag ka ngang malikot dyan hon, alam mo bang pinapagaling kita sa pamamagitan ng pag taransfer sayo ng body heat. Nilalagnat ka, kagabi pa yan." Sabi niya, kaya pala ang lamig dito sa kwarto.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!