Chapter 5

20 4 3

Panget ng last update hahahays

++++++++++++++++++++++

MAXINE'S POV

*Kriiiiiingggg Kriiiiiingggg Kriiiiiingggg*

Nagising ako sa ingay ng tunog ng alarm clock na 'to. Sa inis ay binato ko ito sa pintuan. Eh nakakabwiset inaantok pa ko tss.

OMG! AYUN NGA PALA YUNG BIGAY NI CRAY NA ALARM CLOCK? WHAT THE HELL?!

Dali-dali akong bumangon at tumakbo papuntang pintuan at kinuha ang alarm clock. Hinimas-himas ko ito na parang may buhay.

"MAXINE! ANONG ORAS NA! LUMABAS KA NA DAN! HAHAHAHA!", ani Mama

Anong meron? Bat natawa?

"Opooo! Ligo lang po ako!" sambit ko kay mama at kumuha ng tuwalya at tumakbo sa cr upang maligo.

Habang naliligo naiisip ko pa rin ang paghagis o pagbato ko ng pinakainiingat-ingatan kong gamit na nagmula sa kanya. Mahal ko naman talaga siya, meron lang talaga sumingit, nakisali at nagtangka sa mga pamilya ko. Ewan ko ba kung bakit ganito sa pag-ibig, minsan na nga lang ako magmamahal, yun pang may hadlang.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ko at nagbihis. Ano na kayang mangyayari sa buhay ko?

F A S T  F O R W A R D  <3

Nagpaalam na ko kay mama at sa kapatid ko upang umalis at pumasok na. Hindi makakapasok kapatid ko today gawa nilagnat, timang kase e.

Lalabas na ko ng bahay ng biglang may palakang sumulpot na ikinagulat ko.

"Ay powet!

"BWAHAHAHAHAHA! TAENA NAKITA NA NAMAN KITANG NAGULAT!! HAHAHAHAHAHAHAHA!"

"TARANTADO KA LAUREEEEEEEEEEEN!" ako at hinabol ko siya dahilan ng pagtahol ng mga aso samin at kamuntikan pa kaming mahabol kung hindi kame titigil.

"Potek muntikan pa tayo mahabol ng aso, takot pa naman ako don. Huy sorry HAHAHAHAHAHA di ko lang kase mapigilang mantrip ngayon hahahaha!"

"Oo na, oo na. Kung di lang kita mahal eh. Tara na't baka malate pa tayo, kapresident ko'y nalelate HAHAHAHA.", sagot ko

Oo, puro kalokohan kame netong si Lauren. Mahal namin ang isa't-isa yieee hahahaha. Dahil kami-kami lang naman ang nagtutulungan sa mga problema namin, syempre kasama na don mga magulang namen. Pero yung mabigat na problemang di namen masabi sa aming mga magulang, kami lang talagang dalawa.

Ako, bata pa ko nung nagkaboyfriend ako. Tinanggap naman siya ni mama basta daw wag pababayaan ang pag-aaral. Sinunod at nirespeto naman namin ni Cray si mama. Kaya lang, may kung anong nangyari upang paglayuin kami.


"Max? Huy Maxine, lutang ka na naman. Sino na naman ba iniisip mo? Si Cray pa rin nuh?" lauren. Kilalang-kilala na talaga ko netong babaeng to.

Natahimik ako. Hindi ko kase alam kung anong sasabihin ko. Alam kong naramdaman naman ni Lauren na ayaw ko muna siyang pag-usapan kaya heto at siya gumawa ng paraan para baguhin ang usapan.

"Maxine! Andito na tayo! Lika na! Basta turuan mo ako sa assignments namin mamaya ha!" lauren. Tango nalang ang aking isinagot. Tinamad na tuloy ako sa buong maghapon. Hays. Oops, tamad naman pala talaga ko, hahahaha.

Pumasok na ko sa room namen at ayan na naman sila ang ingay. Ayoko na tuloy maging president, sobrang daming inaasikaso.

Nagcellphone nalang ako habang wala pa kameng teacher. Wala pa din yung katabi ko kaya walang kumakausap saken.

Maya-maya dumating na rin siya. Hingal-hingal. Nu kayang ginawa neto?

"Uhmmm hi Maxine. Morning.", sambit nya habang nagpupunas ng pawis

"Morning." binati ko nalang sya kesa mang-snob lol. Ilang saglit pa ay biglang nanahimik yung mga kaklase ko dahil andyan na si Ms. Batingaw.

F A S T  F O R W A R D . . . . .

"Grabe ang bilis ng oras, uwian na agad! Hehehe!", mema sabi lang ata tong katabi ko

Tinawanan ko nalang sya ng peke, bala sya dan.

Dali-dali akong umalis at hinanap si Lauren. Ayoko na tumabi don sa babaeng yon.

Bigla-bigla nalang may umakbay sakin dahilan para magulat ako.

"HAHAHAHA AYAN NA NAMAN HAHAHAHHAHAH!", alam nyo na naman siguro kung sino to nuh? Dakilang Manggugulat, Lauren.

"May gusto ka ba sakin, Lauren? Sabihin mo lang. HAHAHAHA!"

Kitang-kita at pandidiri sa katawan niya at hindi pa nakuntento kundi umakto pang nasusuka.

"Tarantado to! Gandaganda ko eh! Tapos sayo lang mapupunta? Ewww kadiri!", pandidiri ni Lauren. Grabe ansama saken, di nalang ako nagsalita.

JEAN'S POV



Pauwi na ko samin ng biglang tumawag si Cray. Sinagot ko ito syempre.


"Jean? Asan ka na? Okay ka lang ba?", tanong niya

"Luh? Mahal na mahal talaga ko neto eh hahahahaha!", kinikilig na sambit ko

"Haha sinisigurado ko lang, sige mamaya ulet. Bye.", sabi nya sabay end call. Ay, biglang inend? Ganon? asan na yung I love you ko?





Mas pinili kong dumaan sa shortcut papunta samen dahil mas mabilis don ngunit nakakatakot ang daan dito, madilim. Walang kailaw-ilaw.

Habang naglalakad ako di ko maiwasang matakot dahil tumatahol-tahol yung mga aso dito. Kilala naman na nila ko. Hays, mga aso talaga eh.

Habang tumatagal, nararamdaman kong may sumusunod saken. Kinilabutan ako.

Tumigil ako at nagkunyaring nagsisintas para makita ang itsura ng sumusunod saken. Pasimple kong tumingin sa likod ngunit wala na ito.


Pagharap ko'y bigla nalang may tumakip saking panyo na may napakatapang na amoy ng pabango na ikinahilo ko at dahilan upang maipikit ang aking mga mata. Ngunit pinilit kong dumilat at nakita ko ang kanyang mukha. Hindi ako makapaniwalang magagawa ng babae sakin to.

+++++++++++++++++++++++

end po muna. grabe antagal bago ko maiupdate to hahaha busy busy na po kase sa school tsaka ang hirap umisip ng mga mangyayari kaya ayan sorry po ayan lang pumasok sa isip ko hahahaha, sorry po sa mga natagalaaaan. sana po maintindihan nyo, lovelots. :*





A 2nd Chance?Where stories live. Discover now