You're The One That I DO NOT Want

76.5K 1K 112

You're The One That I DO NOT Want

Hindi nga nya maexplain ang nararamdaman nya nung sinabi sa kanya ni Denn ang mga salitang 'yon eh.

"Sana nga nagbibiro ako. Pero eto? T@ngina ilang beses nagbiro, pero ngayon lang nagseryoso."

"Elizabeth, I'm falling in love with you."

I'm falling in love with you.

Gusto na nyang himatayin sa sobrang excitement at kilig. Eto na yun eh! Napansin na rin sya ng Roxanne nya! Hindi na sya ang hamak na si Cyrano de Bergerac na taga-sulat lang ng love letters. Kasi sya na talaga ang bida, hindi na sya tulay.

I'm falling in love with you.

Those six words hold so much promise.

I'm falling in love with you.

Para sa katulad nyang ngayon lang nakaramdam ng ganito.. ano nga ba ang dapat nyang gawin? She's a novice when it comes to love and romantic stuff. Hindi naman kasi 'to fiction na ang author na ang bahala sa mga gagawin ng character. Wala naman kasi syang author, so san sya kukuha ng tips? Wala rin syang notes na irereread. Walang-wala.

Pero yung tingin sa kanya ni Denn? Parang pinawi ang lahat ng kaba sa kanya. Tumapang sya. Naniwala sya. Buong-buo. Labis-labis, walang kulang.

Matagal na syang may gusto kay Denn. Summer pa, kahit ginago lang sya nito noon. Bakit ba ganon na lang ang pagmamahal? Kahit inuuto ka na minsan, okay lang? Pinapalagpas lang? Di rin nya alam. Ang alam lang nya ay yun ang gusto nya, yun ang tama.

She.. said yes. Without any preamble or hesitation, she gave her heart to him. All of it.

Kaso may mali sya.

Binigay nya ang sarili nya nang buong-buo. Wala na syang tinira para sa sarili nya.

Ni hindi nya tinanong sa lalaki kung kelan ba sya nainlove o kung anumang kakornihan. Basta ang alam nya, mahal sya ni Denn. Pinagkakatiwalaan nya ito.

Eto ang problema ng mga babae. Nasabihan lang ng "I love you", wala nang pinapakinggang iba. Yun lang. Namatay na ang five senses natin sa sakit na maaaring idulot ng tatlong salitang yon. Puro masasaya at nakakakilig na lang ang iniintindi natin. Kasi akala natin okay na. Kasi akala natin pag alam nilang pinagkakatiwalaan natin sila, hindi nila tayo sasaktan.

Yun ang mali nya. Akala nya hindi sya sasaktan ni Denn.

Lahat ng masaya, may sakit. Hindi naman talaga nawawala ang sakit eh. Iniisip nya na hindi sya kayang saktan ni Denn kasi mahal sya nito.

Wag tanga, sabi sa kanya ng kanyang subconscious. Kung gano ka kasaya at kainlove, ganun din ang sakit na mararamdaman mo.

She chose to ignore those warning signs. Binulag din sya ng mga tao sa paligid nya. Mga taong tuwang-tuwa sa kanilang dalawa ni Denn. Na sana magtagal sila. Na sana hanggang sila pa rin sa dulo. Syempre, babae sya, tuwang-tuwa sya sa atensyon. Kilig na kilig sya sa lahat ng nangyayari. Natupad na rin ang kanyang papeback-issue-fiction story, na masaya at deliriously inlove sila sa isa't isa.

Feeling nya sya si Princess Diana, at si Denn si Prince Charles. She loves the attention.

Natandaan nya na namatay si Princess Diana. Car crash. Imposible namang mangyari sa kanilang dalawa yon.

I'm falling in love with you.

Hanggang kelan effective yan? Kung mag-expire man, pwede bang magfile ng extension o mag-install ulit?

-

Ni hindi naman alam ni Princess Diana na mamamatay sya sa loob ng tunnel na yun.

Magulo at matopak ang mundo ng mga lalaki. Malalim. Paimportante. Magkaiba talaga ang babae at lalaki.

Kung si Leiza ay tuwang-tuwa sa atensyon, si Denn naman ay hindi.

Kaya nga si Leiza ang pinili nya, para hindi na masyadong mapansin. Pero ngayon.. kahit saan na lang sila pumunta.. kahit anong gawin nila.. issue.

Gusto nya ng tahimik. Akala nya makikita nya kay Leiza ang tahimik. Pero hindi. Kabaligtaran. Ayaw nya ulit ng magulong buhay.

Isang araw, hindi sya nagpakita kay Leiza.

Nag-alala si Leiza, baka may sakit ito. Wala naman ito sa bahay.

Hinintay nya ito sa may playground, kung san nagsimula ang lahat. Dumating ito.

"San ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap ah!" she tried her best to stay calm.

"I've been thinking."

Kinabahan si Leiza. Iba ang kutob nya rito. "About what?"

"Us."

"Anong tungkol satin?"

"I'm leaving you."

Ang I'm falling in love with you na nagsimula ng lahat.. ay ngayo'y napalitan ng I'm leaving you.

"What?" her voice quivered. Hindi sya makapaniwala.

"I'm sorry."

And he left her.

Ganun na lang.

Kung papapiliin sya kung alin ang mas masakit, ang mamatay sa car crash o ang masabihan ng "I'm leaving you. I'm sorry"...

mas masakit ang huli.

Wala na. Hanggang dun na lang.

- THE END -

*****

Comments:

WHAT THE FCK!??! Tapos na 'to? Eto na ending nito!?!?! Miss Author bakit ganito?

This has got to be the worst ending I've ever read. Climax pa nga lang yung last update tapos wala na? The end na agad? ANONG KALOKOHAN TO!?!?!

Miss Author.. bakit po ganito ang ending nyo? Nag-expect pa naman po ako masyado sa story. Sorry po pero nakakadisappoint talaga. May Book 2 ba to o ganyan lang talaga?

BOOK 2! BOOK 2!!! Seriously miss, kung eto ang ending mo.. you really ruined your plot. Ang ganda pa naman! Walang justice ang ending!!!

PANGET!!! WALANG CLOSURE!!! BOO NOTANOTHERFAIRYTALE!!! BOOOOOOOOOOOO!!!!!

If I FallRead this story for FREE!