Crowning Glory

371 28 6
                                    

Crowning Glory

Her hair is her own crowning glory.

Hi it's me, Clara.

Natagalan bago ako makapag-confess or share ulit kay Miss Elyon ng karanasan ko. I am busy building my future kasi, masiyado ng flat. Charot.

Honestly, ayaw ko na sanang magshare. Does it make sense? Naitanong ko sa sarili ko minsan. May maniniwala ba talaga sa akin? O baka gawa-gawa lang ng utak ko ang lahat, na imahinasyon ko lang lahat ng iyon at masyado lang akong nagpalamon.

2 months... yeah, sa bawat pagbangon ko tuwing umaga sa loob ng dalawang buwan, sinubukan kong kalimutan ang mga hindi normal na nangyayari sa paligid ko, na huwag silang pagtuunan ng pansin.

Nakisalamuha ulit ako sa ibang tao. Ang sarap pala sa pakiramdam. Napalaya ko ang sarili ko sa kulungang ako mismo ang gumawa.

Pero ang pakikipagsalamuha ko ay siya ring gumising sa akin sa katotohanan na nariyan SILA, nakikisabay sa agos ng buhay ng mga tao.

They are the truth that we, humans, need to accept that they exist. Yes, we breath the same air with them.

Minsan ko nang nai-share ang tungkol sa pagpapagupit ko ng mahabang buhok ko noon last 2015 dahil sa babaeng nilalang na ayaw akong tantanan.

Akala ko hindi na ulit iyon mangyayari kaya sa loob ng higit dalawang taon, hindi ako nagpagupit.

I have naturally straight black hair. Bagsak kung bagsak. Kahit minsan lang maligo, maayos pa rin ang buhok ko. Pang-palmolive commercial ika nga nila.

Very healthy rin, mabilis kasi humaba. Palagi ako napapagkamalang tambay sa salon. Alagang rebond. Pero NO, my hair is still virgin.

Kaya umabot na hanggang pang-upo ko. Nakakapagod magsuklay pero wapakels. Feel na feel ko ang long hair ko.

Sabi ni kuya, kung ayaw ko raw magpagupit, pakulayan ko na lang daw. Nakakabahala raw kasi sobrang ganda ng buhok ko. Kahit sila hindi mapigilang punahin ang ganda ng buhok ko.

Sa pakikipagsalamuha ko, buhok ko ang palaging agaw-atensyon ganoon din ang balat ko na minsan lang bisitahin ng tigyawat.

Nagtraining ako sa isang course ng Tesda at halos lahat ng mga nakasama ko roon, ako ang palaging pinupuna, kaya nga sabi ng isa kong kakilala dapat daw sagutin ko ng "Puwera buyag" ang taong pupuri sa akin.

Dahil maaaring may mga masasamang elemento ang nakikinig, baka makursunadahan ako.

Sa mga probinsya sa visayas o sa ibang bisayang bayan, palaging ginagamit ang "Puwera buyag." kapag pinupuna o pinupuri ang mga bata.

Natawa nga ako dahil ano ako bata?

Noong malapit nang matapos ang training ko, balik na naman ako sa dating gawi na hindi makatulog nang maayos. May dumadalaw na naman.

Pilit kong binabalewala pero hindi... iba ito. Isang demonyo na. Nakakaramdam ako bigla ng libog kahit umaga at gising ako. Naghahanap ang katawan ko. Pero pilit kong pinipigilan. Hindi ko hinayaang bumigay ako. Para kasing may nag-uutos sa akin na magkulong ako sa kuwarto, maghubad at siyempre alam niyo na ang susunod na mangyayari.

Pero ibang usapan kapag tulog ako. Nagigising na lang ako bigla na may humahaplos sa katawan ko. Nadadala ako sa una. May gumagalaw sa akin. 'Ni hindi ko magawang magmulat.

Ngunit sa tuwing nangyayari iyon, may boses na bumubulong sa akin na tila ginigising ako. Ang aking Kadungan. Alam kong siya iyon. Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya, alam kong binabantayan niya ako.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon