Chapter 14

404 12 0

XANDER'S POV

Dalawang subject na ang dumaan pero wala paring Hannah at Daniel na dumadating.Pati si Nicole.Magkakasama kaya sila?

Pansin kong palingon-lingon din si Joshua sa labas.Malamang ay hinihintay niya din si Hannah.

"Wait for your Next Subject"

"Hay nako..Ang lakas ng apog na saktan si Hannah"

Napalingon ako sa sinabi ni Ethan.Napatingin naman ako kay Joshua na ngayon ay kasalukuyang napakasama ng tingin kay Ethan at pinipigilan siya ng mga kasamahan niya.

"Oh?Problema mo?Makatingin ka?"

Napailing naman ako sa katapangan nito ni Ethan.Nakatingin na ang lahat samin.Tumayo sila Joshua kaya napatayo din kami.

"Wala kang alam"

Kusang uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

"Ano pa bang hindi malinaw dun?Yung nakita kang may kahalikang iba?Ow..I forgot..Hindi pa pala alam ng lahat  na asawa mo si Hannah or should I say?Your future Ex-wife?"

Agad akong nakatanggap ng sapak galing sa kanya kaya ginantihan ko siya.Nagpapanic na ang karamihan sa mga kaklase namin.Ang iba naman ay nagtsitsismisan at alam kong topic nila si Hannah.

*BLAG!*

Napahinto kami at napalingon sa mga nagsidating.

HANNAH'S POV

Pagka-alis ko ng bahay nila Xander ay naglakad ako papunta kila—Shit!
Napalingon ako sa rider ng motor,napakunot ang noo ko.

"Kuya Daniel?"

"Saan ka pupunta?"

"Ahh..kila Ate Nicole"

"Sakay..sasamahan kita"

**********************

Pagkarating namin sa tapat ng bahay ni Ate Nicole,nakita namin na may kausap siya.Dalawang babae at isang lalaki.

"Ate Nicole?"

Napalingon sila sakin.Pamilyar ang.mga mukha nila.

"Hannah?What are you doing here?"

"Ahh..maybe,I'll tell you next time Ate but..sino sila?"

Napangiti naman si Ate Nicole.Wala namang kibo si kuya Daniel.

"Hindi mo na kailangang hanapin sila Steffanie..ahmmm..guys?She is Hannah Pinky Versailles,Hero's Sister.Hannah,This is Steffanie Villareal,Dylan Villanueva and Diana De Ocampo"

Napatingin ako kay Ate Diana.According to the book,Steffanie and Dylan are together and Diana..She is into Marco.Is it possible that she knows where was the real Marco?

"Pumasok na muna tayo sa loob,mukhang mapaparami ang tanong ni Hannah"

Natatawang saad ni Ate kaya napangiti ako.Agad naman kaming pumasok sa loob.Pinaupo kami ni ate Nicole.

"Kukuha lang ako ng makakain"

Pagka-alis ni Ate Nicole papuntang Kitchen ay hindi na ko mapakali.Patingin-tingin ako kay Ate Diana.Gusto ko na siyang tanungin.

"May gusto kang itanong Hannah?"

Natigilan ako sa sinabi niya.Ganun ba ko kahalata?Natawa naman siya.

"Hindi ka mapakali eh,sige na"

"Ahmmm..Is..Ahh..Does K-kuya Marco and y-you are still together?"

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya kaya nakaramdam ako ng pagkaguilty.

"Im Sorry—"

"Okay lang.Nakipaghiwalay ako sa kanya.Ang laki kasi ng pinagbago niya.Naging sobrang sama na niya and we dont know the reason why.."

Mababakas sa boses ni Ate Diana ang pagkalungkot.Napakurap ako.Nasaan ang tunay na Marco?

"Yung tinutukoy mo ba ate yung may bagong gang na ngayon?"

Marahan siyang tumango kaya nakompirma ko ang ideyang nasa utak ko.

"He is not the real Marco,He is Mark,Marco's Twin"

"What???!"

Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingim sakin.Tulad ko,nung una ay hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.Eksakto namang dumating si Ate Nicole.

"What's going on here?"

"If he is Mark??Then where the hell is Marco??"

Pinakalma naman ni Ate Nicole si Ate Diana dahil nagsimula na itong magpanic.Nang kumalma na siya.

"Wag kang mag-alala ate,aalamin natin ang totoo"

Mahabang katahimikan ang namayani samin.Alam kong parepareho kaming malalalim ang iniisip na kung sisisidin mo ay malulunod ka.

"Hindi ba tayo papasok?"

"Kailangan natin pumasok,pahiram muna ako ng damit Ate Nicole"

Tumayo naman siya at sinenyasan akong sumunod sa kanya.Umakyat kami sa kwarto niya.

"Mga hindi ko pa nagagamit yan,pili ka na lang"

Kinuha ko yung black na spaghetti sando,leather Jacket,jeans na may parang hiwa-hiwa then cat shoes.

"Nice taste"

"Where's the comfort room?"

"Over there"

"Thanks"

Nagsimula na kong ayusin ang sarili ko.Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na yung damit.Napaharap ako sa salamin.Biglang nanumbalik sa isip ko ang mga nangyari.Muling tumulo ang luha ko ng maalala kong wala na..wala na talaga.Agad kong pinunasan yun.Hindi kailangan iyakan Hannah.May mas importanteng bagay pa ang kailangan asikasuhin.Pagkababa ko ay kompleto na sila at ako na lang ang hinihintay.

"You look stunning"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Kuya Dylan.

"Let's go?Anong oras na eh"

Pagakalabas namin ng bahay ganun na lang ang gulat namin ng bigla kaming paulanan ng bala.Kanya-kanya kaming tago.

"Wala ba kong dalang baril?"

"Wala!"

Sabay-sabay na sagot namin sa tanong ni Ate Nicole.

"No choice,Iwasan ang bala,Mano-mano tayo"

Tumango kami at nagsilabasan sa kanya-kanyang pinagtataguan.Sinipa ko yung lalaki at nakipagsapalaran sa kanila.Naramdaman kong may palapit sakin mula sa likod kaya pumihit ako patalikod at kinuha ang baril niya.

"Shit!"

Sinamaan ko siya ng tingin ng sampalin niya ko.Agad kong tinutok ang baril sa kanya.

"Isang maling galaw niyo sasabog ang mga bungo niyo!"

Nakita ko ang paglunok ng lalaking nasa haral ko.Pinunasan ko yung gilid ng labi ko.Panibagong pasa na naman.

"Sinong nag-utos?"

"Hindi—"

"SINO??!!"

"SiSirMarco"

Ipinutok ko ang baril sa tabi niya.

"Ayusin mo!Hindi ko maintindihan!"

"Si S-sir M-Marco po"

Bwisit!Hindi si Marco yun.Si Mark.Hindi talaga siya titigil.

"Sabihin mo diyan sa Amo mo!Lumaban siya ng patas!"

Tinalikuran ko siya

"Tara na nga!Badtrip!"

Sumakay na ko sa motor ni Kuya Daniel.Tinago ko yung baril sa bag.Pinaharurot naman nila ang kanya-kanyang motor.Hinahamon niya talaga ako ah?Tss..

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon