Wizard's Tale 1: Chapter 35

164K 4.1K 438
                                    


(Alyanna POV)


"Sigurado bang okay ka na?" Inulit kong tanong kay Brylle. "Kagagaling mo pa lang, baka mabinat ka."

"Sabi ko nga sayo, sobrang ayos na ang pakiramdam ko."

"Pero—"

"Parang hindi ka lang nag-aalala. Naduduwag ka lang rin bumalik sa Otherworld!"

"Hindi ako naduduwag kundi nasusuka!" Iniisip ko pa lang yung nakakahilong paraan para makarating kami sa mundong yun, umiikot na agad ang ulo ko! "At tsaka, absent na naman tayo sa school."

"Isang araw lang naman tayong aabsent. Don't tell me mami-miss mo agad si Dustin?"

"Hindi! Iniisip ko lang kung ano na nangyari sa kanila ni Elysse."

"Di ba nga binura ko na ang memories nila tungkol dun sa nangyari. Ang mahalaga ngayon, masigurado natin na si Elysse nga ang Lux Princess."

Oo na, sige na! At dapat ko na ring ihanda ang mga kalamnan ko dahil malapit na kami dun sa eskinita kung saan nagbubukas ang portal patungo sa Otherworld.


* * *


Nakarating na kami sa Otherworld at kung ano ang nangyayari saakin sa tuwing bagong dating namin dito, ni-replay lang! Tulad ng dati, nakaluhod ako sa lupa, nagsusuka at hihintayin lang sandaling kumalma bago magsimulang maglakbay.

"Dapat siguro inaaraw-araw natin ang pagpunta dito para masanay ka na talaga."

"May pagka-sadista rin noh?" Ewan ko ba, nakakahilo talaga ang byaheng Otherworld!

Pumunta na uli kami sa Plumdust City patungo dun sa Necro Market. Nang makarating na kami sa bookshop, agad naming hinanap yung libro dun sa pwesto kung saan ko unang nakita yun.

"Sigurado ka bang nandito yun?"

"Oo! 'Lux Bloodline: The Lost Lux Princess' ang title ng libro." Tinungo ko yung bookshelf kung saan nakapwesto ang libro. At wish ko lang nga, wala pang nakakuha o nakakabili nun. "Nandito lang yun eh."

"Nasaan?"

"Basta dito!"

Matagal rin kaming naghanap kaso sa sobrang tagal na, inip na inip na si Brylle. "Sigurado ka ba talaga?"

"Paulit-ulit ka naman! Sigurado ako sa nakita ko!" Saan ba kasi naggala ang librong yun! Kung kailan naman kailangan, saka ayaw magpakita!

"Siguro may iba nang nakakuha ng librong yun. Kung sabi mo nagpakita sayo si Clerion nung araw na yun, malamang siya na ang kumuha nun."

"Ano nang gagawin natin? Kakaasar naman! Yung libro nga ang ipinunta natin dito tapos hindi rin pala natin makukuha!"

"Wag kang mag-alala. Naisip ko na rin na pwedeng mangyari ito kaya may ibang plano pa ako para hindi masayang ang pagpunta natin dito." Ano naman kaya ang naisip niya? "My plan is an effective way too! Kaya nga lang..."

Kaya nga lang ano? Harujusko naman! Hindi maganda ang kutob ko sa second plan nitong si Brylle!

Pag-alis namin dun sa bookshop, isinama niya ako sa isang lugar. Sabi niya, pupunta kami sa pinakamalapit na terminal o sakayan daw sa Necro Market. Pagdating namin dun, natameme na lang ako sa kinatatayuan ko. "Tara na Yana."

"A—ano yan?"

"Ito na ang sakayan dito."

"Yan? Sabi mo terminal! In-expect ko naman na tricycle, jeep o bus ang sasakyan natin! Hindi ko naman akalain na... na ganyan—ano ba yan?"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon