Niyari ni Addy 1

10.5K 125 11




Ako po si Lorenzo Hidalgo. Mas kilala sa palayaw na Renz. Sixteen years old. 5'6 ang taas. Maputi na medyo slim ang pangngatawan.

Dahil magka college na ako ay napagpasyahan nina Mama na makikitira ako sa bahay ng Tita Ruth ko sa maynila para doon mag-aral.

Si Tita Ruth ay kapatid ni Mama at isa siyang nurse sa isang kilalang pagamutan dito sa lungsod.

Mayaman ang pamilya nina Tita dahil ang asawa niya na si Tito Benjie ay isang businessman.

Sina Tita Ruth ay may tatlong anak na lalaki. At base sa mga pictures na nakita ko sa living room ng bahay nila ay masasabi kong gwapo silang tatlo.

Bata pa kasi ako nang huling pumasyal ang magkakapatid sa amin kaya matagal ko na silang hindi nakikita.

Namangha ako nang mapagmasdan ko ang isang family picture nila sa sala na sa tingin ko ay ilang buwan pa lamang mula nang makuhanan iyon.

Nagmana ang mga anak nila kay Tito Benjie na kahit nasa edad na 48 na ay napakagwapo pa rin at matikas ang pangangatawan.

Sa katunayan nga noong bata pa lamang ako at pumapasyal sina Tita sa amin ay humahanga na ako kay Tito Benjie dahil sa angkin nitong kakisigan.

Medyo payat pa si Tito noon at ngayon ay lumapad ang katawan nito. Yung tipong medyo may pagkachubby pero hindi malaki ang tiyan at namumutok sa muscles ang dibdib at mga braso nito.

Kaya nang makita ko ito kanina pagdating ko ay hindi ko maiwasan na pagmasdan ang katawan niya na litaw na litaw ang kakisigan sa suot na itim na sando at jogging pants.

Ang panganay nilang anak na si Kuya Jordan ay 28 years old na. May asawa at isang anak na lalaki. Nakabukod na ito pero minsan daw ay doon pa rin ito natutulog sa bahay nina Tita Ruth.

Sumunod naman ay si Kuya Kiel, 23 years old. Isang Chef sa sarili nitong restaurant. At kasalukuyan pa rin itong nakatira sa poder ng mga magulang niya.

Masasabi ko na si Kuya Kiel ang pinakaguwapo sa kanilang tatlo na binagayan ng bad boy look nito sa pagkakaroon ng beard.

At ang bunso naman ay si Kuya Addy o Addy lang dahil ayaw nitong magpatawag na kuya sa akin. Isang taon mahigit lamang daw kasi ang tanda niya sa akin. 18 years old siya at kasalukuyang nag-aaral sa mismong school na papasukan ko.

Napansin ko na maputi sina Kuya Jordan at Kiel pero si Addy ay medyo tan ang balat. Paliwanag ni Tita, maputi rin daw talaga ang balat ni Addy noon pero dahil mahilig ito sa sports ay umitim daw ito.

Masasabi kong bumagay naman iyon sa itsura nito. Sa katunayan ay mas nakakadagdag sa kakisigan nito ang pagkakaroon ng morenong balat.

Pagdating ko sa bahay kanina ay niyaya na ako nina Tita na mag-almusal. Nasa out of town daw si Addy kasama ng mga barkada nito at si Kuya Kiel naman ay maaga raw umalis.

Si Tito Benjie pagkatapos magbreakfast ay naghanda upang pumasok sa trabaho samantalang si Tita Ruth naman ay mamayang gabi pa raw ang duty niya.

Nang makapag-almusal ako ay pinaakyat na ako ni Tita sa magiging silid ko upang makapagpahinga raw ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay kaagad kong inayos ang mga damit ko sa closet. Pagkatapos ay humiga ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext ako kay Mama na nasa bahay na ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Nagising ako sa mahihinang katok sa pintuan. Mabilis akong bumangon at binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang nakangiting anyo ni Addy.

"Good morning!" masiglang bati nito.

Nabigla ako sa pagbungad niya at hindi kaagad ako nakasagot. Sinulyapan ko ang relo sa kanang kamay ko. 11:34am. Umaga pa nga.

FlickerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!