14 ~ Secret Affair

430K 11.9K 1.3K
                                    

A/N: Hello Grainners! Please take time to read my short announcement about one of my novel here.

"Magdalene: The Stripper" is already published under Sweetheart Romances.
Price: P180 (+ Shipping Fee)

To those who wants to have a signed copy, you can message me here or on my Facebook account for order form. At pwede din po kayong makabili sa ating mga online seller/reseller sa mas mababang halaga. Sana po bumili kayo. 🙏🙏🙏

Chapter Fourteen

COLTON loosened his grip on her hand when they heard the doorbell rang. They looked at each other curiously, not expecting that someone might visit them. Then an image of angry Gail suddenly kicked in. Binalot ng kaba ang puso niya. Ang isip niya ay pinaligiran ng mga negatibong pangyayari sa imahe na kapag nakita ng babae na magkasama sila ni Colton...sa iisang kwarto, iisang kama at magkatabing natulog magdamag.

Mabilis siyang napatayo, tumunog ang mga kubyertos dahil sa pagtama ng kamay niya sa bilog na babasaging lamesa. Kailangan niyang magtago! Iyon ang unang pumasok sa isip niya!

The doorbell rang again making her more nervous than she is right now. She heaved a sighed and regretfully stare at the man who's seating and watching her panic moves.

"Colton! Get up! Gail might see us!" She's so desperate that she wanted to punch him for being so cool.

"Calm down, K."

"Calm down?!" The doorbell rang again. Napatingin siya sa pinto na tagos sa sliding door. "Don't tell it to me because I can't freaking calm down when I know that someone will see us together, in one room—" Tumayo ito at bigla siyang kinabig payakap dito.

Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan pati na ng labi niya. Marahil ay namumutla na rin siya sa kahihiyan at takot sa mga sandaling iyon. Takot na isasampal sa harap niya na kahit ibinigay niya ang sarili sa binata, wala pa ring magbabago. Iba pa rin ang papakasalanan nito, not that she's wishing him to marry her though.

Ang imahe na ipapahiya siya ni Gail bilang isang kabit ni Colton sa harap ng maraming tao ay talagang hindi niya maatim. Ano na lang ang magiging tingin sa kanya ng mga kakilala at mga kapatid niya kapag nalaman ng mga ito ang bagay na 'yon? Kailangan niya na talagang magtago bago pa sila maabutan!

"You're shaking..."

Pinipigilan niya ang sarili ngunit talagang nararamdaman ni Colton ang panginginig niya lalo at yakap siya nito. Ayaw na naman siyang pakawalan!

"Si G-Gail..."

"She's not here if that's makes you worry."

"Then, where is she?!" Hindi pa din siya kumbinsido.

"She flew to Japan last night."

"S-sino ang nasa labas kung gano'n?" Ngayon ay mas humina pa ang boses niya. Kinakalma na ang sarili.

"Howell?"

Nag-angat siya ng tingin dito, nagtama ang mga mata nila. His one hand caressing her shoulder, the other one was traveling on her waist then to her back.

"Si Doc Howell?" Colton nodded. "Nandito siya?"

"Yes, he's been staying in resort for a days now."

"Ba't hindi ko siya nakikita?"

Nagsalubong ang mga kilay nito at dumilim ang anyo. Walang panama ang liwanag na tumatama sa gawi nila.

"Why do you have to see him then?"

Ngumuso siya. Howell Banchero is her boss. He's the owner of Banchero's Medical Center. Wala namang kaso kung gusto niyang makita ang binatang doktor, di ba?

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon