Chapter 3: Alexander Lim

163 1 2
                                                  

Alexander's POV

Andito ako ngayon sa second floor ng building namin at hinihintay ko yung tatlong ugok nayun. Ba't ba kasi ang bagal nila? Kalalaking tao ang bagal2 kaya di nako magtataka kong pati sa pakikipagrambulan mabilis masira yung pagmumukha nila.

Habang naglalakad-lakad at patingin-tingin ako sa paligid, Nabigla ako kasi may biglang bumangga saking isang babae. "S-sorry p-po." Agad naman niyang sabi. Mukhang nagmamadali kasi dimanlang ako tinapunan ng tingin -_- Aba? Dapat nirerespeto yung kagaya ko at di basta-basta binabangga -_- pero hayaan na mukhang baguhan pa kasi dipako kilala at yung mukha niya mukhang baguhan lang din sa University. Well, Maganda siya tsaka maamo ang mukha na may manipis na redlips. Pero may mas maganda padin sakaniya.

Maya-maya, natanaw kona ang tatlong ugok. Nagsabay-sabay pa tlaga sila ha? Agad naman kaming mag fistbump sa isa't-isa. They're my childhood friends.

"Oh pre? Ba't mukhang badtrip ka?" Nakangising bati sakin ni Timothy. SUS baka masapak koto ng wala sa oras e. Siya pala si Timothy Jake Ramirez. Isa sa naging childhood friends ko at sobrang kulit niya at palaging nakalutang ang utak. "Oo nga, dinatnan kananaman ba? hahahaha" Nakatawa ding bati sakin ni Dandreb sakin. Akala ata nila mapipikon nila ako e. Naku subukan lang nila ako baka lumuhod sila sa harapan ko. Siya pala si Dandreb Louisse Santiago ang playboy sa grupo namin."Wag niyo na ngang asarin si master.. Kayo talaga sge baka masapak kayo niyan dito." Nakangiting sabi ni Stephen sa dalawang ugok. Siya si Stephen Carl Santos ang pinaka humble at pinakamabait sa grupo namin. Siya ang palaging nagbibigay ng payo samin tungkol sa pag-ibig kahit dipa naman siya nagkajowa at iba pang mga payo.

Tinitigan ko lang ng masama yung dalawang ugok at inaya kona sila para umakyat na ng 3rd floor at pumasok na ng room namin.

Pagpasok namin, may naririnig na nanaman kaming bulung-bulungan pero dina bago samin yun. Sanay na kami. At alam na ng mga estudyante dito na dikami dapat banggain. Di naman kami masama pero pag pinainit niyo yung ulo naming apat, mabubugbog talaga kayo ng wala sa oras.

Pagkaupo naming apat sa likod, Napansin ko yung kaninang babaeng bumangga sakin sa corridor ng 2nd floor. Katabi niya yung baklang SSG President ng University. Ang amo talaga ng mukha niya. Pero wala padin akong paki! Pero may kung ano sakin na masaya kasi kaklase ko siya. Pero wala talaga akong paki!

Maya-maya, pumasok yung isang teacher at kilala ko nanaman siya. Maganda din siya pero may mas maganda padin sakanya. Agad niya kaming binati at nagpakilala samin. Nakikinig lang ako sakanya at sinimulan na niya magsalita at nagpa introduce yourself pa. Well, dina kami sasaling apat kasi kilala naman din kami e. Nauna yung babaeng nakabangga sakin kanina.

"Hi guys, I'm Kaira Sy Fuentes. I'm 18 yrs old. You can call me Kaira and nakatira ako jan sa may kanto tapos may bahay dun. Yun na yun! at sana makaclose ko kayong lahat dito ^_^." Nakangiting sabi niya. Aaminin kong mas gumaganda siya pag nakangiti. Pero may pagkabaliw tong babaeng to. Kitang-kita mo sa mukha ang pagka inosente niya. Pero wala talaga akong paki. Ako? Magkakapaki sa isang babae? No way! Alexander Lim to. At alam kong isa din siya sa mga babaeng maghahabol sakin.

