Chapter 4

35 6 12

Sadsadsadsadsadsad

++++++++++++++++

CRAY'S POV


Miss ko na si Maxine. Kung hindi ba naman nangyari yon, edi sana kami pa rin ngayon. 3 years lang naman ang nakalipas. Pero medyo matagal matagal na rin para sa'kin. Syempre hinding-hindi ko makakalimutan iyon...

Ilang saglit pa biglang nagring yung phone ko. Andito lang ako sa condo ko naghihintay sa wala. Hays..

"Babe, let's go out! Nakilala ko na yung ex-girlfriend mo. Actually, I'm so plastic talaga kanina kase yung mga pangngiti ngiti ko pa hays. Nakakaawa naman siya parang pulubi!", ani Jean, oo naaawa talaga ko sa kanya. Siguro hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Hindi nga ko makapaniwala na parehas pala kami ng school. Sana parehas din kami ng nararamdaman. Pero wag ding mag-assume, baka masaktan lang sa huli.

"Babe? Are you there? Hello?"

"Yeah I'm here. I'm just e-eating.", I lied.

"Are you tired? Gusto mo puntahan kita dan?"

".....Ah siguro wag na.. May gagawin pa kasi ako eh. Sorry babe but I'll make sure next time we'll go out!", kunyare masigla kong banggit

"Yaaaaaaay! Okay weekend ba babe? I'm so excited na!!!"

"Uhmm itetext nalang kita before that day. See you around. I love you.", nakatulalang banggit ko sabay end call.

Hayyy. I miss my Maxine. Woah, she's not mine na pala.

++++++++++++++++

(Kala nyo end na no djk hahaha)


The next day repeat lang ng repeat ang routine ko. Sad to say na ayokong pumasok ngayon pero nabubuhayan ako ng loob pag naiisip ko si Maxine. Pero ayokong maalala yung nangyari nung nagbreak kami, pero syempre kailangan niyo malaman para malaman niyo talaga istorya namin....


FLASHBACK.....



Andito na ko sa tapat ng bahay nina Maxine upang sunduin siya sa date place namin. Actually, hindi niya alam ngayon na magdedate kami. Hehehehe.

Nakita ako ng tita May (nanay ni Max)

"Oh halika dito iho upo ka muna hehe.."

Nginitian ko lang si tita at nagbless.

"Actually, may date po kami ngayon tita at hindi nya po alam. Ang alam niya lang po gagala kami hahaha!", masigla ngunit mahina kong tugon

"Ah ganun? Sher mo lang iho? Hahahaha! Anyway, eh parang date na rin naman iyon iho! Hindi naman kayo gumala ng hindi kumakain sa mga restorant! Hahahaha!!", ani tita May

Napapahiya nalang tuloy akong napakamot ng ulo. Samantala, hindi naman mapigil sa pagtawa si tita May. Ano bang nakain ni tita? Hahahaha!


Maya-maya, bumaba si Maxine. Sobrang ganda niya sa suot niyang blue dress. Kumikinang yung ganda niya. Yieee nababakla nanaman ako hahahaha!

Pero bakit ganun mukhang hindi siya nagmakeup? Yaan na, maganda pa rin naman siya kahit walang makeup. Pero eto talaga yung napansin ko eh, bakit hindi siya nakangiti at bakit namumugto ang mga mata niya? Argh, nevermind. Date namin to okay?

Kinuha ko ang kamay niya at inalalayan pababa at nagpaalam na ako kay tita May. Lumabas na kami at walang imik kaming pumasok sa'king kotse.

Ilang segundo rin akong nakatulala sa manibela na parang may masamang mangyayari. Naputol lang iyon nang...

"Cray? Are you listening?"

"Ah oo. Hahaha! Tara na nga!", nakangiti kong tugon. Buti naman medyo lumuwag na ang pakiramdam ko dahil medyo nakangiti na siya ngayon.

"Cray, bakit naman sobrang ayos mo ngayon?", tanong ni Maxine na may halong tawa

"Bakit? Lagi naman akong ganto ah? Hahaha!", biro ko


"Aish! Tara na nga!", kunyareng naiinis na tugon ni Max. Ang saya niya talaga kasama.

Ilang oras din ang binyahe namin at puno ng kwentuhan at tawanan ang buong biyahe. Pero ito yung nakakailang,

Maya-maya, may nagtext sa cellphone ni Max. Nakita ko yon sa peripheral vision ko habang nagdadrive. Hindi na ko masyadong lumingon dahil malapit na rin naman kami sa pupuntahan namin. Tsaka andami na ring sumisingit na sasakyan kasi weekend.. hays weekend talaga....

Nakita kong binasa ni Max at nakita ko rin na ilang segundo siyang natulala sa cellphone pagkatapos basahin ito.

Nakita kong lumingon siya sa labas at medyo kinalikot ang kaniyang mata. Anong meron?

Hindi nalang ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin. Nakakailang whoooo!


FAST FORWARD-----+++++-----


Maya-maya ay nakatapos na kaming kumain. Grabe, ito na kinakabahan na ko. Nag-cr muna ako at kinuha sa bulsa ang isang engagement ring at tinitigan. Ngumiti ako dahil iyon ang pinag-ipunan ko simula pa nung nagustuhan ko si Max. Sana naman tanggapin niya...


Nagulat ako kasi habang papunta na kami sa kotse ay biglang humigpit ang hawak ni Max. Napansin ko ring medyo lumamig ang kanay niya ngayon kaysa kanina. Siguro dahil sa aircon sa pinagkainan namin. Siguro din dahil gabi na, sayang di na kami makapamamasyal.




"Ah C-Cray....."




Napalingon ako kay Max at napangiti. Siguro hihingi nanaman to ng pagkain. Haynakoooo.

"Bakit Max? Saan ako bibili ng pagkain? Ayun lang yung McDo oh! Hahaha saglit lang te---"

"I'm so s-sorry C-Cray.....B-but, we n-need to end t-this..."

Kusa akong napalingon kay Max dahil sa mga pinagsasasabi niya. Aynako, umaacting nanaman ang isang to. Hahahaha!

"Ano nanaman bang pinagsasasabi mo Maxine? Walang ganyan no! Diba forever tayo?", natatawa kong sambit

Hinawakan ko ang kamay ni Max ngayon ay nanlalamig at nanginginig. Ano bang nangyayari?

"I'm so sorry C-Cray.... Hindi n-naman talaga kita m-minahal.."


Ha?


Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya na may kasamang tanong na "totoo ba?" ngunit tumungo lang siya.

"I'm breaking up with you tonight C-Cray... G-g-goodbye...."

...

...

...

...

Anong dahilan? Bakit? Minahal mo naman ako diba?

"Asan na si Maxine? Ibalik mo siya!", naluluhang tugon ko habang niyuyugyog ko ang balikat niya

Marahas niyang tinanggal ang mga kamay ko at tumingin ng diretso sa mata ko kasama ang luhaang mata. "Cray! Ano ba! You're not my boyfriend anymore!", sigaw niya sa'kin sabay takbo at hindi ko na balak tingnan kung saan siya tumungo. Kinuha ko ang engagement ring at binuksan. Hinalikan ko ito at sinabihan ng "sorryyy"


Pinagtitinginan na ko ng mga tao dito ngayon at wala akong pake. Nasaan na ang dating Maxine?! BAKIT?! BAKIT HINDI NIYA SINABI?! ANO BANG NANGYARI?!

××××××××××××

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa kwarto at tinitingnan ang picture namin ni Maxine sa Enchanted Kingdom. Napatingin ako sa salamin at nakita kong umiiyak na pala ako. Oo mga lalaki kami, pero nasasaktan rin naman kami....

+++++++++++++++++

WHOOOOOOOO! 1000 PLUS WORDS HAHAHAHAHA WALA LANG SKL. SALAMAT PO SA PAGBABASA! SORRY PO SA LATE UPDATE! PAKISUPORTAHAN NAMAN MGA ATE KUYA HAHAHA! KUNG AYAW NIYO NAMAN PO HINDI NAMAN PO KAYO PINIPILIT BASTA SALAMAT NALANG NALANG PO SA PAGBABASA!





A 2nd Chance?Where stories live. Discover now