III

730 25 0
                                    

Everyone was screaming. Agad kong hinanap si Wilson. We have to get out of here really quick! Hinatak ko si Wilson papalabas nang matagpuan ko siya. Wala na akong pakialam sa iba basta, kailangan agad kaming makaalis doon.

Nadatnan namin sa labas ang mga katawang nakaratay sa lupa, mga walang buhay. Wilson and I hid behind the tree. Nanginginig na ang mga tahod ko ngunit mas lalo na si Wilson. He was shaking really bad.

Inalog ko siya, nagbabakasakaling mahimasmasan. He was petrified as I was. But Wilson was crying. I, too. Parehas kaming walang magawa sa sitwasyon. That moment, for the very first time, I prayed for mercy. Not for me, but for Wilson. Sa aming dalawa ay siya ang mas mabuting tao. Kung sakali man, I prayed for the Almighty to spare his life. Kahit siya na lang.

Hanggang sa dumating ang mga lalaking hindi namin kakilala. May mga lalaki ring nanggaling sa dorm na pinaggalingan namin ni Wilson kanina. Ang sabi nito ay patay na ang lahat sa loob. Both Wilson and I stood there in horror.

Hanggang simulan nang sunugin ng mga lalaki ang katawan sa paligid. Traumatizing was an understatement for what we were feeling that moment. Lahat iyon ay nasaksihan namin. Mistulang demonyo ang mga taong iyon at walang pagdadalawang isip na gawin ang kasamaang iyon.

Napabalikwas ako ng bangon. It was that nightmare again. Pawis na pawis ako. I quickly stoop up and gathered all my clothed from the floor. Hindi na akong nagabala pang gisingin ang babaeng kinasama ko kinagabihan. Ni hindi ko nagawang tanungin ang pangalan niya. I just left her there like that. Mas mabuti narin ang ganoon.

Hindi na nagbago ang panaginip ko mula noon. As if it was like repeating in my head, over and over. It has more than a decade and half now but it didn't change. Paulit-ulit na iyon ang scenario sa utak ko.

Nagmamadaling nagtungo ako sa aking sasakyan at hindi nagtagal ay nakarating narin sa aking apartment. Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan at agad na nagtungo sa lababo. Doon ko lahat inilabas ang lahat.

I felt drained afterwards. Napaupo ako sa panghihina. Tila wala akong lakas. Ganoon parin ang epekto ng panaginip na iyon sa akin. Kay tagal na ngunit sariwang-sariwa parin sa ala-ala ko.

IMBES NA magmukmok at subukin muling matulog nang walang aberya, minabuti ko nang mag-ehersisyo na lamang. Hindi ko hahayaang ang istupidong panaginip lamang na iyon ang magpatakbo ng araw ko.

Flademian Monarchy 4: For the Girl Who has Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon