Chapter 10

466 14 0

HANNAH'S POV

Nagsuot ako ng Black Leggings,White T-Shirt at black boots.Naglakad lang ako papuntang school.It is already 10:46 P.M.Yeah..gabi na..pero kailangan ko tong gawin at ito lang ang orad na pwede.Lalamunin ako ng curiousity ko kapag hindi ko nalaman ang totoo.Nakalock na nga pala ang gate.Ang Tanga ko talaga,bakit ba hindi ko naisip yun?Medyo mataas tong gate.Naku naman!Kaya ko to!Aja!Inakyat ko yung gate.Mahirap pero wala ng ibang paraan.Isa na lang

"Ouchie"

Napadaing ako pagtalon ko pababa para tuluyang makapasok.Ang sakit.May sugat pa tuloy yung braso ko.Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makita kong nagdudugo iyon.Ok lang yan Hannah,Come on.

Nagsimula na ulit akong maglakad habang hawak ang braso ko.Kinuha ko ang kapirasong tela sa T-Shirt ko at tinali yun sa braso ko para tumigil ang pagdugo.Tinahak ko ang madilim na pasilyo patungo sa isang lumang library.Tanging Cellphone ko at liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw dito.Pagkapasok ko sa loob ay ibinaba ko sa table yung bag ko.Nagsimula na kong maghanap nang libro.Siguradong may libro dito ng history—History ng school na to at ng mga naganap dito.Natigilan ako ng may makita ako.

'Classic'

Bigla akong kinutuban sa librong to.Kinuha ko iyon at umupo ako sa mesa.Nagsimula na kong buklatin yung libro.Sulat kamay?Habang nag iiscan ako sa libro may litratong nakaagaw ng pansin ko.Pitong magkakasama,Tatlong babae at apat na lalaki.Halatang masaya sila ng kinuhanan sila sa litratong to.Bumagsak ang luha ko ng makita ko ang isang lalaki.

"Kuya..."

Agad kong pinunasan ang luha ko.Hindi ito ang tamang oras para sa pagdradrama.Meron pang isang lalaking nakaagaw ng atensyon ko.

"Marco Asuncion.."

Kagang siya ni kuya??Yung lalaki kaninang humarang samin.Shit!

Pinicturan ko lahat ng page na may mga infos nila.Ang 'FreakSquad'

Bigla kong naalala yung notebook na nakuha ko.Agad kong hinalughog ang bag ko at kinuha yung notebook.Kanino ba—

Nabitawan ko ang notebook dahil sa nakasulat

'Curiousity will always lead you to death,mahilig kang mangialam.Always remember,Gangster school ang pinasukan mong paaralan.May mga bagay kang dapat hindi na inaalam,pero hard-headed ka..katulad ka ng kuya mo.Maghanda ka na.The game will start once you read this.'

–Death

Sinubukan kong maghanap ng ibang nakasulat sa notebook pero wala na.Yun lang ang nakita ko.Anong trip ng nagsulat nito?Sinayang lang yung notebook niya.Pero..isa lang ang nasisigurado ko...para sakin to..Pero bakit?Sino namang loko ang magsasayang ng notebook para sa ganito?Death?Kinilabutan ako bigla at ramdam ko ang pagsakit ng braso ko.Inayos ko na ang bag ko at nilagay sa shelves yung libro.Lalabas na sana ako pero...

"Where do you think your going?"

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Ayokong lumingon pero dakila akong pasaway eh...

"ahh..uuwi?"

"anong ginagawa mo dito?"

Im trembling ang I can feel my sweat trickling down

"Ahh..may..m-may hinah-hanap lang a-akong importante"

"Why stutter Ms.Versailles?"

Muli akong napalunok

"I told you..come to me ang I will tell you everything"

"Marco Asuncion"

"Yes?Hannah?"

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon