"Naputulan ba kami ng kuryente?" Pagkabukas ko ng pinto ay hinanap ko ang switch ng ilaw sa loob.

"HAPPY BIRTHDAY GORGEOUS VANNNAAAAA!!!!!" Gulat na gulat ako nang may mga biglang sumigaw pagkabukas ng ilaw at nagpasabog ng confetti!!

Tumambad naman sakin si Megan, Ann, sir Jaxx, si mommy at daddy ma ngiting-ngiti! Mas lalo akong nagulat nang makita si Tyron sa gilid ni daddy na ngayon ay may hawak-hawak na cake!

Dahan-dahan naman itong lumapit sakin.





"Hey baby, smile. Don't cry. It's your birthday." Nahampas ko naman ang braso ng lalaking ito!




"Dami niyong alam!" Naiinis kong sabi. Akala ko talaga kinalimutan na nila ako. Tinawanan niya lang ako!





"Make a wish and blow the candle." Napairap naman ako bago ko sinunod ang sinabi niya! Muntik ko na rin makalimutan na nasa likuran ko ang mga kaibigan ko at ang mga magulang ko!



"Happy birthday, sweetheart." Hinalikan niya ako bigla sa noo na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko!!! Nakalimutan ba niya na nasa harap kami ng pamilya ko at ng kaibigan niya?! Atsaka sinabi kong sikreto muna ang relasyon namin!!! Naguguluhan ako sa mga nangyayari!!


"A-no ba! Nasa harap tayo ng pamilya at mga kaibigan natin." Ngumiti lang siya sakin at inaya ako papalapit sa magulang ko.


"Happy birthday, sweetie!" Nakangiting bati ni mommy at daddy at hinalikan ako sa pisngi.


"Thank you dad. Thank you mom. I love you too." nakangiti kong sagot.

"Happy, Van." Nakangiting bati sakin ni sir Jaxx.

"Kaya naman pala sir." Natatawang napakamot ito sa ulo. Kasabwat naman pala siya sa paganto nila!

"Hey queen! Happy birthday! Ahihihi" Lumapit naman sakin si Ann at Megan at niyakap ako.





"Nakakainis kayo. Akala ko kinalimutan niyo na yung birthday ko. Kung nagkataon, friendship over talaga tayo."




Natawa naman sila. "Ikaw pa ba? Makakalimutan namin? Never nooo!" Natatawang sagot ni Ann.



"Tse! But anyway, thank you and I love you both." Nakangiting sabi ko sa mga ito.



"We love you too, sis!" Mangiyak-ngiyak naman silang napabitaw sakin.



"Para kayong mga baliw. Kayo ba ang may birthday at kayo ang umiiyak?" Natatawa kong sabi. Nag pout lang sila. Nabaling naman ako mata ko kay Tyron na ngayon ay malawak na nakangit pa rin.



"T-eka alam niyo ng lahat?"Pagtutukoy ko saming dalawa nu Tyron.



"Alam na namin, anak." Nakangiting sabi ni daddy. Taas-baba naman nv kilay naman si Megan at Ann. Samantalang mangiyak-ngiyak naman si mommy.


"Dalaga na talaga ang baby natin daddy." Natawa naman si dad kay mommy.

"H-ow?!"



"Mr. Vanierre discussed it with us to formally ask permission and blessing. I admire him for being such a gentleman." Nakangiting ani ni daddy.

"Umamin rin siya samin sis. Nako samin ka pa talaga naglihim." Singit ni Megan na ikinatawa ko at nagpeace sign na lang. Takot lang kasi talaga ako sa maaaring pwede nilang sabihin samin.


"Count me in. Para kay loverboy, ako na magiging sponsor sa kasal ninyo. " Natatawang biro ni sir Jaxx. Napakunot-noo naman akong tumingin sakanya. "Yep. Tyron told me." Dugtong pa nito kaya napakamot na lang ako sa ulo.


Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now