KYLE'S POV:

"Kahit gano ka pa mag sinungaling, tandaan mo hinding hindi na yan tatalab sakin! As in never na akong maniniwala sayo" seryosong sabi ni Yanna sakin habang naka upo sya dun sa may sofa sa tapat ko
"Sino kaya ang nag sisinungaling?" sarcastic na tanong ko naman sa kanya tapos nag smirk lang sya
"Syempre ikaw! Alangan naman na ako?" asar na sagot nya sakin kaya nag smirk lang rin ako
"Darling let me clear some things to you dahil siguro hindi mo pa ata ako ganung kakilala" sabi ko sa kanya kaya inirapan nya lang ako
"I never lied to anyone since the day I was born" sarcastic na sabi ko ulit sa kanya na syang kadahilanan kung bakit sya natawa
"Like what I've said my dear wife, liars go to hell and I don't want to go there" naka ngiting sabi ko ulit sa kanya kaya inirapan nya lang ako
"Ano na namang kagaguhan yang pinagsasabi mo?" asar na tanong nya sakin kaya nagkibit balikat lang ako na kunwari wala akong ginagawang masama sa kanya

Sarap talaga asarin nitong babaeng to paminsan minsan!

Ang boring ngayon dito since wala kaming gala kaya naman tambay lang ako ngayon dito sa suite! Since wala akong magawa umpisahan ko nalang ulit syang asarin para naman may magawa ako kahit papaano.

"I'm being honest right now!" sabi ko sa kanya pero di sya nag salita
"That's the truth my dear" sabi ko ulit tapos bigla nalang syang ngumiti
"So your saying that you never lied to anyone else?" tanong nya sakin kaya tumango lang ako bilang sagot
"Sa tingin mo maniniwala ako sa mga kagaguhan mo? Tsaka sa tingin mo may maniniwala sa mga sinasabi mo? Pustahan tayo kahit sino sabihan mo nyan wala ni isa maniniwala sayo" sarcastic na sabi nya sakin kaya tumawa lang ako

May point nga naman sya!

"Palagi ka kayang naglilihim sa lola mo" sabi nya ulit sakin
"Keeping secret is different from telling lies! Ano ba yan? Akala ko ba matalino ka?" pang asar na sabi ko sa kanya kaya nag smirk lang sya
"Mister, halos wala silang pinagka-iba! Wag kang mag magaling dyan dahil mas mataas IQ ko kaya sayo" asar na sagot nya kaya di ko napigilan matawa ng dahil sa sinabi nya
"Hindi sila pareho! I never lied to grandma because that makes me look so disrespectful! I never lied to her dahil ni minsan hindi ko pa sinubukang magkwento sa kanya ng tungkol sa buhay ko"  seryosong sagot ko sa kanya
"Big word! Sayo pa talaga galing yung word na disrespectful!" asar na sabi nya kaya tumawa lang ako

Pero totoo naman talaga na hindi pa ako nag sisinungaling dahil unang una sa lahat hindi naman kasi ako nakikipag usap sa ibang tao tsaka never akong nag open up sa iba para masabihang sinungaling.

What I did to Ashley is not a type of severe lying because what I did to her is just a white lie, I hide things for her own sake and that is not bad for her. I never lied to her because my actions in front of her shows everything. And wala naman akong sinasabi sa kanya para sabihin nyang hindi ako nagiging honest sa kanya.

I did what they asked me to do even its against to my will! They forced me to get back to her even I don't want too! I decide not to leave her because I'm the only one she needs right now! That's why I don't have any other choice but to stay on her side.

If I turn my back on Ashley again, she will do everything to end her life and I don't want that to happen dahil sa ako na naman ang may kasalanan kung sakaling mangyari yun ulit.

"Just get the hell out of here" asar na sabi nya sakin dahil naasar sya sa ginagawa kung pag titig sa kanya
"I'm sorry but this is my house" sarcastic na sabi ko sa kanya kaya inirapan nya lang ako
"For your information, this is MY house" asar na sabi naman nya sakin kaya umiling lang ako
"No!" sabi ko sa kanya ulit kaya inirapan nya lang ako
"This is our home and that means both of us owns this house since were married and were tied to each other forever!" sabi ko sa kanya sabay ngiti kaya di sya nakapag salita

At dahil sa sinabi kung yun hindi na sya nag salita kaya naman hindi na rin ako nag salita baka kasi mamaya naging awkward pa lalo dito.

JESSICA'S POV:

"Balita ko kayo na daw talaga ni Joseph" natatawang sabi sakin ni Ysa kaya hinampas ko lang sya
"Wag ka maniniwala dun dahil fake news yun" asar na sagot ko naman sa kanya kaya tumawa lang sya
"Fake news baka kasi mamaya totoo yun" sabi nya ulit habang tumatawa kaya himapas ko ulit sya kaya mas lalo syang natawa
"Stop it!"  asar na suway ko sa kanya pero di pa rin sya tumitigil sa pag tawa kaya tinalikuran ko nalang sya

Pano kasi parang gago si Joseph!!

Nung isang araw kasi sunod ng sunod sakin si Joseph na kahit saan man ako mag punta naka buntot pa rin sya sakin. Pinaka ayaw ko pa man din talaga yung nasusundan, at dahil sa ginagawa nyang yun hindi ko tuloy mapigilan di maasar tsaka magalit.

Nung napansin nyang nagagalit na ako sa ginagawa nya bigla syang nag alok ng isang maayos na usapan! Sabi nya tsaka lang daw sya titigil sa pag buntot sarado sakin kapag sinagot ko na daw sya. At dahil sa gustong gusto ko na syang tumigil sa ginagawa nyang pag sunod sakin, wala na akong nagawa kundi ang pilitin nalang ang sarili kung mag bitaw ng salitang "OO NA!" sa harap ng madaming tao.

At dahil sa sinabi kung yun sa harap ng madaming tao mabilis na kumalat sa buong school yung tungkol sa binitawan kung salita! Kumalat yung chismis na kung saan sinasabi nilang ako na daw ang bagong girlfriend ni Joseph.

"Speaking" biglang sabi ni Ysa kaya napalingon ako dun sa tinitignan nya

Habang naka tambay kasi kaming dalawa dito sa garden ni Ysa biglang lumapit samin si Joseph kasama si Ernest at Kyle.

"Hi babe" bati agad sakin ni Joseph kaya inirapan ko lang sya
"Grabe naman sya oh" sabi nya ulit sakin na parang kunwari nasaktan sya sa ginawa kung pag irap sa kanya
"Ano na naman bang kailangan nyo samin?" asar na tanong ko sa kanila kaya umiling lang silang tatlo
"Hindi ba pwedeng napadaan lang" sagot naman ni Ernest sakin kaya hindi nalang ako nag salita baka kasi mamaya mapa away na naman ako ng di oras sa kanilang tatlo

Habang tahimik lang kaming naka upo ni Ysa dito habang silang tatlo ay tahimik lang na naka tayo sa harapan namin may napansin akong kotseng pumasok sa main gate nitong school.

Habang busy akong nakatitig dun sa kotse bigla nalang itong tumigil sa tapat namin pero hindi ito pinasin nung tatalong lalaking naka tayo sa may harapan namin. Habang naka tigil yung kotse sa harapan namin may isang pamilyar na babae ang bumaba mula dito.

"KYLIE!" malakas na sigaw nung girl kaya naman napa lingon yung tatlo dun sa babaeng sumigaw
"What the hell!" shock na sabi nalang ni Ernest habang naka tingin dun sa girl tapos biglang tumakbo yung girl palapit samin
"KYLIE!" sigaw nya ulit sabay yakap kay Kyle na syang kinagulat naming andidito ngayon sa garden
"Oh my god! I miss you so much my baby boy" sabi ulit nung girl habang yakap yakap pa rin si Kyle
"What the hell are you doing here?" shock na tanong ni Ernest dun sa girl pero di sya nito pinansin
"Kylie, I'm back!" excited na sabi ulit nung girl tsaka sya humiwalay sa pagkakayakap nya kay Kyle
"Comeback is real" sabi ulit nung girl sabay kiss sa pisngi ni Kyle na syang kinagulat naming dalawa ni Ysa

What the hell is happening!!

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!