"Bakit parang biglaan ? Parang wala pa ngang isang linggo yata ?" pagtataka ni Lamar
"Wala pang isang linggo nong nakita, pero may isang linggo na mula nong namatay panigurado" pagpapahayag ko naman
"Hindi ko alam, di na ko nagtanong, baka nahihirapan na si tito na makitang nasa loob na ng kabaong si Jackie" pagsagot ni Bina
"Buti na lang akala mo may pasok kanina Kaloy kung hindi, di ako nagising at baka tinakwil na ko ng pamilya ko" dagdag na sabi ni Bina at napatawa na lang ako ng bahagya
Buti naman at may tricycle agad na dumaan papunta sa terminal ng bus, usually kasi kapag Linggo unti lang ang nagpapasada. Pagdating namin sa terminal sobrang maswerte kami, konti lang kasi ang pasahero. Sumakay kami sa bus na hindi nagsisiksikan.
"Patay tayo dito mamaya, di ko lam kung paano pumunta sa bahay nila Jackie, wait lang igoogle map ko nga" sabi ni Bina habang nagpipipindot sa cellphone nya
"Pasundo kaya tayo sa tito mo ?" suhestyon ni Lamar
"Nakakahiya baka busy na sila don kasi mamaya na din ang libing" sagot naman ni Bina
"Eh yung family mo Bina ?" pagsingit ko
"Nandon na sila kagabi pa" sagot ni Bina
Pinikit ko na lang ang mata ko at parang dinuduyan na ako hanggang sa .. zZZZZ
"Terminal na ! Terminal !" nagising ako sa sigaw ng konduktor.
Andito na nga kami, pagtingin ko kanila Lamar at Bina, patayo na sila. Tinignan ko ang relo ko kung anong oras, 11pm.Pagbaba namin ng bus may nakita akong karatula na itinataas ng tricycle driver .
'ISABINA MARQUEZ'
"Hahaha, may fan ka Bina .. wait nga lang nauuhaw na ko" biro ni Lamar habang papunta sa tindahan para bumili
"Hahaha, andito na ang balikbayan ten tenenen" biro ko naman, natatawa ako, tawang tawa HAHAHA
"Ano ba to si tito bat may paganito pa nakakahiya" bulong ni Bina
"HAHAHA pasalamat ka na lang kung wala yan di din natin alam kung san pupunta,hassle pa kapag magtatanong tanong" sabi ko na tatawatawa pa rin
Lumapit kami sa mamang nagtataas ng pangalan ni Bina
"Ako ho si Isabina Marquez" pagpapakilala ni Bina sa tricycle driver
"Ahhh ikaw na pala, tara na mam hinihintay ka na dun" sabi ng tricycle driver
Wala pa si Lamar, tagal bumili ng inumin, sumakay na si Bina sa loob ng tricycle, ako nakatayo lang at hinihintay ang presensya ni Lamar. Nagulat ako ng biglang umandar ang tricyle, hoy Bina ! Ano ? Nagpasama ka lang ba hanggang dito tapos iiwan din kami ?
"Wait lang ho ! Kasama ko sila !" rinig kong sigaw ni Bina
"Ay sorry sorry, kala ko ikaw lang mag isa" sabi ng driver habang inihinto ang tricycle
Patakbong lumapit na ko sa tricycle nang nakita kung papalapit na si Lamar. Nasa loob kaming dalawa ni Bina, si Lamar nasa likod ng driver.
"Di ko pala nasabi kanila tito na may kasama ako hehe, sorry" sabi ni Bina, kaya pala
Ngumiti na lang ako, busy kasi akong tignan ang paligid, itong lugar nila Jackie. Probinsyang probinsya ang dating ng lugar nila, pero di mo maikakaila na maraming magaganda at malalaking bahay din. Mga bahay dito hindi tabi tabi, ang sarap ng hangin. Hanggang sa nakarating na kami sa daang hindi na sementado at sa paligid ay puro tanim na tubo.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
INSTANT DETECTIVES
Детектив / ТриллерTatlong estudyante, iisang pangarap, ang maging Certified Public Accountant. Gustuhin man o hindi, sila'y nakatanggap ng responsibilidad. Responsibilidad na sasagot sa lahat ng misteryong umaalingawngaw. Isang responsibilidad na kaya ba nilang pang...
Chapter 9: LIBING
Начните с самого начала
