LTCFH Chapter 12a.

24.6K 286 6
                                    

CHAPTER 12a

Nanlaki yung mga mata namin.. Sino sya??

Hindi ko sya kilala pero madalas ko syang nakikita sa school.. 

Nagsalita si Naomi..

"Nako kuya! Taken na ang bff ko! Pero wag-kang mag-alala.. Ako single parin!" sabay wink ni Naomi.. 

ONE WORD TO DESCRIBE NAOMI, FLIRT! XDD


"TOTOO BA YUN HAYLEY?" malakas na sigaw nung lalaki. 

"Ah eh, Sorry po Kuya!" sabi ko. AWKWARD ATMOSPHERE!!!

Nagtinginan yung mga tao sa paligid nmin! Ay, nakakahiya!!!

"You must be kidding! Baka naman nagdedeny kalang para mam-busted ng mga lalaking nag-aask out sayo!" sabi nung kasama nung lalaki. 

"Hoy Kuya! Sama naman ng binibintang mo kay Hayley! Kung ayaw nyo maniwala na taken na siya ng lalaking mas gwapo pa sa inyo, eh di wag! Hindi nman nya kayo pinipilit at siya nga pala.. Sino nga ba kayo?" sabi ni Hannah..

Ang swerte ko! May mga ganto akong bffs! Lagi akong pinagtatanggol!

"Ehemm.. Ako si Austin, admirer ni Hayley.." sabi nung lalaking nag-confess! *with confidence*

"At ako naman si Jerome.. Kabarkada ko si Austin.." sabi nung kasama nyang lalaki..

"So, 4th year din kayo diba?" tanung ni Naomi

Tumawa yung dalawang lalaki..

"Do we look 4th year with these baby faces? Haha.. 3rd year palang kami baby girls.." sabi ni Jerome..

"Aba! Mahahangin pala ang mga batang ito eh!" sabi ni Hannah

"Oo nga at anong baby faces? Kaya nga namin kayo napagkamalan na 4th year na kasi mga mukha nyo parang mas matanda pa kami sa inyo eh!" sabi ni Naomi

Tawa lang ako ng tawa! Natatawa ako sa mga bangayan nila..

"You know what, back off! I'm talking to Hayley not you! *tingin ulit kay Hayley* Ang sama naman ng mga kaibigan mo! Buti ka pa, sweet at tahimik lang.. So, will you go out with me?" sabi ni Austin..

"Kulit ng baga mo ah! Sinabi na ngang taken na sya! Ikakasalan na nga sya soon eh!" sabi ni Naomi!

WOOOOOOPS!!!!

Nadulas si Naomi! 

Nanlaki yung mga mata nila Austin at Jerome!

"Ohh.. I mean... matagal na sila kaya baka ikasal na sila soon! Hehe!" sabi ni Naomi at tumingin saakin with this expression (~_~)v

"Ay grabe! Kasal agad? Hindi ba pwede engagement muna?" biro ni Hannah

Natulala si Austin! As in! (O_O)

"Oi, pare! Biro lang yun!" sabi ni Jerome

Nag-ring na yung bell. (DING ___ DONG) It means, end of lunch kaya yun.. Tumayo na kmi ng naglalakad na kami ng palayo.. Naiwan sila Austin at Jerome sa tapat ng table na kinainan namin.

Tinawag ako ni Jerome..

"We'll be watching you! At pag-isipan mo yung sinabi ni Austin bago ka mag-sisi!" pasigaw na sabi ni Jerome

Nakakatakot naman yung sinabi nung lalaki na yun! 

~We'll be watching you! At pag-isipan mo yung sinabi ni Austin bago ka mag-sisi!"~

Asushh.. As if naman no! 

Hindi naman yun ang first time na may nag-confess sa saakin! Marami nang beses sa loob ng 5 years na pag-aaral ko dito at 3 years na feelings ko para kay Cody.. Loyal ata ako! Hahah

Sawakas!

Uwian na..

Naglalakad ako papunta sa lockers namin.. Galing ako sa last period nmin ng makita ko si Cody with this tall guy at na realize ko na si Tristan yun! Well, parehas silang gwapo pero mas angat si Cody para saakin.. Sila ata ang pinaka pogi na magbestfriend dito sa school namin! Madaming wannabes pero walang makapantay! Ganun ang taas ng level ng mga appearance at brains nila! Feeling ko tuloy, ang swerte swerte ko! AYEEEEEEEE!

Nakatingin ako kay Cody tapos napansin ako ni Tristan..

"Hi Hayley!" sabi ni Tristan.. Plus pa-cute na mukha pa! Cuteee!HEP HEP! Cody lang ako!!!!

"Hello!" sabi ko nalang.. tpos naglakad na.. at pagkalagpas ko sa kanila.. Lumingon ulit ako at lumingon din si Cody! Ngumiti~ AYEEEEEE!!! Kinilig ako!!!!!!

Nagbulungan yung mga babae na nasa side ng hallway!

"Ako ba yung nginitian ni Cody?" sabi nung girl 1.

"ASA! Ako kaya! Nakita ko yun kaya nga nag-wave ako eh!" sabi nung girl 2.

"Mga feelers! Ako kaya yung nginitian nya! At nag-eye contact kami no! Sabi nya saakin I LOVE YOU kaya sinabi ko I LOVE YOU TOO!" sabi nung girl 3 ... si DANYKA! Naaalala nyo pa ba sya?

Asa naman tong mga feelingerang mga to! Ako nman talaga yung nginitian eh! Hindi ko nalang sinabi sa kanila.. Nag-sinungaling pa yung Danyka'ng yun!

Kinuha ko na yung mga gamit ko sa locker ko.. At palabas na sana ako campus.. Hala.. Umuulan! Ang layo pa nman ng parking lot.. Nag-stay muna ako dun sa loob ng campus Chineck ko yung cellphone ko, nag TEXT si Cody! 

From: Codyabang

[Meet me at the back door.. Kinuha ko na yung car ko para hindi ka na maglakad papunta sa parking lot..]     15 minute ago..

Wow! SWEEEEEEEEEEEEEEEET! I love you na talaga CODYABANG! XDD

Pumunta na ako sa back door.. Nakita ko agad yung car nya papunta na sana ako ng napansin ko na may BABAE sa loob ng car nya.. Nag-uusap sila.. Parang ang sweet nung babae nakahawak pa sa balikat ni Cody! Hindi ko masyado makita yung mukha nung babae.. Naisip ko na magtago muna.. 

Pagkatago ko, tinignan ko muna sila.. As in pinapanuod! Yung babae, ang landi!!! Hindi ko makita yung expression ni Cody!! Alam ko na yung babaeng nasa loob ng car nya ay taga school! Uniform na uniform palang! 

Nakakainis naman tong si Cody! Bat hindi nya pinapalabas yung babae kung alam nyang sasakay ako! AMP!!!!

PART B -------------------------------->

My Long Time Crush to Future Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon