Chapter 17

418 10 0

"Hannah,wake up"

Naalimpungatan ako dahil sa tumatawag sa akin.

"We're here"

Nakatulog pala ako.Bumaba na kami ng Van.Nilibot ko ang tingin ko sa subdivision na to.

"Ang creepy ah?"

"Alam mo ba kung saan yung exact address,Hannah?"

Umiling ako bilang sagot sa kanya.
Nagsimula akong maglakad at magmatyag sa paligid.Sumunod naman sila sakin.Napalingon ako sa maliit na bahay.Lalampasan ko na sana yun kung hindi ko lang napansin yung abo na umuusok pa.Natigilan ako at kumabog ang dibdib ko.Siguradong kakatapos lang magsunog ng basura ang kung sino mang nakatira dito.Napaangat ang tingin ko ng may lumabas na tao dun.

"M-marco"

Napalingon ako kay Ate Diana at ibinalik kong muli ang paningin sa lalaking lumabas galing dun sa bahay.Mababakas ang gulat at pagkasabik sa mukha ni Kuya Marco.Tumakbo sila sa isa't isa at nagyakapan.Napapikit ako ng lumakas ang hangin.Kuya...Kompleto na sila,ikaw na lang ang kulang.Im in the urge of crying when Kuya Marco speak.

"How did you get here?.....and...Who is she...?"

Nagtama ang paningin namin kaya nginitian ko siya.

"Im Hannah,Hannah Pinky Versailles"

Mas lalo yatang nawindang ang pagkatao niya ng marinig at malaman kung sino ako.

"V-Versailles?Hero's sister?"

Tumango ako sa sinabi niya.Maya maya pa ay malungkot siyang ngumiti.

"Lumayo na ko lahat lahat pero tadhana parin ang gumawa ng paraan para malaman niyo ang totoo,Pasok kayo"

Tumuloy kami at pinaupo niya.

"Kuya Marco,Bakit napili mong tumira dito?I mean,hindi ka magtatago kung wala kang alam sa mga nangyari"

"Hannah"

Sinaway naman ako ni Kuya Daniel sa sinabi ko.

"Ok lang Daniel,Naiintindihan ko siya.Tama ka Hannah,Im sorry kung tinaguan ko kayo.Tinakot nila ako na sa oras na magsalita ako,papatayin nila kami.Ayokong mapahamak sila,Swear to all Gods sinubukan kong lumaban,pero wala,hindi ko kaya,S-si cheska—"

"Paano siya napasok sa usapang to?"

"Siya,siya dapat ang papatay kay Hero,pero hindi niya ginawa kasi mahal niya si Hero.Sinubukan niya rin pigilan pero tulad ko,wala rin siyang nagawa"

Unti-unting nabubuo ang mga ideyang animo'y puzzle sa utak ko.Tama nga ang kutob ko tungkol kay Cheska,may alam siya.

"Si Mark?Bakit?Bakit kilala siya bilang ikaw?"

"Wala siyang alam sa totoong nangyari.Naiingit siya sakin kaya ng malaman niyang nawawala ako pero nagtago lang talaga ako.Pinili niyang pumalit sakin.Ang alam nila ay namatay si Hero dahil sa gang fight"

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa hindi ko na napigilan.

"Sino ba talagang pumatay kay Kuya?"

"Hindi lang 'sino' Hannah"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sila Hannah,Sila"

Napalunok ako.Para akong sinampal ng katotohanan.Hindi lang isang tao ang pumatay kay Kuya.Kanina ko pa napansin yun.'Nila' at 'Sila' ang ginagamit niya.Malinaw na sakin.Hindi basta-basta matatalo si Kuya kung isa lang ang kalaban niya.Bumagsak ang luha ko ng marealize konh malapit na tao ang nakalaban ni Kuya.Kilala ko si kuya,gagawin niya ang lahat para mabuhay pero..bakit hindi siya nakalaban?

"Tell me Kuya,Sino sila?"

Bumuntong hininga siya at mang magtama ang paningin namin,nakita ko ang awa niya..para sakin.Nakita ko din ang pag-aalinlangan niyang sabihin sa akin.

"Si Mr.Jasper Buenavides at.."

Natutop ko ang bibig ko.Si D-Daddy Jasper?Bakit?

Halos gumuho ang mundo ko ng.marinig kong magsalita muli si Kuya Marco.

"At si..Mrs.Hailey Versailles"

*Lub.dub.Lub.dub.Lub.dub.Lub.dub*

Silang...dalawa?

"Paanong—?Anong dahilan nila...?"

Hindi ako makapaniwala.Paano nga naman makakalaban si Kuya sa kanila?

"They have an affair,nalaman naman yun ni Hero,natakot sila na baka sabihin ni Hero sa daddy niyo then they plan to kill Hero and..sila rin ang may pakana kung bakit namatay si Tita Claire"

Ngayon,tuluyan nang naging malinaw sakin ang lahat.Nagsuffer si Joshua dahil sa ginawa nila kay Tita Claire.Parang bulang naglaho ang galit ko kay Joshua at gusto kong magsumbong sa kanya.Pumatay sila para peste nilang relasyon!

"Sasama ka sa amin Kuya"

Tumango siya

"I will,wait for me"

Agad akong tumayo at tumakbo palabas.

"Baaakiiiiiiiit?!!!!Sa dami ng tao sa mundo!!!Bakit kayo pa?!!!?!!"

Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko dahil sa mga nangyayari.Ang sakit.Wala naman akong ginawang masama para mangyari to sa buhay ko.

"Hannah..."

Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Xander.

"Sasabihin mo ba kay Joshua?"

"Kailangan niyang malaman ang totoo Xander"

Natahimik kami pero sa loob loob ko ay isa lang ang isinisigaw..

Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa Kuya ko..

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon