Ikalawang Kabanata

176 8 0
                                    


Maingay, magulo, makalat at mabaho. Pero ito ang pinakamamahal kong mansyon. Mansyon ito kahit na tagpi-tagpi lang ang bahay namin. Up and down ito pero yung up lang ang amin sa baba ay may tatlong pamilya. Dito sa taas kami lang ng pamilya ko.
















"KIT!!! Bumangon ka na diyan!" Nagsimula na ang bunganga ng nanay ko.

Hayerp naman oh! Minsan ka na nga lang makatulog ng maayos.

Umaga na kasi ako nakauwi ng bahay namin. Bukod sa trouble na nagyari kagabi kargo de konsensiya ko pa yung "K" na yun! Hinatid pa namin sa bahay niya.

"Ate tanghali ka na bumangon yata? Alam mo ang ganda mo ngayon." Sabi ng kapatid ko na si Yuki.

Pustahan manghihingi ng pera ito.

"Masakit ang ulo ko, tsaka siraulo ka ba? Anong maganda ka diyan! may almusal na ba?" Tanong ko at umupo na dito sa hapag-kainan.

"Meron ate, gusto mo ba ng pandesal?" Alok nito.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko habang hinihilot ang ulo ko.

"Ah kasi Ate walang ng panggatas si Jr." Napa-irap na lang ako sa nadinig.

"Oh!" Abot ko ng 1000 sakanya. "Yuki, kakabigay ko lang sa'yo kahapon ng pera. Kung 'di lang para sa pamangkin ko 'yan." Saad ko.

"Salamat ate ha." Saad niya at mabilis pa sa alas-kwatro na nawala.

"G*go maghanap ka na kasi ng trabaho!" Pahabol ko na sigaw sakanya.

"Ate, papasok na ako." Saad ng isa ko pang kapatid na si Maris.

"Sige, teka lang baon mo oh." Saad ko at inabot sakanya ang pera.

"Wag na ate may natira pa naman doon sa binigay mo nung isang beses." Pagtanggi nito.

"Ang bait talaga ng kapatid ko. Pagbutihin mo pag-aaral mo ha? Pero sige na dagdag mo na ito." Saad ko at nilagay na mismo sa bulsa ng uniform niya.

Kabaligtaran siya ni Yuki, yung batang yun 20 anyos pa lang may anak na. Sayang kasi isang taon na lang makakagraduate na siya ng college. Pilit kong iginapang pag-aaral niya.

"Oo nga tanggapin mo na yang pera na 'yan arte pa eh." Sabat ng nanay ko. "Eh ako ba hindi mo bibigyan? Wala na tayong mapanggastos dito sa bahay." 

"Ito po." Saad ko at binigay ang halos lahat ng natira kong sahod.

"Ito lang?" Tanong niya matapos niyang bilangin yung pera na binigay ko.

Fight For LoveWhere stories live. Discover now