Dahil nabored ako, dinako nakinig sakanila at ganun din yung tatlong ugok na katabi ko. Isa-isa kaming naglagay ng earphones sa mga tenga namin. Ang boring talaga mag-aral. Buti pa yung makipagsuntukan sa iba't-ibang gang mas mathrill pa.

Nahahalata ko naman na nagtataka yung si Kaira kung bakit parang hangin lang kami sa room at di kami nakikisabay sakanila. Sabi ko na ngaba e, isa din siya sa mga babaeng nagkakandarapa para mapansin kolang sila.

Di na namin namalayan ang oras na nagbell na pala at hudyat na break time na namin. Agad naman kaming lumabas kaming apat sa room at pagkalabas palang namin, naiirita nanaman yung tenga ko sa mga ingay ng mga estudyante. Pano ba naman? Nagbubulung-bulungan tapos dinig na dinig naman namin.

Natahak na naming apat yung canteen at nung mapansin naming puno yung mga lamesa sa canteen agad naman kaming nagtungo sa pinakadulo ng canteen at nung nakita naming may nakaupo dung mga babae, agad ko namang tinapunan ng masamang tingin yung mga nakaupo at agad naman silang umalis. Mukhang kinikilig pa sila ng makita kami. Oh girls, stop dreaming of us.

Si Stephen na ang nagpresintang kumuha ng orders namin. Ang bait talaga ng gagong yun pero siya yung pumapangalawa sakin pagdating sa rambulan. Sa sobrang bait niya, pati yung mga nabubully na mga babae sa school e tinutulungan niya.

Dumating na si Stephen sa table namin dala ang mga orders namin. Para kaming artistang apat pano ba naman e lahat siguro ng mga estudyante dito sa canteen e nakatingin samin at nagbubulung-bulungan pa. Alam naman naming gwapo kami kaya wag niyo na ulit-ulitin. Kakasawa din.

Ng matapos na kaming kumain, ngayon kolang napansin na nasa kabilang table pala sila Michael. Ang daldal kasi ng baklang yan halos sumigaw na sa canteen. At kitang-kita kong panay bungisngis si Kaira habang nakikinig kay bakla.

Napansin kong siniko ako ni Timothy at lumingon naman kagad ako sakanya. "Oy pre? Si Michael bayung tinitignan mo? Di kami nainform ah na pumapatol ka pala sa bakla hahahahaha." Natawang sabi ni Timothy. Agad ko naman siyang binatukan at sinamaan ng tingin. Ganun din si Dandreb binatukan ko din siya pano ba naman e sumasabay sa kalokohan nitong gag*ng Timothy nato -_-. Umiiling at ngumingiting pinagmamasdan kami ni Stephen at napapansin kong pa sulyap-sulyap siya sa table nila Michael at sinundan ko yung tingin niya at alam na alam kong si Kaira ang tinitignan niya.

Agad ko naman sininyasan silang tatlo na umalis na kami. Wala lang, tinutunaw kasi ni Stephen si Kaira e. Pero wala naman akong paki diba? Pangiti-ngiti pa ang loko habang naglalakad kami.

Tumambay muna kami sa mga bench sa school at naghihintay na magring nayung bell. Maya-maya, dumaan sa harapan namin sila Kaira at daldal padin ng daldal si bakla pero parang si Sherlyn lang yung nakapansin samin. "Hey bro's" Bati samin ni Sherlyn at tinapunan kami sandali ng tingin. Ang angas nitong babaeng to. Pero si Stephen at si Timothy lang yung bumati kay Sherlyn. Sandali palang, nagring nayung bell at naglakad na kaming apat habang nasa harapan namin sila Kaira.

Pagkapasok namin, agad ding pumasok yung lalaking guro namin. "Goodmorning class. I'm Mr. Clark Salvador your teacher in Managerial Economics." Bati niya sabay nagdiscuss na kagad sa amin. Ang boring padin niya.

Iniisip niyo kung bakit HRM yung kurso naming apat? Well, bukod sa pakikipag rambulan, mahilig din kaming magluto kaming apat. At mas willing pa kaming matuto sa kurso namin. Pero ang boring pala talaga. Walang thrill.

Pero sinubukan naming makinig at pag may mga tinatanong na questions e nakakasagot din naman ang mga pinapasagot.

The Badboys LoveWhere stories live. Discover now