NIRVANNA'S POV.
I feel more confused.Habang patagal ng patagal mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari.
Argh!Ano ba kaseng ibigsabihin ng lahat ng yun?Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko.I need to go home as fast as I can.Hindi ko na kayang na patagalin pa toh.Unti unti na kase akong nakakaramdam ng pagsakit ng ulo ko.
Something weird,
"Shit!"I cursed kasabay ng paghinto ko.Agad kong nasapo ang ulo ko at napasandal sa upuan ng kotse ko.gosh!Bakit bigla bigla na lang sumasakit ang ulo ko?Huminga muna ako ng malalim bago muling bumalik sa pagmamaneho.
Dahan dahan lang naman ako.paminsan minsan kase napapapikit ako.Agad kong ipinarada ang kotse ko sa garage nila mom.
Lumabas na ako agad sa kotse ko at naglakad patungo sa loob ng mansion.Agad kong natanaw si mommy na may ginagawa sa laptop niya.
Tahimik lang ako naglakad patungo sa pwesto niya.Siguro naramdaman niya ang presence ko kaya naman nag angat siya agad ng tingin sakin.
"Hey,princess how's your work?"Nakangiting tanong sakin ni mom.Pinilit kong ngumiti kahit na andaming katanungan sa isip ko.
"Well,ayos lang naman po"Magalang na sagot ko l.Nginitian niya lang ako at tinap ang sofa sa tabi niya.
"Sit beside me princess"Tumango lang ako bago umupo.Wala naman ngayon ang kambal ko dahil nagsimula na silang mag aral sa school na pinag enrollan ko sa kanila.
Huminga muna ako ng malalim bago tumikhim kaya naman napalingon sakin si mom.
"Are you okay princess?"Tiningnan ko lang si mom ng direcho sa mata.
"ahm,mom?"Utal na tanong ko.
"Yes?"Nagtatype pa rin siya sa laptop niya.Ayoko mang istorbohin si mommy but I can't help it.Gusto ko ng malinawan.para na akong tangang nanghuhula sa kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Mommy,ano k-kase ahm,May alam ba kayo about sa past ko?"Biglang tanong ko.Agad namang natigilan si mommy sa ginagawa at nakita ko rin ang pagtremble ng kamay niya.
"B-bakit mo naman natanong anak?Syempre w-wala masyado"Biglang sagot.Bakit parang pakiramdam ko may kulang at may mali sa sinagot niya.
"Sigurado kayo mom?"Paniniguro ko.Mas lalo lang siyang umiwas ng tingin.
"ofcourse,Bakit naman ako magsisinungaling?"Mas lalo akong napakunot noo.Wala akong sinabing nagsisinungaling siya.My mom being assuming.Wala pa nga akong sinasabi.
"Mom?Hindi ko po sinasabing nagsisinungaling ka.Hindi lang ako makapaniwala."Agad nasagot ko.Tiningnan niya ako ng nanunuri at nagulat ako ng makitang parang naluluha si mommy.
"Mom?Don't tell me --
"Anak?kasintahan mo si nick"Para naman akong natulos sa kinauupuan ko.
"Po?"Para naman akong natanga sa kausap ko.Seriously?Hindi ba nagbibiro si mommy?
Huminga muna siya ng malalim na buntong hininga bago isinara ang laptop niya at kinuha ang kamay at hinaplos yun.
"Princess,A-alam kong baka magalit ka sakin kapag nalaman mo ang totoo"Parang unti unting nagcacrack yung boses ni mom.Nakaramdam ako ng kaba sa kung ano ang sasabihin ni mommy.
"Po?B-bakit naman po mommy?May nagawa ka po bang kasalanan?"Tanong ko.Nginitian lang niya ako.Hindi nakaligtas sa paningin ko ang luhang kumawala sa mata niya.
"Mahal na mahal ka ni mommy anak"Mas lalo akong naguluhan.Ano ba kase yun at hindi masabi sakin ni mommy.Napuno ng tanong ang isip ko habang hinihintay kong dugtungan ni mommy ang sinasabi niya.
"A-about sa past mo?M-may kasintahan ka,pangalan niya Nick.May galit ang pamilya natin sa kanila dahil siya ang dahilan kung bakit namatay ang dad mo"Para namang may tumurok sa puso ko.Patay na pala si daddy.Bakit parang nawala ata sa isip kong matagal ng pumanaw si daddy?
"And then nangako ako na hindi ako papayag na masaktan ka rin niya.Kaso lang mahal mo siya princess,kahit galit kami sa kanya isinantabi namin yun para sayo.Nakikita ko kaseng ang saya saya mo kapag kasama mo ang lalaking yun."Huminto muna si mommy at hinaplos ang pisngi ko.Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya.
"Kaya ng malaman kong umiyak ka dahil sa kanya nagalit ako agad.Gusto ko siyang patayin sa pananakit sayo lalo na ng malaman kong buntis ka na pala nun.How dare him to deflowered you.He took advantage to you princess.He did.I know that your so innocent."Para akong natuyuan ng laway habang namimilog ang mga mata ko.
"Nick Fortaleza"Biglang bigkas niya.Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya.Mukhang hindi rin naman narinig ni mommy.
"Iyak ka ng iyak kaya naman nagdecide kami na ipadala ka sa newyork kasama si leo na ex-Boyfriend mo.Lahat ng pictures,gifts...Lahat lahat ng nagpapaalala sayo kay nick binura ko,Itinapon at sinunog.Sobra akong nasasaktan pag nakikita kang umiiyak princess.Dinudurog ang puso ko.I'm so sorry baby.Hindi ko gustong gawin yun sayo.Gusto lang kitang makalimutan ang lalaking nanakit sayo"Pinahid ko ang luhang kumawala sa pisngi ko.Hindi ko alam kung papaniwalaan ko si mommy.Pero kung totoo man na nagawa niya yun.Hindi ko siya masisisi.Kahit naman sinong ina o magulang ay mas pipiliing gawin ang bagay na yun kesa makitang nagsusuffer ang anak nila.
"Its okay mom"Sabi ko.Napaigtad ako ng yakapin ako ni mommy.Parang nakaramdam na naman ako ng sakit.
"Mommy?"Tawag ko sa kanya.May isa pa pala akong katanungan na hindi pa nabibigyan ng kasagutan.Gusto kong malaman ang lahat.
"Yes princess?"
"Si Nick po ba ang ama ng kambal ko?"Biglang tanong ko.Ngumiti lang siya at ginawaran ako ng halik sa noo.
"Yes princess,siya ang ama ng kambal mo"Namilog ang mata ko.Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko ngayon.Ngayong alam ko na na siya ang ama ng kambal ko at nalaman ko na ring siya ang dati kong kasintahan.
Mariin kong ipinikit ang mata ko.Pagak akong natawa ng may maalala ako.Hindi ko siya kasintahan.Hindi ko nga alam kung may kami ba.Sweet lang siya sakin pero walang label.
Mas lalo akong nasaktan ng unti unti kong maalala lahat.Kaya pala wala akong matandaan.Pinwersa ko ang sarili kong kalimutan siya.Sinabayan pa ni mommy.Kusa akong napahawak sa sentido ko.
Bigla na lang sumakit yun.Arghh!Pupuntahan ko ang lalaking yun.Gusto kong malaman ang dahilan niya kung bakit niya ako ginugulo.
