Banat (Batch 17)

446 4 1

June 9, 2014

Banat # 119

Miss U. Ewan ko ba?

Bigla namiss kita ng sobra.

Kanina naman kausap kita

. Iba na talaga nadarama.

Heto ako nagdadrama.

Kahit alam kong busy ka.

Naghihintay, nakatunganga.

Kahit isang salita masaya na.

Lalo kung may i love you pa.

June 9, 2014

Banat # 120

Aba Matinde Pa Rin!

Di mapakali sa higaan.

Init hindi dahilan.

Nakatutok electric fan.

Ikaw kasi nasa isipan.

Magliwanag, magdilim ikaw lang.

Kulang ang maghapon at magdamag na usapan.

Gusto lagi kang nandyan.

Wala man kwenta pinag-uusapan.

Kahit kabaliwan.

Anything under the sun.

In my heart there's only one.

And that is you XIAN.

June 11, 2014

Banat # 121

Nagkaroon ng sudden realization.

Ano ba talaga ang reason.

Hindi na lang kasi simpleng infatuation.

Bakit ganito na lang sa'yo mag-ilusyon.

Kahit ang mapasaakin ka ay mahirap na misyon.

Hindi titigil kahit pitpitin ng pison o ibala sa kanyon.

Mahirap man ang sitwasyon.

Kahit nabibigyan kita ng konsomisyon.

Hindi man magkarelasyon.

Andyan naman si pantasya at imahinasyon.

Nagmumukha man akong takas sa mental instutution.

Hindi titigil kahit magkarebolusyon.

I wanna call you my own.

Won't back down.

Kahit habang-panahon.

Itaga mo pa sa stone.

June 16, 2014

Banat # 122

Siyento por siyento

Pagmamahal ko totoo

Napapabanat mula sa puso.

Ipinababatid sa iyo.

Ako man madalas inaaway mo.

Di ako susuko.

Ganyan ka kahalaga sa akin.

Uunahin ka pa bago kumain.

Basta matiyak na ikaw mapasaakin.

At tawagin kang aking darling.

Kawangis mo bituing maningning.

Na sa akin nagpapaalipin.

June 16, 2014

Banat # 123

Oh Xian kong nilalangit.

Sa ganda mo ako'y naakit.

Puwede ka bang yakapin ng mahigpit.

Halikan labi mong oh so sweet.

June 16, 2014

Banat # 124

Gusto kong manatili.

Katagang paalam

Di mo maririnig sa aking labi.

Kahit madalas na ika'y may sapi.

Ipagpapatuloy

Kahit alam kong pangarap ka lang hanggang sa huli.

Di mag-aatubili.

Hanggang sa dulo, di iiwan ang iyong tabi.

JUne 20, 2014

Banat # 125

Nape-pressure naman ako.

Sa Morning text mo.

Sabi mo madaming i love you.

May banat pa na mababasa mo.

Pero nangiti ako.

Kaya ngayon heto ako.

Nag-iisip habang humihigop sa kape ko.

Sa ilang araw na matindi ang sapi mo.

Sa ilang araw na nasubok ang pasensiya ko.

Kung magalit ka pa naman todo-todo walang preno.

Isip ko natorete, tuliro.

Pero mas nanaig nararamdaman ng puso.

Inunawa ka na lang kahit mahirap ito.

Isa lang hiling ko.

Wag ka na mag-isip masyado

. Tignan mo pati facebook dine-activate mo.

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!